Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

News

𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍, 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 𝐌𝐈𝐀𝐓𝐅 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 || 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟐

Tinalakay ang mga panuntunan sa pagbaba ng alert level classification ng ating bayan sa alert level 2 simula Pebrero 16 hanggang 28, 2022, alinsunod sa IATF-EID Resolution No. 161-A, Series of 2022. Ito ay pinangunahan ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio, Dr. Jeremiah Carlo Alejo, mga miyembro at kinatawan ng MIATF na nagmula sa iba’t ibang tanggapan at ahensya.

𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐓𝐒𝐄𝐊𝐄 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐄𝐍𝐄𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐑𝐘𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐂𝐀 || 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑇𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑝𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑚𝑏𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝐴𝑔𝑟𝑖𝑘𝑢𝑙𝑡𝑜𝑟

Ipinamahagi sa mga magsasaka na benepisyaryo ng Philippine Coconut Authority o PCA ang tseke para sa kanilang mga patubong niyog. Ito ay sa inisyatiba ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio at ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor.

𝐑𝐞-𝐨𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐑𝐞𝐯𝐢𝐞𝐰 𝐨𝐟 𝐌𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐋𝐆𝐔 𝐒𝐭𝐚𝐟𝐟 𝟏𝐬𝐭 𝐁𝐚𝐭𝐜𝐡 || 𝐅𝐞𝐛𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑇𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑝𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑚𝑏𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑔𝑎𝑚𝑜𝑡

Tinalakay dito ang mental health awareness at tamang pagtugon ng mga kawani ng lokal na pamahalaan tungkol sa mental health lalo na sa panahon ng pandenya at kalamidad, ito ay pinangunahan ng tanggapan ng Pambayang Manggagamot at pakikipagtulungan sa University of the Philippines sa inisiyatiba ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio.

𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐁𝐨𝐚𝐫𝐝 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠

Isinagawa ang pagpupulong sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio, Sir Harold Mercado – DOH Representative, Dr. Jeremiah Carlo Alejo, mga miyembro at kinatawan ng Local Health Board na nagmula sa iba’t ibang tanggapan at ahensya upang talakayin ang mga plano at hakbang ng RHU at DOH upang mas mapalawak at mas mapaayos ang serbisyong medikal para sa ating mga kababayan. Tinalakay ang mga datos noong nakaraang buwan at taon, at ganun din ang kinakailangang pondo para sa pagpapatayo at pagdagdag ng iba pang kawani na makakatuwang nila sa RHU.

Inilahad din dito ang pagbabakuna sa mga bata na may edad 5 hanggang 11 taong gulang. Ayon sa pinakabagong ulat, ibababa na ang Alert Level Classifications ng MIATF mula level 3 sa Alert Level 2 simula Pebrero 16 hanggang 28, 2022.

𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐢𝐧 𝐨𝐟 𝐏𝐫𝐨𝐜𝐮𝐫𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭𝐮𝐧𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬

Request for Quotation (RFQ) of the Municipality of Quezon Bids and Awards Committee (BAC) for the following project/s:

Procurement of Office Equipment
Please send your quotation at [email protected] on or before February 18, 2022.

For more bidding opportunities, please visit the PhilGEPS website at https://notices.philgeps.gov.ph/

𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐇𝐞𝐚𝐝𝐬

Isinagawa ang pagpupulong sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio at ng department heads ukol sa supplemental budget, procurement process, ulat ng bawat tanggapan at iba pang mahahalagang bagay.

Isa-isang nagtalakay ang mga department head ayon sa mga nagawa, isinasagawa at gagawin palang na mga gawain, programa at proyekto ng kani-kanilang mga tanggapan. Ganun din ang mga paglalanaan pa ng badyet ayon sa kanilang pangangailangan sa kanilang tanggapan upang patuloy na matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga mamamayan at patuloy na mapaunlad ang ating bayan.