Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

News

𝐌𝐠𝐚 𝐡𝐚𝐤𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐩𝐢𝐠𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐧𝐠 𝐀𝐒𝐅 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧

Ang ating Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Pambayang Agrikultor ay muling nagpapaalala sa lahat na ang virus na kumakalat sa baboy o African Swine Fever (ASF) ay patuloy pa rin ang paglaganap sa ating lalawigan.

Amin din pong ipinababatid sa inyo na ang ating bayan at dalawang bayan dito ay nananatili pa rin na ASF-free o walang kaso ng ASF. Upang mapanatili ito, ang ating bayan pamahalaang bayan katuwang ang dalawa pang bayan dito sa isla at ang Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo ay patuloy na magsasagawa ng mga hakbang upang hindi makapasok ang ASF virus sa ating isla.

Schedule ng Bakuna

May schedule po ng bakunahan sa (February 9 ,2022)
Miyerkules‼️Sa RHU 2nd floor
🖋️ Magdala ng sariling ballpen at id.
🖋️ Para sa 12-17 years old dapat may kasamang magulang/guardian magdala ng birth certificate /baptismal certificate o anu man pagkakakilanlan ng bata at id para sa magulang/guardian.”
Palaging MAGHUGAS ng KAMAY at MAGSUOT ng FACEMASK at UMIWAS sa MATATAO at KULOB na LUGAR.”

𝐀𝐟𝐫𝐢𝐜𝐚𝐧 𝐒𝐰𝐢𝐧𝐞 𝐅𝐞𝐯𝐞𝐫 (𝐀𝐒𝐅)

Sa pakikipag-ugnayan ng Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo sa mga bayan ng Quezon, Alabat at Perez, pinag-usapan ang mga hakbang upang mapanatiling ASF-Free ang tatlong bayan na isa sa dalawang lugar na natitirang ASF-Free sa buong Luzon. 

Isinagawa ang pagpupulong sa Alabat sa pangunguna ng kanilang Punong Bayan MGEN Fernando L. Mesa (Ret.) na dinaluhan ng Panlalawigang Beterinaryo at ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, MDRRMO at PNP na nagmula sa tatlong bayan. 


Naging malaya ang talakayan ng bawat isa at nagkaroon din ng workshop kung saan mas napag-usapan dito ng iba’t ibang grupo ang mga problema na kanilang nakikita at nararanasan, at ng sa ganun ay magawan agad ng plano at hakbang upang mapanatiling walang kaso ng ASF ang buong isla.

𝐁𝐀𝐒𝐈𝐂 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐆𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛, 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛 𝑇𝑒𝑐ℎ4𝐸𝐷 𝐶𝑒𝑛𝑡𝑒𝑟

Isinagawa ngayong araw ang Virtual Basic Center Management Training na dinaluhan ng ating mga Tehc4ED Center Manager and Assistants upang masimulan ang pagbibigay serbisyo tulad ng eLearning on Demand, Special Content, Market Place, Job Portal, Farming Technologies, Gov’t Services, Quality Health Information at Disaster Management sa ating mga mamamayan.

Manatiling nakaantabay para sa schedule ng mga programang ibibigay ng Quezon, Quezon Tech4ED Center.

𝐁𝐀𝐒𝐈𝐂 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐆𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛, 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛 𝑇𝑒𝑐ℎ4𝐸𝐷 𝐶𝑒𝑛𝑡𝑒𝑟


Isinagawa ngayong araw ang Virtual Basic Center Management Training na dinaluhan ng ating mga Tehc4ED Center Manager and Assistants upang masimulan ang pagbibigay serbisyo tulad ng eLearning on Demand, Special Content, Market Place, Job Portal, Farming Technologies, Gov’t Services, Quality Health Information at Disaster Management sa ating mga mamamayan.

Manatiling nakaantabay para sa schedule ng mga programang ibibigay ng Quezon, Quezon Tech4ED Center.

EXTENDED!!

Kumusta mga kababayan!

EXTENDED po ang pasahan ng Promotional Video entries hanggang ika-28 ng Enero 2022 (Biyernes), 5:00 pm.

Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Tanggapan ng Pambayang Turismo, Kultura at Sining o hanapin si G. Jerrico Badinas para sa pagpapasa.Maraming

salamat po!