SERBISYO NG PAGPAPAKONSULTA (PATIENT CONSULTATION SERVICES)
TUNGKOL SA SERBISYO:
- Para kanino at ano ang serbisyo?
- Ang serbisyo ay ibibigay sa lahat ng mamamayan ng Quezon, Quezon; permanente man o transient; na mangangailangan ng atensiyong medikal para sa anumang karamdaman.
- Ang pangunahing serbisyong ibibigay ay nasa antas ng medisina na kung tawagin ay General Practice at Outpatient Care.
- ๏ง Hanggaโt maaari, hindi mag-aadmit (kasong pang-ospital) ng pasyente sa RHU/BHS dahil halos wala itong kakayahan at personnel para rito
- ๏ง Ang anumang kasong โemergencyโ ay lalapatan lamang ng pangunang lunas (first aid) hanggang matukoy na ligtas nang maililipat ang pasyente sa ospital.
- ๏ง Hindi mag-oopera sa RHU liban lamang sa mga minor outpatient surgical procedure gaya ng pagtutuli, pagtatahi ng sugat, pag-alis ng maliliit na bukol at iba pa.
- Walang bayad ang serbisyong ito
- Schedule ng Serbisyo
- RHU Main
- ๏ง Lunes hanggang Biyernes; 8:00am hanggang 12:00nn lamang ang regular na konsultasyon.
- ๏ง Kasong Emergency: Araw-araw; 8:00am hanggang 5:00pm
- ๏ง Sabado/Linggo/Araw na walang pasok/Oras na labas sa nakatakdang oras ng pagpasok (after 5pm): On call at emergency lamang
- BHS
- ๏ง Gaya ng sa RHU main ngunit sa panahon lamang ng buwanang pagbisita ng midwife ang regular na konsultasyon.
- RHU Main
KABUUANG ORAS NA GUGUGULIN PARA SA SERBISYO: 10 hanggang 20 minuto depende sa kaso
MGA HAKBANG NA SUSUNDIN | ORAS SA BAWAT HAKBANG | TAONG NAMAMAHALA |
Registration: Magpapatala ang pasyente sa pang-araw araw na talaan (Daily D) ng RHU/BHS. Pagkatapos nitoโy kukunin ang kanyang record/chart mula sa taguan. | 2 minuto | Ayra Diana D. Cantos, RN Public Health Nurse Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
Triage: Aalamin ng nakaduty na Midwife, Nurse o Health Personnel sa Triage ang dahilan ng pagkonsulta ng pasyente at itatala ito sa chart. Kukuhanan rin ito ng Vital Signs. Kung emergency ang kaso, ipapasok agad ang pasyente sa RHU upang malapatan ng lunas. Kung hindi naman, siya ay bibigyan ng number at papipilahin sa pila ng konsulta. | 3 minuto | Ayra Diana D. Cantos, RN Public Health Nurse Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
Konsultasyon sa Health Personnel: Ayon sa pagkakasunod-sunod ng numerong ibinigay sa triage, titingnan muna ng mga health personnel on duty (Nurse, midwife, atbp) ang pasyente. Ang lahat ng datos ng, gamutan at pagpapayo sa pasyente ay itatala sa chart nito. Kung simple lamang ang karamdaman at kaya nang gamutin ng tuminging health personnel (na may regular na pag-aaral at pagsasanay sa ilalim ng Municipal Health Officer), hindi na ito kailangang i-refer sa duktor at pupunta na sa huling hakbang. | 5 hanggang 10 minuto | Ayra Diana D. Cantos, RN Public Health Nurse Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
Konsultasyon sa MHO/Duktor: Kung matutukoy ng Health Personnel on Duty na nangangailangan ng mas masusing eksaminasyon at gamutan ang pasyente, kanya itong i-rerefer sa MHO/Pambayang manggagamot na siyang titingin dito. Kung galling sa linang ang pasyente, ito ay kailangang may referral form na galing sa Health Personnel on Duty. | Di bababa ng 10 minuto upang matiyak na nasuring mabuti ang pasyente | Jeremiah Carlo V. Alejo, MD,MCD Municpal Health Officer |
Interview, Eksaminasyon, Paggamot at Pagpayo sa Pasyente: Health Personnel: โข Interview at eksaminasyon ng pasyente โข Tamang diagnosis at gamutan ng pasyente ayon sa impormasyon at datos na nakalap โข Tamang pagpayo at pag-schedule ng follow-up ng pasyente โข Pagbibigay ng available na gamot sa pasyente โข Kung kailangang dalhin ang pasyente sa ospital, gagawa ng kumpletong referral slip na ipapadala sa pasyente | Hindi bababa ng 5 minuto (ibang health personnel) Hindi bababa ng 10 minuto kung ni-refer (MHO/Duktor) | Jeremiah Carlo V. Alejo, MD,MCD Municipal Health Officer Ayra Diana D. Cantos, RN Public Health Nurse Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
Ilang Paalala: โข Laging uunahin ang mga kasong emergency anumang dami ng nakapila pang regular na pasyente โข Matagal nang tuntunin sa RHU ang hindi pagtanggap ng regular na konsultasyon sa hapon (1pm-5pm). Alam na ito ng higit na nakararaming mamamayan ng Quezon, Quezon. Mahalagang libre ang hapon ng RHU personnel para sa pagplaplano ng mga programang pangkalusugan ng bayan, gawaing administratiboโt teknikal, patuloy na pagsasanay ng RHU personnel at pagsasakatuparan ng ibaโt ibang programang pangkalusugan ng DOH at LGU |