Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

News

𝟏𝐬𝐭 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐏𝐄𝐍𝐒𝐈𝐎𝐍 || 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑀𝑆𝑊𝐷 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛, 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛

Isinagawa ang pay-out para sa Unang Quarter ng taon (January to March 2022) para sa ating mga lolo at lola na benepisyaryo nito.

Ang Social Pension ay isang programang mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pakikipag-ugnayan ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio, katuwang ang MSWD Office.

𝐀𝐒𝐅 𝐁𝐨𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐫𝐨𝐥 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 || 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟐𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟐

Ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa panguguna ni Bb. Mary Rose O. Panol, MDRRM Office sa pangunguna ni G. Jhon Errol D. Sisperez at BLGU Mascarina sa pamumuno ni Kap. Mardin F. Alpay kasama ang Sangguniang Barangay at mga Tanod ay nagpulong upang talakayin ang ibat-ibang mga pamamaraan upang maiwasan ang pagpasok ng ASF sa ating bayan. Isa sa mga ito ay ang pagkakaroon ng checkpoint sa boundary ng ating bayan at Alabat, Quezon.

Ayon sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, ang buong isla ay nananatiling ligtas sa panganib na dulot ng ASF. Ayon sa pagsusuri, ang napabalitang sakit ng baboy sa Perez, Quezon ay Pneumonia at hindi ASF. Sa kabilang banda, magkakaroon padin ng checkpoint sa Brgy. Mascarina para sa kaligtasan ng ating mga alaga at upang patuloy na maprotektahan ang industriya ng pagbababoy sa ating bayan.

𝟏𝐬𝐭 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 𝐌𝐃𝐑𝐑𝐌𝐂 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 || 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟐𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟐

Isinagawa ang pagpupulong sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio, MDRRMC Secretariat Jhon Errol D. Sisperez at ng mga miyembro nito na nagmula sa iba’t ibang tanggapan at ahensya upang italakay at pagusapan ang 2021 Accomplishment, Utilization, Supplemental Budget, CY 2022 Gawad Kalasag Seal and Special Awards, Weather Outlook, Upcoming Activities and Other Matters.

𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐢𝐧 𝐨𝐟 𝐏𝐫𝐨𝐜𝐮𝐫𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭𝐮𝐧𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬

Request for Quotation (RFQ) of the Municipality of Quezon Bids and Awards Committee (BAC) for the following project/s:
1. Procurement of Split-Type Inverter Airconditioner.
2. Procurement of Office Equipment.
3. Procurement of Capital Outlay.
Please send your quotation at [email protected] on or before February 28, 2022.
For more bidding opportunities, please visit the PhilGEPS website at https://notices.philgeps.gov.ph/

𝐂𝐎𝐕𝐈𝐃-𝟏𝟗 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄 || 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟐𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑅𝐻𝑈 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛, 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛

‼️📢
🖋️ Magdala ng sariling ballpen at id.
🖋️ Para sa 12-17 years old dapat may kasamang magulang/guardian magdala ng birth certificate /baptismal certificate o anu man pagkakakilanlan ng bata at id para sa magulang/guardian.

“Palaging MAGHUGAS ng KAMAY at MAGSUOT ng FACEMASK at UMIWAS sa MATATAO at KULOB na LUGAR.”

𝟑𝐫𝐝 𝐃𝐔𝐆𝐎 𝐌𝐎, 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 𝐊𝐎 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐋𝐄𝐓𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟐 || 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛 𝐹𝑖𝑟𝑒 𝑆𝑡𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛

3rd DUGO MO, BUHAY KO
Blood Letting Activity 2022
0800H – 1200H 09 March 2022
@Quezon Municipal Training Center
Para po sa mga nais mag donate ng kanilang Dugo pwede na po kayong magpalista sa Quezon Fire Station hanapin lang si FO3 Manuelito J Cantos o kaya i-message ang facebook account na ito.
TARA NA!!! sa isang patak ng dugo mo isang buhay ang pwedeng madugtungan nito.

#SaPagiwasSaSunogDiKaNagiisa
#FirePreventionMonth2022
#BFPQQCares
#ThinkFireSafetyNow
#DisiplinaMuna
#AFireSafeIsland
In Case of Emergency🚨
Just Call or Text to our Hotline No.📱09491950115 – Smart

𝐑𝐞-𝐨𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐑𝐞𝐯𝐢𝐞𝐰 𝐨𝐟 𝐌𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬 𝟐𝐧𝐝 & 𝟑𝐫𝐝 𝐁𝐚𝐭𝐜𝐡 || 𝐅𝐞𝐛𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟏𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑇𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑝𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑚𝑏𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑔𝑎𝑚𝑜𝑡

Tinalakay dito ang mental health awareness at tamang pagtugon ng Brgy. Frontliners tungkol sa mental health ng kanilang nasasakupan lalo na sa panahon ng pandenya at kalamidad, ito ay pinangunahan ng tanggapan ng Pambayang Manggagamot at pakikipagtulungan sa University of the Philippines sa inisiyatiba ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio.

𝐁𝐀𝐒𝐈𝐂 𝐃𝐈𝐆𝐈𝐓𝐀𝐋 𝐋𝐈𝐓𝐄𝐑𝐀𝐂𝐘 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 || 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟏𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑐𝑒: 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛, 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛 𝑇𝑒𝑐ℎ4𝐸𝑑 𝐶𝑒𝑛𝑡𝑒𝑟

Sa inisiyatiba ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio ay inumpisahan ang pagbibigay ng libreng Basic Digital Literacy Training para sa ating mga kawani ng lokal na pamahalaan. Bahagi ng pagsasanay na ito ay ang paggamit ng MS Word, MS Excel at MS Powerpoint.

Para sa schedule ng mga susunod na training, umantabay sa anunsyo ng Quezon, Quezon Tech4Ed Center.

#Tech4Ed
#Tech4EdQuezonQuezon
#Tech4ALL
#DICTLC2
#DigitalLiteracyTraining

𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 𝐌𝐈𝐀𝐓𝐅 𝐀𝐆𝐀𝐈𝐍𝐒𝐓 𝐂𝐎𝐕𝐈𝐃-𝟏𝟗 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐒𝐈𝐘𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐁𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝟐 𝐒𝐄𝐑𝐘𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟐 || 𝐏𝐄𝐁𝐑𝐄𝐑𝐎 𝟏6, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑇𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑝𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑃𝑢𝑛𝑜𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑦𝑎𝑛

Kapasiyahang nagtatakda ng mga panuntunan sa umiiral na alert level 2 para sa covid-19 response sa bayan ng Quezon, Quezon Simula Pebrero 16 hanggang 28, 2022