Launching of eBPLS and Tech4ED
Launching of Electronic Business Permits and Licensing System (eBPLS) and Technology for Education, Employment, Entrepreneurs, and Economic Development (Tech4ED) in partnership with DICT, DTI and DILG.January 6, 2022
Launching of Electronic Business Permits and Licensing System (eBPLS) and Technology for Education, Employment, Entrepreneurs, and Economic Development (Tech4ED) in partnership with DICT, DTI and DILG.January 6, 2022
Ayon sa huling ulat ng ating Quezon Provincial DoH Office.Top 11 tayo sa may pinakamataas sa nakatanggap ng kumpletong doses ng bakuna (51.89% ng target population)
Top 3 po sa nakatanggap ng isang dose (77.38% ng target population)Patuloy pong napapatunayan na ligtas ang mga bakuna at ang mga nararamdamang side effect ay kadalasang pansamantala lamang at madaling lunasan.
Higit pa rito, patuloy na napapatunayang epektibo ito upang maiwasan ang pagkaospital dahil sa COVID-19 at pagkamatay mula rito.
Salamat po sa patuloy na pagtitiwala at pakikipag-isa sa ating sistemang pangkalusugan upang maprotektahan ang ating bayan mula sa pagtaas ng malalang COVID-19.
𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛 𝑀𝑢𝑛𝑖𝑐𝑖𝑝𝑎𝑙 𝐼𝑛𝑡𝑒𝑟-𝐴𝑔𝑒𝑛𝑐𝑦 𝑇𝑎𝑠𝑘 𝐹𝑜𝑟𝑐𝑒 (𝑀𝐼𝐴𝑇𝐹) 𝐴𝑔𝑎𝑖𝑛𝑠𝑡 𝐶𝑂𝑉𝐼𝐷-19
Dumating na sa ating bayan ang ating ULTF.Sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. MA. CARIDAD P. CLACIO, at ng ating IATF, nakapaglaan ang ating lokal na pamahalaan ng pambili ng ating sariling Ultra-Low Temperature Freezer buhat sa pondo ng Tanggapan ng Pambayang Manggagamot at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Fund.
Dahil dito, inaasahang mas mabilis ang magiging pagpapababa ng mRNA Vaccines, gaya ng Pfizer at Moderna Vaccines laban sa COVID-19 sa ating bayan.
Simula ngayong araw, Enero 3, hanggang Enero 20, 2022 ang pagpapatala/pagbabayad ng buwis ng bawat negosyo o tindahan.
Upang maiwasan ang multa, mangyari po lamang na i-sumite sa Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman ang aplikasyon ng pagpapatala ng negosyo bago o hanggang Enero 20, 2022, kalakip ang pangako kung kailan ito mababayaran. Maaari rin itong gawin online sa https://prod.ebpls.com/quezonquezon
Maraming salamat po.
𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛 𝑀𝑢𝑛𝑖𝑐𝑖𝑝𝑎𝑙 𝑇𝑜𝑢𝑟𝑖𝑠𝑚, 𝐶𝑢𝑙𝑡𝑢𝑟𝑒, 𝑎𝑛𝑑 𝐴𝑟𝑡𝑠 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒
Kasabay ng pagpapalit ng taon ay ang selebrasyon ng ika-108 Taon ng Pagkakatatag ng ating Bayan ng Quezon.Samahan nyo po kaming ipagdiwang ang araw na ito. Ang selebrasyon po ng pagkakatatag ng ating bayan ay mangyayari ngayong buong buwan ng Enero.
Ito po ay pormal na ipagdidiwang at bubuksan sa pamamagitan ng isang Motorcade na iikot sa buong Poblacion at sa huli ay magkakaroon ng Pag-aalay ng Bulaklak sa bantayog ng bayani at nang dating Gobernador Heneral ng Pilipinas Francis Burton Harrison na siyang lumagda sa Atas Tagapagpaganap Blg. 100 serye 1913 noong January 1, 1914 sa pamamagitan ng noo’y Komisyoner ng Pilipinas sa Estados Unidos ng Amerika at dating Pangulo ng Pilipinas Manuel Luis Quezon.
Congratulations Municipal Government of Quezon, Quezon headed by Municipal Mayor MA. CARIDAD P. CLACIO for being a consistent passer of Good Financial Housekeeping.
Kasabay ng ikalawang magkakasunod na National COVID-19 Vaccination Day, nagsimula na ang ating vaccination team sa pagtuturok ng booster para sa mga naunahan nang naturukansa ating bayan.
Una nang tinurukan ng booster shots ang health and disaster response frontliners ng ating munisipyo. Sunod na tuturukan ang health and emergency frontliners ng kawat barangay. Ang mga booster shot ay maaari nang ibigay sa mga naturukan ng Astra-Zeneca, Sinovac, Pfizer, at Moderna 6 na buwan matapos ang second dose.
Ang mga tumanggap naman ng Jannsen ay maaaring tumanggap na ng booster matapos ang tatlong buwan mula nang maturukan. Antabayanan po ang mga magiging sunod na pabatid dito at sa inyong mga barangay tungkol sa magiging schedule ng booster sa mga taga-barangay. Maraming salamat po.
𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑀𝑢𝑛𝑖𝑐𝑖𝑝𝑎𝑙 𝑆𝑜𝑐𝑖𝑎𝑙 𝑊𝑒𝑙𝑓𝑎𝑟𝑒 𝑎𝑛𝑑 𝐷𝑒𝑣𝑒𝑙𝑜𝑝𝑚𝑒𝑛𝑡 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒
Ipinamahagi kahapon sa ating mga Lolo at Lola ang mga bagong sumbrero. Ito ay sa pamamagitan ng ating Punong Bayan MA. CARIDAD P. CLACIO at Sangguniang Bayan.
Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 na po sa ating bayan. Bagama’t malayo ang bagyo sa ating bayan, ito ay malawak at ang hanging dala nito ay maaaring maramdaman 480km mula sa gitna. Asahan din ang pag-ulan na dulot ng bagyong Odette. Mag-ingat po tayong lahat.
TROPICAL CYCLONE BULLETIN NO. 8Typhoon “#OdettePH”Issued at 5:00 AM, 16 December 2021Valid for broadcast until the next bulletin at 8:00 AM today
TYPHOON “#OdettePH” FURTHER INTENSIFIES AS IT CONTINUES TO APPROACH THE VICINITY DINAGAT ISLANDS-SURIGAO PROVINCES
Location of Center (4:00 AM): The center of the eye of Typhoon “ODETTE” was estimated based on all available data including those from Hinatuan Doppler Weather Radar at 330 km East of Surigao City, Surigao del Norte (9.5°N, 128.5°E) Intensity: Maximum sustained winds of 150 km/h near the center, gustiness of up to 185 km/h, and central pressure of 955 hPa Present Movement: West Northwestward at 25 km/h Extent of Tropical Cyclone Winds: Strong winds or higher extend outwards up to 480 km from the center.