Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

News

๐Œ๐ ๐š ๐ก๐š๐ค๐›๐š๐ง๐  ๐ฎ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฉ๐ข๐ ๐ข๐ฅ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฌ๐จ๐ค ๐ง๐  ๐€๐’๐… ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง

Ang ating Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Pambayang Agrikultor ay muling nagpapaalala sa lahat na ang virus na kumakalat sa baboy o African Swine Fever (ASF) ay patuloy pa rin ang paglaganap sa ating lalawigan.

Amin din pong ipinababatid sa inyo na ang ating bayan at dalawang bayan dito ay nananatili pa rin na ASF-free o walang kaso ng ASF. Upang mapanatili ito, ang ating bayan pamahalaang bayan katuwang ang dalawa pang bayan dito sa isla at ang Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo ay patuloy na magsasagawa ng mga hakbang upang hindi makapasok ang ASF virus sa ating isla.

๐๐š๐›๐š๐ญ๐ข๐ ๐ฎ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ ๐ก๐ฎ๐ก๐ฎ๐ฅ๐ข ๐ง๐  ๐€๐ฌ๐จ

Ang Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultura at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ay magsasagawa ng panghuhuli ng mga aso sa bawat barangay.

๐€๐Ÿ๐ซ๐ข๐œ๐š๐ง ๐’๐ฐ๐ข๐ง๐ž ๐…๐ž๐ฏ๐ž๐ซ (๐€๐’๐…)

Sa pakikipag-ugnayan ng Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo sa mga bayan ng Quezon, Alabat at Perez, pinag-usapan ang mga hakbang upang mapanatiling ASF-Free ang tatlong bayan na isa sa dalawang lugar na natitirang ASF-Free sa buong Luzon.ย 

Isinagawa ang pagpupulong sa Alabat sa pangunguna ng kanilang Punong Bayan MGEN Fernando L. Mesa (Ret.) na dinaluhan ng Panlalawigang Beterinaryo at ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, MDRRMO at PNP na nagmula sa tatlong bayan.ย 


Naging malaya ang talakayan ng bawat isa at nagkaroon din ng workshop kung saan mas napag-usapan dito ng iba’t ibang grupo ang mga problema na kanilang nakikita at nararanasan, at ng sa ganun ay magawan agad ng plano at hakbang upang mapanatiling walang kaso ng ASF ang buong isla.

๐‹๐š๐ฎ๐ง๐œ๐ก๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ ๐ž๐๐๐‹๐’ ๐š๐ง๐ ๐“๐ž๐œ๐ก๐Ÿ’๐„๐ƒ| ๐‰๐š๐ง๐ฎ๐š๐ซ๐ฒ ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ—:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐š๐ฆ

Sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. MA. CARIDAD P. CLACIO at Pangalawang Punong Bayan Kgg. LEO L. OLIVEROS ay isinagawa ang Launching of Electronic Business Permits and Licensing System (eBPLS) and Technology for Education, Employment, Entrepreneurs, and Economic Development (Tech4ED).

Lubos ang ating pasasalamat sa Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pagkakaloob ng mga proyektong ito, gayundin sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Trade and Industry (DTI).

Umasa po kayo na ito ay mapapakinabangan tungo sa kaunlaran ng ating mga mamamayan sa pamamagitan ng ating BPLO-Designate Mr. JEFFREY M. PACLIBON at Tech4ED Center Manager Mr. JHON ERROL D. SISPEREZ.

Vaccination Updates

Ayon sa huling ulat ng ating Quezon Provincial DoH Office.Top 11 tayo sa may pinakamataas sa nakatanggap ng kumpletong doses ng bakuna (51.89% ng target population)

Top 3 po sa nakatanggap ng isang dose (77.38% ng target population)Patuloy pong napapatunayan na ligtas ang mga bakuna at ang mga nararamdamang side effect ay kadalasang pansamantala lamang at madaling lunasan.

Higit pa rito, patuloy na napapatunayang epektibo ito upang maiwasan ang pagkaospital dahil sa COVID-19 at pagkamatay mula rito.

Salamat po sa patuloy na pagtitiwala at pakikipag-isa sa ating sistemang pangkalusugan upang maprotektahan ang ating bayan mula sa pagtaas ng malalang COVID-19.

CoViD-19 Updates in Quezon, Quezon as of October 12, 2021

PABATID!!!
Makikita po sa mga sumusunod na ang ating Bayan ng Quezon, Quezon ay mayroong:

Dalawang bagong Recovered
Dalawang bagong nag Positibong kaso sa COVID-19 na mayroong sintomas.

Ngayon araw ay mayroon po tayong 12 kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 dito sa Bayan ng Quezon, Quezon.

Ang ating IATF po ay nasa proseso ng karagdagang pagcocontact-tracing upang magabayan ang susunod na magiging hakbang.

Mahigpit pong pinapayuhan po ang lahat na mag-ingat at sumunod sa ating mga public health protocol.

Maraming salamat po.

Patuloy ang pagbibigay ng transportation assistance ng aming tanggapan, sa direktiba ng ating Punong Bayan at tagapangulo ng MDRRMC Kgg. MA. CARIDAD P. CLACIO.

Sa direktiba ng ating Punong Bayan at tagapangulo ng MDRRMC Kgg. MA. CARIDAD P. CLACIO ay patuloy ang pagbibigay ng transportation assistance ng aming tanggapan sa ilang mga pasyenteng nangangailangang ilipat sa mas malaking ospital. Gayundin ang pag-uwi ng mga pasyenteng nagmula naman sa ospital patungo sa ating bayan.

Taos puso po naming ipinararating ang ating pasasalamat sa Quezon PDRRMO na aming katuwang sa pagtulong sa ating mga kababayan.

Hindi po biro ang magkasakit, kaya’t ugaliin po natin ang pagsunod sa Minimum Public Health Standards at makiisa po tayo sa ating ginagawang Vaccination laban sa COVID-19.

Maraming salamat po.

CoViD-19 Updates in Quezon, Quezon as of September 22, 2021

PABATID!!!

Mayroon po tayong kabuuan na 15 Recovered na kaso ng COVID-19 sa ating bayan . Labing-apat sa mga ito ay noong ika-19 at 20 ng Setyembre at isa ngayong araw.

Gayunpaman, Nadagdagan po ng 16 aktibong kaso ng COVID-19 sa ating Bayan. Labing-apat dito ay naitala noong ika- 18 hanggang ika-20 ng Setyembre at dalawa kahapon.

Ang nasabing 16 na bagong kaso ay may mga sintomas na naramdaman. Nakakalungkot din pong ibalita na sa 16 kasong napatala, 2 po ang namatay na ating kababayan.

Ngayon araw ay mayroon po tayong 33 kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 dito sa Bayan ng Quezon, Quezon.

Ang ating IATF po ay nasa proseso ng karagdagang pagcocontact-tracing upang magabayan ang susunod na magiging hakbang.

Mahigpit pong pinapayuhan po ang lahat na mag-ingat at sumunod sa ating mga public health protocol.

Maraming salamat po.