RA 11310 O 4Ps LAW, CVS AT F1KD ORIENTATION, ISINAGAWA SA QUEZON, QUEZON

Quezon, Quezon—Upang mapalalim ang kaalaman ng mga guro, kawani ng Department of Health (DOH), at Child Development Workers (CDWs) sa mga mahahalagang programang pangkalusugan at pangkabuhayan ng pamahalaan, isinagawa kamakailan ang Orientation on Republic Act 11310 o 4Ps Law, Conditional Cash Transfer Verification System (CVS), at First 1000 Days Program (F1KD) sa Senior Citizen’s Building, Barangay 5, Quezon, Quezon na pinangunahan ng lokal na tanggapan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pamumuno ni Mr. Dexter Glodoviza.



Pinangunahan ang orientation ni G. Paul Marco R. Lavarro, CVS Focal ng Cluster 4, kung saan ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng mga naturang programa sa pagpapaunlad ng buhay ng mga pamilyang benepisyaryo.









Binigyang-diin sa orientation ang Republic Act 11310 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), isang pambansang programa na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na pamilya kapalit ng pagsunod sa ilang kondisyong pangkalusugan at pang-edukasyon.
Ipinaliwanag din sa programa ang Conditional Cash Transfer Verification System (CVS), isang sistema na sumusubaybay sa pagsunod ng mga benepisyaryo sa mga kondisyon ng 4Ps. Inilahad ni G. Lavarro ang kahalagahan ng tamang datos at dokumentasyon upang matiyak na ang tulong pinansyal ay napupunta sa mga kwalipikadong pamilya.
Isang mahalagang bahagi rin ng orientation ang First 1000 Days Program (F1KD), na nakatuon sa nutrisyon at pangangalaga sa kalusugan ng mga sanggol mula sa sinapupunan hanggang sa kanilang ikalawang kaarawan.





Patuloy na hinihikayat ng Pamahalaang Lokal ng Quezon sa pangiunguna nf ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano at ng Lokal na Tanggapan ng 4Ps ang pakikiisa ng buong komunidad upang masigurong epektibo ang implementasyon ng mga programang ito para sa mas maunlad at mas malusog na hinaharap ng bawat pamilyang Quezonian.
#SerbisyongJuanForAll #BakaQuezonYan #QQAangat #QQUpdates #MQQPIO
0 Comments