Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

News

INSTITUTE OF ENVIRONMENTAL GOVERNANCE NG SLSU, BUMISITA SA BAYAN NG QUEZON PARA SA SOLID WASTE MANAGEMENT AT MANGROVE CONSERVATION.

Quezon, Quezonโ€”Naging makabuluhan ang pagbisita ng Institute of Environmental Governance (IEG) ng Southern Luzon State University (SLSU) sa Pamahalaang Bayan ng Quezon sa pamumuno ng ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano, kung saan tinalakay ang mga planong pangkalikasan, kabilang ang pagpapatupad ng Area Specific Action Plan (ASAP) sa Solid Waste Management at ang pagtatatag ng Mangrove Nursery at Aquasilviculture Project.

Sa isinagawang pulong kasama ang mga opisyal ng Pamahalaang Lokal sa pangunguna ni G. Jhon Errol D. Sisperez mula sa Quezon MDRRMO, Bb. Remelyn Oliveros mula sa MPDC/MENRO at Bb. Leizel Jimenez mula sa MAO, tinalakay ng IEG-SLSU ang mga epektibong estratehiya sa solid waste management, kabilang ang, pagtatatag ng mas epektibong sistema ng segregation, collection, at disposal ng basura pagsulong ng waste reduction programs tulad ng composting at recycling; at pagpapalakas ng community participation at edukasyon sa tamang pagtatapon ng basura.

Bukod sa solid waste management, tinalakay din ng IEG-SLSU ang kanilang suporta sa pagtatatag ng Mangrove Nursery at Aquasilviculture Project sa bayan. Layunin ng proyektong ito na mapalakas ang proteksyon laban sa coastal erosion at climate change, mapanatili ang balanse ng marine ecosystem sa pamamagitan ng rehabilitasyon ng mga bakawan at makapagbigay ng karagdagang kabuhayan sa mga lokal na mangingisda sa pamamagitan ng sustainable aquasilviculture.

Matapos ang pagbisita, tiniyak ng Pamahalaang Lokal ng Quezon sa pamumuno ng ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano at IEG-SLSU na magpapatuloy ang kanilang koordinasyon upang maipatupad ang mga nabanggit na proyekto. Kasalukuyang inihahanda ang mga kinakailangang plano, pasilidad, at pagsasanay na magiging bahagi ng implementasyon.

Samantala, hinihikayat ang lahat ng mamamayan ng Quezon na makiisa sa mga programang ito upang matiyak ang isang malinis, maayos, at sustainable na kapaligiran para sa kasalukuyan at hinaharap na henerasyon.

#SerbisyongJuanForAll #BakaQuezonYan #QQAangat #QQUpdates #MQQPIO

RA 11310 O 4Ps LAW, CVS AT F1KD ORIENTATION, ISINAGAWA SA QUEZON, QUEZON

Quezon, Quezonโ€”Upang mapalalim ang kaalaman ng mga guro, kawani ng Department of Health (DOH), at Child Development Workers (CDWs) sa mga mahahalagang programang pangkalusugan at pangkabuhayan ng pamahalaan, isinagawa kamakailan ang Orientation on Republic Act 11310 o 4Ps Law, Conditional Cash Transfer Verification System (CVS), at First 1000 Days Program (F1KD) sa Senior Citizenโ€™s Building, Barangay 5, Quezon, Quezon na pinangunahan ng lokal na tanggapan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pamumuno ni Mr. Dexter Glodoviza.

Pinangunahan ang orientation ni G. Paul Marco R. Lavarro, CVS Focal ng Cluster 4, kung saan ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng mga naturang programa sa pagpapaunlad ng buhay ng mga pamilyang benepisyaryo.

Binigyang-diin sa orientation ang Republic Act 11310 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), isang pambansang programa na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na pamilya kapalit ng pagsunod sa ilang kondisyong pangkalusugan at pang-edukasyon.

Ipinaliwanag din sa programa ang Conditional Cash Transfer Verification System (CVS), isang sistema na sumusubaybay sa pagsunod ng mga benepisyaryo sa mga kondisyon ng 4Ps. Inilahad ni G. Lavarro ang kahalagahan ng tamang datos at dokumentasyon upang matiyak na ang tulong pinansyal ay napupunta sa mga kwalipikadong pamilya.

Isang mahalagang bahagi rin ng orientation ang First 1000 Days Program (F1KD), na nakatuon sa nutrisyon at pangangalaga sa kalusugan ng mga sanggol mula sa sinapupunan hanggang sa kanilang ikalawang kaarawan.

Patuloy na hinihikayat ng Pamahalaang Lokal ng Quezon sa pangiunguna nf ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano at ng Lokal na Tanggapan ng 4Ps ang pakikiisa ng buong komunidad upang masigurong epektibo ang implementasyon ng mga programang ito para sa mas maunlad at mas malusog na hinaharap ng bawat pamilyang Quezonian.

#SerbisyongJuanForAll #BakaQuezonYan #QQAangat #QQUpdates #MQQPIO

Bayan ng Quezon, Kinilala sa Mataas na Porsyento ng Paggamit ng Pondo sa PMNP Performance-Based Grant Tranche 1.

Quezon, Quezon โ€“ Muling pinatunayan ng Bayan ng Quezon ang husay at epektibong pamamahala ng pondo matapos kilalanin sa ginanap na PMNP Performance Budget Utilization sa Hotel Kimberly, Tagaytay City nitong ika-6 ng Marso, 2025.

Sa naturang pagtitipon, iginawad sa Bayan ng Quezon ang pagkilala sa 44.93% disbursement rate ng Performance-Based Grant (PBG) Tranche 1, na isa sa pinakamataas sa unang kalahati ng implementasyon ng programa. Dahil dito, kabilang ang bayan sa Top 10 Municipalities na may Highest Disbursement Rate sa hanay ng 24 na munisipalidad na sakop ng PMNP PBG Tranche 1 na tinanggap nina Bb. Mary Ann Caperiรฑa, G. Ronnie Sobiono at G. Marjonnel Novilla.

Ang pagkilalang ito ay nagpapakita ng mahusay na paggamit ng pondo ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos na implementasyon ng mga proyekto para sa kaunlaran ng bayan at kapakinabangan ng mga mamamayan.

Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Quezon sa pamumuno ng ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano katuwang ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ng ating Ikalawang Punong Bayan, Kgg. Pedrito L. Alibarbar at ang bawat tanggapan, patuloy nitong isusulong ang transparency at accountability sa paggastos ng pondo upang matugunan ang mga pangangailangan ng bayan.

Ang pagkilala na ito ay isang patunay ng dedikasyon ng Bayan ng Quezon sa responsableng pamamahala ng pondo at pagpapatupad ng mga proyektong magpapabuti sa kalidad ng buhay ng bawat mamamayan.

#SerbisyongJuanForAll #BakaQuezonYan #QQAangat #QQUpdates #MQQPIO

Suporta sa 4Ps at F1KD Program, Mas Pinalawak sa Pakikipagtulungan ng MSWDO at DSWD katuwang ang Pamahalaang lokal ng Quezon.

Quezon, Quezonโ€”Sa pakikipag-ugnayan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Gng. Erma R. Barretto, RSW at ng lokal na tanggapan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pangunguna ni Mr. Dexter Glodoviza, bumisita sa Tanggapan ng Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escalano, ang ilang kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central at Regional Office upang talakayin ang mahahalagang programa para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang sektor sa komunidad.

Isa sa pangunahing layunin ng pagbisitang ito ay ang Compliance Verification System Discussion at Orientation Meeting para sa Listahanan: E-Registration Program, na naglalayong tiyakin ang maayos na implementasyon ng 4Ps at matukoy ang mga kwalipikadong pamilya na maaaring maisama sa programa.

Bukod dito, tinalakay rin ang F1KD Program (First 1000 Days) na nakatuon sa pagbibigay ng karagdagang suporta sa mga buntis at mga ina na may anak na may edad 0-2 taong gulang. Layunin nitong mapalakas ang kalusugan ng mga bata sa kanilang unang 1000 araw ng buhay upang maiwasan ang malnutrisyon at iba pang suliraning pangkalusugan.

Kaugnay rin ng pagdiriwang ng 2025 National Women’s Month na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas,” binigyang-diin ang papel ng kababaihan sa pagpapaunlad ng bayan. Sa kanyang Closing at Inspirational Remarks, pinasalamatan ni Gng. Erma Rodriguez Barretto ang lahat ng lumahok sa pagpupulong at binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagsuporta sa mga programang pangkawanggawa.

Isinagawa rin ang Home Visitation for Grievance Case, kung saan personal na binisita at inalam ang kalagayan ng ilang pamilya upang matugunan ang kanilang hinaing at pangangailangan.

Ang pagpupulong na ito ay isang patunay ng patuloy na pagsisikap ng DSWD at lokal na pamahalaan na tiyakin ang mas epektibong serbisyo para sa mga nangangailangang mamamayan, lalo na ang mga kabilang sa 4Ps at kababaihang Pilipino.

#SerbisyongJuanForAll #BakaQuezonYan #QQAangat #QQUpdates #MQQPIO

๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐…๐จ๐จ๐ญ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐“๐ž๐š๐ฆ, ๐Š๐š๐ฆ๐ฉ๐ž๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐‘๐€๐€๐Œ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐…๐จ๐จ๐ญ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐„๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐ง๐š ๐ ๐ข๐ง๐š๐ง๐š๐ฉ ๐ฌ๐š ๐‘๐ข๐ณ๐š๐ฅ ๐š๐ญ ๐€๐ง๐ญ๐ข๐ฉ๐จ๐ฅ๐จ, ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ“ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ฌ๐จ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“.

Quezon, Philippines โ€“ Isang makasaysayang tagumpay ang nakamit ng Quezon Elementary Football Team matapos nilang masungkit ang kampeonato sa RAAM 2025 Football Elementary laban sa Batangas sa iskor na 2-1 na naitala nina Hairon Vein Paraiso at Gemrod Salvante. Sa isang matinding laban, pinatunayan ng mga batang atleta ang kanilang husay, disiplina, at determinasyon sa larangan ng football.

Sa pangunguna ng kanilang masipag na Coach, G. Mark Villareal at tagapagsanay, G. Yracelbert Reyes at sa patuloy na suporta ng Quezon Islander Football Club (QIFC), nagpakita ng pambihirang laro ang koponan upang masungkit ang tagumpay. Ipinamalas nila hindi lamang ang galing sa football kundi pati na rin ang sportsmanship at teamwork na naging susi sa kanilang panalo.

Lubos ang pagbati ng ating Pamahalaang Lokal sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano katuwang ang bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ng ating ikalawang Punong Bayan, Kgg. Pedrito L. Alibarbar at ang buong bayan ng Quezon. Ang kanilang panalo ay hindi lamang para sa kanila kundi para sa buong lalawigan at lalo’t higit sa buong bayan ng Quezon na patuloy na sumusuporta sa pagpapalakas ng sports sa kabataan. Ipinakita nila na sa puso ng bawat batang Quezonian, may dugong mandirigma na handang ipaglaban ang karangalan ng ating bayan!

Dahil sa tagumpay na ito, sila ngayon ang magiging kinatawan ng Region 4A CALABARZON sa nalalapit na Palarong Pambansa 2025 sa Ilocos Norte. Mas lalo pa nilang paghahandaan ang kompetisyong ito upang patuloy na ipagmalaki ang kanilang bayan sa pambansang antas.

Patuloy nating suportahan at ipagmalaki ang ating mga atletang kabataan na siyang nagbibigay dangal sa ating bayan. Mabuhay ang Quezon! Mabuhay ang ating mga batang kampeon!

#RAAM2025

#SerbisyongJUANforAll

#QQAangat

#BakaQuezonYan

#QQUpdates

#MQQPIO

PAGDIRIWANG NG FIRE PREVENTION MONTH SA BAYAN NG QUEZON, MATAGUMPAY NA SINIMULAN.

QUEZON, QUEZON โ€“ Matagumpay na isinagawa ang Kick-off Ceremony ng Fire Prevention Month 2025 sa Bayan ng Quezon noong ika-1 ng Marso, na sinimulan sa isang makulay na motorcade na lumibot sa pangunahing lansangan ng bayan. Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Quezon Bureau of Fire Protection (BFP) sa pangunguna ni SF01 Simeon C. Sasot Jr., Caretaker/OIC, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Quezon sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano katuwang ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ng ating Ikalawang Punong Bayan, Kgg. Pedrito L. Alibarbar.

Dinaluhan ito ng ibaโ€™t ibang organisasyon, barangay officials, at mga kawani ng pamahalaan, layunin ng programa na ipalaganap ang kamalayan ukol sa kahalagahan ng fire safety at prevention upang maiwasan ang sunog sa mga tahanan at establisyemento.

Sa maikling programa, nagbigay ng mensahe ang ating Punong Bayan bilang Pangunahing Tagapagsalita, na kinatawanan ng ating Pambayang Tagatasa, G. Roden G. Rea, kung saan binigyang-diin ang papel ng bawat mamamayan sa pagpapanatili ng kaligtasan laban sa sunog. Pinuri rin niya ang pagsisikap ng BFP at iba pang katuwang na ahensya sa pagpapatupad ng mga hakbang upang maprotektahan ang bayan mula sa sakuna.

Bilang pagpapakita ng pagkakaisa sa layunin ng kampanya, nagtapos ang programa sa isang makabuluhang Covenant Signing, kung saan lumagda ang mga kinatawan ng pamahalaan, BFP, at iba pang organisasyon bilang tanda ng kanilang pangakong aktibong susuporta sa fire prevention initiatives ng bayan.

Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Quezon at BFP ang pagiging handa at maagap sa pag-iwas sa sunog, upang matiyak ang kaligtasan ng bawat.

Be Part of the Alabat Wind Power Project.

๐€๐๐๐‹๐˜ ๐๐Ž๐–!

Be Part of the Alabat Wind Power Project.

GHCB Philippines Corporation, in partnership with Alternergy Holdings Corporation, is looking for qualified individuals to be part of the Alabat Wind Power Project!

If you’re skilled and ready to work, submit your application with the following requirements:

โœ… Biodata with picture

โœ… Barangay Clearance

โœ… NCII Certificate (for Skilled Workers & Heavy Equipment Operators)

๐Ÿ“ Recruitment Dates: March 4-5, 2025

๐Ÿ•˜ Time: 9:00 AM – 4:00 PM

๐Ÿ“ Venue: Quezon Municipal Training Center

For more details, message us or visit PESO-Quezon at the Quezon Municipal Main Building. Donโ€™t miss this opportunity!

#SerbisyongJuanForAll#BakaQuezonYan#QQAangat#QQUpdates#MQQPIO

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ: ๐๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง, ๐‡๐ฎ๐ฆ๐š๐ค๐จ๐ญ ๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐‚๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐ž๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ž๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐ˆ๐ง๐๐ž๐ฑ (๐‚๐Œ๐‚๐ˆ) ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐๐ข๐ง๐  ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ, ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ” ๐ง๐  ๐๐จ๐›๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’.

Quezon, Quezonโ€” Muling pinatunayan ng Bayan ng Quezon ang kahusayan nito sa pamamahala matapos makuha ang iba’t ibang pagkilala sa Provincial Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) Awarding Ceremony na ginanap sa Queen Margarette Hotel sa lungsod ng Lucena ngayong araw (Nobyembre 26, 2024).

Sa kategorya ng 5th at 6th Class Municipalities, nangibabaw ang Bayan ng Quezon bilang:

-Top 2 Most Improved LGU sa Quezon Province

-Top 2 Most Competitive LGU para sa Government Efficiency Pillar

-Top 1 Most Competitive LGU para sa Resiliency Pillar

-Top 1 Most Competitive LGU para sa Innovation Pillar

-Top 1 Most Competitive LGU para sa Infrastructure Pillar at;

-Top 1 Overall Most Competitive LGU sa Quezon Province

Ang mga parangal na ito ay hindi lamang patunay ng mahusay na pamamahala, kundi inspirasyon din para sa ibang bayan na magpursige para sa pag-unlad. Sa pamumuno ng ating minamahal na Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano, katuwang ang mga pinuno at kawani ng bawat tanggapan, walang tigil ang pamahalaang lokal sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong gawing mas matatag, mas mahusay, at mas maayos ang buhay ng bawat mamamayan.

Ang CMCI o Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) ay isang inisyatibo ng Department of Trade and Industry (DTI) na layong sukatin ang kakayahan ng mga LGU sa aspeto ng kahusayan sa pamamahala, resiliency, inobasyon economic dynamism at kaunlaran ng imprastraktura.

Sa mga karangalang ito, patuloy na pinatunayan ng bayan ng Quezon ang kakayahan nitong makipagsabayan sa iba pang malalaking bayan sa Probinsya ng Quezon at maghatid ng dekalidad na serbisyo para sa bawat mamamayan.

Buong-pusong pinasasalamatan ng Pamahalaang Lokal ng Quezon ang lahat ng mga mamamayan sa patuloy na suporta at kooperasyon, na nagbigay-daan upang makamit ang mga ganitong parangal at pagkilala.

Patuloy na itataguyod ng pamahalaang lokal ang mga layunin nito tungo sa mas maunlad, matatag, mas maayos at paangat na bayan ng QUEZON, QUEZON.

#SerbisyongJuanForAll

#BakaQuezonYan

#QQAangat

#QQUpdates

#MQQPIO

๐‚๐š๐ฉ๐š๐œ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐  ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐ข๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐–๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐  ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ ๐จ๐ง ๐๐ž๐ฐ ๐Ž๐…๐– ๐…๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ ๐‚๐ข๐ซ๐œ๐ฅ๐ž

๐‘†๐‘œ๐‘ข๐‘Ÿ๐‘๐‘’: PESO QUEZON, QUEZON

Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) CALABARZON, sa pakikipag-ugnayan sa ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano, ay nagsagawa ng Capacity Building Training with Business Plan Writing Workshop simula noong Marso 8 hanggang ngayong araw, Marso 10, 2023.

Ito ay para sa Samahan ng mga OFWs sa Quezon, Quezon (SOQQ) na binubuo ng 22 miyembro. Sa loob ng tatlong araw ay masigasig nilang binuo ang kanilang business plan para sa kanilang minimithing livelihood grant mula sa ahensya.