SERBISYONG TUNGKOL SA MGA USAPIN AT REKLAMONG PANG-SANIDAD (FILING AND PROCESSING OF SANITATION/ENVRONMENTAL HEALTH RELATED CONCERNS)
TUNGKOL SA SERBISYO:
- Para kanino at ano ang serbisyo?
- Ang Tanggapan ng Pambayang Manggagamot ang tumatanggap sa mga pormal na reklamo tungkol sa mga usaping sanidad/pangkapaligirang kalusugan. Ito ang namamahala sa paglutas at pagsasagawa ng aksyon tungkol sa mga ito.
- Schedule ng Serbisyo:
- RHU Main
- Lunes hanggang Biyernes; 8:00am hanggang 5:00pm
- RHU Main
KABUUANG ORAS NA GUGUGULIN PARA SA SERBISYO: Magsasagawa na ng imbestigasyon sa loob ng 2 oras.
MGA HAKBANG NA SUSUNDIN | ORAS SA BAWAT HAKBANG | TAONG NAMAMAHALA |
Pagtanggap sa Reklamo: Tatanggapin ng Sanidad ang reklamo at magsasagawa ng interview ng tao/institusyong nagrereklamo | 7 minuto | Mercedita Alibarbar, RN Rural Sanitary Inspector |
Pagiimbestiga: Magsasagawa ng imbestigasyon ang Sanidad sa pamamagitan ng pagpunta sa lugar/instusyong/gusaling inirereklamo, pag-alam ng lahat ng impormasyon ukol sa kaso. | 30 minuto | Mercedita Alibarbar, RN Rural Sanitary Inspector |
Paglutas sa Problema: Amicable Settlement – sisikapin muna ng sanidad na maresolba ang issue sa lebel ng mga partidong sangkot sa reklamo. Issuance of Sanitary Order – kung hindi magagawan ng solusyon ang issue sa lebel ng mga nagrereklamo at inirereklamo, iaakyat ng sanidad ang usapin sa tanggapan ng MHO. Base sa magiging rekomendasyon ng Sanidad, maglalabas ng Sanitary Order ang MHO | 60 minuto | Mercedita Alibarbar, RN Rural Sanitary Inspector Jeremiah Carlo V. Alejo,MD,MCD Municipal Health Officer |
Pag-refer ng Usapin sa Naaayong Ahensiya: kung hindi pa rin susunod ang mga partidong sangkot sa inilabas na Sanitary Order, gagawa irerefer ng RHU ang kaso sa naangkop na local na ahensiya kasama ng rekomendasyon nito. | 5 minuto | Mercedita Alibarbar, RN Rural Sanitary Inspector Jeremiah Carlo V. Alejo,MD,MCD Municipal Health Officer |
Loading…
Loading…
Loading…
Loading…
Loading…
Loading…