The BFP personnel of this station conducted the Fire Safety Seminar to Business Establishment Owner Batch 2 held at Brgy. 4 Municipal Covered Court in Observance of the Fire Prevention Month 2022 with the theme, “Sa Pag-Iwas Sa Sunog, Hindi Ka Nagiisa”.
The Municipal Government of Quezon, Quezon, headed by Honorable Mayor Ma. Caridad P. Clacio, Honorable Vice Mayor Leo L. Oliveros and all the honorable members of the local sanggunian together with the officers and personnel from various national agencies, joins the National Women’s Month Celebration this month of March.
During the flag raising ceremony earlier, the All-Women Cast Lupang Hinirang was played and everyone is holding a purple balloon with purple ribbons, which were later used to decorate their respective offices in purple to spark interest and discourse on the celebration and what it stands for.
The LGU will also participate in #PurpleTuesdays, which encourages the wearing of purple on all the Tuesdays of March to signify support to women empowerment and gender equality. #2022NWMC #WomenMakeChange #lguQQ
Ang ating Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Pambayang Agrikultor ay muling nagpapaalala sa lahat na ang virus na kumakalat sa baboy o African Swine Fever (ASF) ay patuloy pa rin ang paglaganap sa ating lalawigan.
Amin din pong ipinababatid sa inyo na ang ating bayan at dalawang bayan dito ay nananatili pa rin na ASF-free o walang kaso ng ASF. Upang mapanatili ito, ang ating bayan pamahalaang bayan katuwang ang dalawa pang bayan dito sa isla at ang Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo ay patuloy na magsasagawa ng mga hakbang upang hindi makapasok ang ASF virus sa ating isla.
Ang Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultura at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ay magsasagawa ng panghuhuli ng mga aso sa bawat barangay.
TREE PLANTING – Brgy. Villa Mercedes COASTAL CLEAN UP – Brgy. 6 Pob to Brgy. Silangan
MAKIISA at maging KATUWANG ng pamahalaang bayan para sa PANGANGALAGA at PAGPAPANATILI ng LIKAS na YAMAN at GANDA ng ating KAPALIGIRAN! ! ! !
Ang gawaing ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-108 Taon na Pagkakatatag ng Bayan ng Quezon.
Ang karagatan, kabukiran, kabundukan at kakahuyan ang siyang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng ating bayan. Mayaman tayo sa mga produktong mula sa magaganda nating baybayin at karagatan ganundin sa mga produktong mula sa bukid at kagubatan. Sa panahon ngayon ay nakikilala na ang ating bayan bilang isa sa mga bayan na may pinakamagagandang resorts, dalampasigan at malinaw at malinis na dagat sa ating buong lalawigan.
Isang malaking hamon sa ating lokal na pamahalaan na ito ay mapagyaman at mapangalagaan. Kung kaya naman ang Pamahalaang Lokal sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Ma. Caridad P. Clacio, Pambayang Tanggapan ng Turismo, Kultura at ng Sining at ng Pambayang Konseho ng Kultura at ng Sining ay ilulunsad ang isang makabuluhang gawaing ito. Ninanais natin na MAGKAROON ng malalim na KAMALAYAN at YAKAPIN ang RESPONSIBILIDAD na TAYO ang siyang MANGANGALAGA sa YAMAN ng ATING BAYAN.
Ang gawain pong ito ay lalahukan ng mga sumusunod: -Kawani ng pamahalaang lokal -Kawani ng mga pang nasyunal at pangrehiyong tanggapan, -Municipal Culture and the Arts Council -Kinatawan ng mga Civil Society Organization
LIMITADO lamang po ang BILANG na pwedeng LUMAHOK kung kaya ang mga indibidwal at samahan na nagnanais makiisa sa gawain ito ay hinihikayat na MAGPATALA. Magpaabot lamang po mensahe kay G. Rei Jerrico H. Badinas o kay Gng. Rhobelin H. Sasot para sa pagpapatala at detalye ng gawain.
PINAPAALAALA din po na pawang mga FULLY VACCINATED lamang po ang maaari naming isali sa gawaing ito.
TAYO PO AY NAKAKARANAS NG IKA-APAT NA BUGSO NG COVID SA ATING BAYAN
Gaya ng nangyayari sa maraming bahagi ng Pilipinas, ang ating bayan po ay nakararanas ng ating ika-apat na bugso ng dami ng kaso ng COVID-19.
Simula nang unang matala ang unang kaso ngayong taon sa ating bayan noong ika-6 ng Enero, tayo po ay umakyat na po sa 7 na kaso kahapon, ika-9 ng Enero, kasama ang dalawang pagkamatay. Sa kasalukuyan, ang sumusunid ang tala ng dami ng naitalang kaso at mga namatay kada barangay: Brgy 1- 1 case Brgy 3 – 2 cases Brgy 4 – 1 case, 1 death Brgy 6 – 1 caseCometa – 2 cases, 1 death
Ang 4 sa mga kasong nabanggit ay natukoy sa ospital. 5 ay banayad lamang ang mga sintomas gaya ng lagnat at ubo, samantalang dalawa ay namatay.
Sa dalawang namatay, isa ang nakaranas ng malalang sintomas habang ang isa ay may banayad na sintomas subalit namatay mula sa pagkabahok ng ulo. Ang dalawang namatay ay parehong may ibang mga sakit na maaaring napalala ng kanilang pagkakaroon ng COVID infection.
Ang kasalukuyang bugso ay nakikitang dulot ng pagluluwag at mga pagtitipon nitong nakaraang Kapaskuhan at Bagong Taon. Sa anim na kaso ito, dalawa lamang ang may naitalang pakikihalubilo sa isa’t isa. Ang natitirang apat ay walang maitalang nakahalubilong alam na kaso ng kumpirmadong COVID.
Bagaman mataas na porsyento ng ating bayan ang nabakunahan, maaari pa rin tayong mahawa. Ang bakuna ay proteksyon sa malalang uri ng COVID-19. Mag-ingat po tauong lahat: >Iwasan ang hindi kinakailangang pagtitipon. >Siguraduhing nakasuot nang maayos ang mask. >Kung may kikitaing hindi kasama sa bahay, magtipon sa mga lugar na may magandang daloy ng hangin. >Magpabakuna sa pinakamaagang panahon. >Kung may kakaibang nararandaman, agad magpatingin sa pagamutan at magisolate sa bahay. Mag-iingat po tayong lahat.
TINGNAN | Sang-ayon sa pinakahuling Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging and Infectious Diseases Resolution no. 154-D, 155-A,155-B,at 156-A, ang mga sumusunod na lugar sa CALABARZON ay mapapasailalim sa sumusunod na COVID-19 Alert Level hanggang 15 ng Enero 2022:
Kahit saan at kahit kailan, MASK, HUGAS, IWAS at MAGPABAKUNA kung may pagkakataon! Limitahan ang paglabas ng bahay para lamang sa mga importanteng gawain, hangga’t maaari ay magstay at home!
Ayon sa huling ulat ng ating Quezon Provincial DoH Office.Top 11 tayo sa may pinakamataas sa nakatanggap ng kumpletong doses ng bakuna (51.89% ng target population)
Top 3 po sa nakatanggap ng isang dose (77.38% ng target population)Patuloy pong napapatunayan na ligtas ang mga bakuna at ang mga nararamdamang side effect ay kadalasang pansamantala lamang at madaling lunasan.
Higit pa rito, patuloy na napapatunayang epektibo ito upang maiwasan ang pagkaospital dahil sa COVID-19 at pagkamatay mula rito.
Salamat po sa patuloy na pagtitiwala at pakikipag-isa sa ating sistemang pangkalusugan upang maprotektahan ang ating bayan mula sa pagtaas ng malalang COVID-19.
Manage Cookie Consent
We use cookies to optimize our website and our service.
Functional
Always active
The technical storage or access is strictly necessary for the legitimate purpose of enabling the use of a specific service explicitly requested by the subscriber or user, or for the sole purpose of carrying out the transmission of a communication over an electronic communications network.
Preferences
The technical storage or access is necessary for the legitimate purpose of storing preferences that are not requested by the subscriber or user.
Statistics
The technical storage or access that is used exclusively for statistical purposes.The technical storage or access that is used exclusively for anonymous statistical purposes. Without a subpoena, voluntary compliance on the part of your Internet Service Provider, or additional records from a third party, information stored or retrieved for this purpose alone cannot usually be used to identify you.
Marketing
The technical storage or access is required to create user profiles to send advertising, or to track the user on a website or across several websites for similar marketing purposes.