Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Community

INSTITUTE OF ENVIRONMENTAL GOVERNANCE NG SLSU, BUMISITA SA BAYAN NG QUEZON PARA SA SOLID WASTE MANAGEMENT AT MANGROVE CONSERVATION.

Quezon, Quezon—Naging makabuluhan ang pagbisita ng Institute of Environmental Governance (IEG) ng Southern Luzon State University (SLSU) sa Pamahalaang Bayan ng Quezon sa pamumuno ng ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano, kung saan tinalakay ang mga planong pangkalikasan, kabilang ang pagpapatupad ng Area Specific Action Plan (ASAP) sa Solid Waste Management at ang pagtatatag ng Mangrove Nursery at Aquasilviculture Project.

Sa isinagawang pulong kasama ang mga opisyal ng Pamahalaang Lokal sa pangunguna ni G. Jhon Errol D. Sisperez mula sa Quezon MDRRMO, Bb. Remelyn Oliveros mula sa MPDC/MENRO at Bb. Leizel Jimenez mula sa MAO, tinalakay ng IEG-SLSU ang mga epektibong estratehiya sa solid waste management, kabilang ang, pagtatatag ng mas epektibong sistema ng segregation, collection, at disposal ng basura pagsulong ng waste reduction programs tulad ng composting at recycling; at pagpapalakas ng community participation at edukasyon sa tamang pagtatapon ng basura.

Bukod sa solid waste management, tinalakay din ng IEG-SLSU ang kanilang suporta sa pagtatatag ng Mangrove Nursery at Aquasilviculture Project sa bayan. Layunin ng proyektong ito na mapalakas ang proteksyon laban sa coastal erosion at climate change, mapanatili ang balanse ng marine ecosystem sa pamamagitan ng rehabilitasyon ng mga bakawan at makapagbigay ng karagdagang kabuhayan sa mga lokal na mangingisda sa pamamagitan ng sustainable aquasilviculture.

Matapos ang pagbisita, tiniyak ng Pamahalaang Lokal ng Quezon sa pamumuno ng ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano at IEG-SLSU na magpapatuloy ang kanilang koordinasyon upang maipatupad ang mga nabanggit na proyekto. Kasalukuyang inihahanda ang mga kinakailangang plano, pasilidad, at pagsasanay na magiging bahagi ng implementasyon.

Samantala, hinihikayat ang lahat ng mamamayan ng Quezon na makiisa sa mga programang ito upang matiyak ang isang malinis, maayos, at sustainable na kapaligiran para sa kasalukuyan at hinaharap na henerasyon.

#SerbisyongJuanForAll #BakaQuezonYan #QQAangat #QQUpdates #MQQPIO

RA 11310 O 4Ps LAW, CVS AT F1KD ORIENTATION, ISINAGAWA SA QUEZON, QUEZON

Quezon, Quezon—Upang mapalalim ang kaalaman ng mga guro, kawani ng Department of Health (DOH), at Child Development Workers (CDWs) sa mga mahahalagang programang pangkalusugan at pangkabuhayan ng pamahalaan, isinagawa kamakailan ang Orientation on Republic Act 11310 o 4Ps Law, Conditional Cash Transfer Verification System (CVS), at First 1000 Days Program (F1KD) sa Senior Citizen’s Building, Barangay 5, Quezon, Quezon na pinangunahan ng lokal na tanggapan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pamumuno ni Mr. Dexter Glodoviza.

Pinangunahan ang orientation ni G. Paul Marco R. Lavarro, CVS Focal ng Cluster 4, kung saan ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng mga naturang programa sa pagpapaunlad ng buhay ng mga pamilyang benepisyaryo.

Binigyang-diin sa orientation ang Republic Act 11310 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), isang pambansang programa na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na pamilya kapalit ng pagsunod sa ilang kondisyong pangkalusugan at pang-edukasyon.

Ipinaliwanag din sa programa ang Conditional Cash Transfer Verification System (CVS), isang sistema na sumusubaybay sa pagsunod ng mga benepisyaryo sa mga kondisyon ng 4Ps. Inilahad ni G. Lavarro ang kahalagahan ng tamang datos at dokumentasyon upang matiyak na ang tulong pinansyal ay napupunta sa mga kwalipikadong pamilya.

Isang mahalagang bahagi rin ng orientation ang First 1000 Days Program (F1KD), na nakatuon sa nutrisyon at pangangalaga sa kalusugan ng mga sanggol mula sa sinapupunan hanggang sa kanilang ikalawang kaarawan.

Patuloy na hinihikayat ng Pamahalaang Lokal ng Quezon sa pangiunguna nf ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano at ng Lokal na Tanggapan ng 4Ps ang pakikiisa ng buong komunidad upang masigurong epektibo ang implementasyon ng mga programang ito para sa mas maunlad at mas malusog na hinaharap ng bawat pamilyang Quezonian.

#SerbisyongJuanForAll #BakaQuezonYan #QQAangat #QQUpdates #MQQPIO

PAGDIRIWANG NG FIRE PREVENTION MONTH SA BAYAN NG QUEZON, MATAGUMPAY NA SINIMULAN.

QUEZON, QUEZON – Matagumpay na isinagawa ang Kick-off Ceremony ng Fire Prevention Month 2025 sa Bayan ng Quezon noong ika-1 ng Marso, na sinimulan sa isang makulay na motorcade na lumibot sa pangunahing lansangan ng bayan. Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Quezon Bureau of Fire Protection (BFP) sa pangunguna ni SF01 Simeon C. Sasot Jr., Caretaker/OIC, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Quezon sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano katuwang ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ng ating Ikalawang Punong Bayan, Kgg. Pedrito L. Alibarbar.

Dinaluhan ito ng iba’t ibang organisasyon, barangay officials, at mga kawani ng pamahalaan, layunin ng programa na ipalaganap ang kamalayan ukol sa kahalagahan ng fire safety at prevention upang maiwasan ang sunog sa mga tahanan at establisyemento.

Sa maikling programa, nagbigay ng mensahe ang ating Punong Bayan bilang Pangunahing Tagapagsalita, na kinatawanan ng ating Pambayang Tagatasa, G. Roden G. Rea, kung saan binigyang-diin ang papel ng bawat mamamayan sa pagpapanatili ng kaligtasan laban sa sunog. Pinuri rin niya ang pagsisikap ng BFP at iba pang katuwang na ahensya sa pagpapatupad ng mga hakbang upang maprotektahan ang bayan mula sa sakuna.

Bilang pagpapakita ng pagkakaisa sa layunin ng kampanya, nagtapos ang programa sa isang makabuluhang Covenant Signing, kung saan lumagda ang mga kinatawan ng pamahalaan, BFP, at iba pang organisasyon bilang tanda ng kanilang pangakong aktibong susuporta sa fire prevention initiatives ng bayan.

Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Quezon at BFP ang pagiging handa at maagap sa pag-iwas sa sunog, upang matiyak ang kaligtasan ng bawat.

𝐅𝐢𝐫𝐞 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫 𝐭𝐨 𝐁𝐮𝐬𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐄𝐬𝐭𝐚𝐛𝐥𝐢𝐬𝐡𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐰𝐧𝐞𝐫 𝐁𝐚𝐭𝐜𝐡 𝟐 || 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛, 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛 𝐹𝑖𝑟𝑒 𝑆𝑡𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛

The BFP personnel of this station conducted the Fire Safety Seminar to Business Establishment Owner Batch 2 held at Brgy. 4 Municipal Covered Court in Observance of the Fire Prevention Month 2022 with the theme, “Sa Pag-Iwas Sa Sunog, Hindi Ka Nagiisa”.

#SaPagiwasSaSunogDiKaNagiisa
#FirePreventionMonth2022
#ThinkFireSafetyNow
#DisiplinaMuna
#AFireSafeIsland

In Case of Emergency🚨Just Call or Text to our Hotline No.📱09491950115 – Smart

𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧’𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝐻𝑅𝑀𝑂 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛, 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛

The Municipal Government of Quezon, Quezon, headed by Honorable Mayor Ma. Caridad P. Clacio, Honorable Vice Mayor Leo L. Oliveros and all the honorable members of the local sanggunian together with the officers and personnel from various national agencies, joins the National Women’s Month Celebration this month of March.

During the flag raising ceremony earlier, the All-Women Cast Lupang Hinirang was played and everyone is holding a purple balloon with purple ribbons, which were later used to decorate their respective offices in purple to spark interest and discourse on the celebration and what it stands for.

The LGU will also participate in #PurpleTuesdays, which encourages the wearing of purple on all the Tuesdays of March to signify support to women empowerment and gender equality.
#2022NWMC
#WomenMakeChange
#lguQQ

𝐌𝐠𝐚 𝐡𝐚𝐤𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐩𝐢𝐠𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐧𝐠 𝐀𝐒𝐅 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧

Ang ating Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Pambayang Agrikultor ay muling nagpapaalala sa lahat na ang virus na kumakalat sa baboy o African Swine Fever (ASF) ay patuloy pa rin ang paglaganap sa ating lalawigan.

Amin din pong ipinababatid sa inyo na ang ating bayan at dalawang bayan dito ay nananatili pa rin na ASF-free o walang kaso ng ASF. Upang mapanatili ito, ang ating bayan pamahalaang bayan katuwang ang dalawa pang bayan dito sa isla at ang Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo ay patuloy na magsasagawa ng mga hakbang upang hindi makapasok ang ASF virus sa ating isla.

TREE PLANTING AND COASTAL CLEAN UP DRIVE

JANUARY 22, 2022 @ 7:00am Municipal Covered Court

TREE PLANTING – Brgy. Villa Mercedes
COASTAL CLEAN UP – Brgy. 6 Pob to Brgy. Silangan

MAKIISA at maging KATUWANG ng pamahalaang bayan para sa PANGANGALAGA at PAGPAPANATILI ng LIKAS na YAMAN at GANDA ng ating KAPALIGIRAN! ! ! !


Ang gawaing ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-108 Taon na Pagkakatatag ng Bayan ng Quezon.

Ang karagatan, kabukiran, kabundukan at kakahuyan ang siyang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng ating bayan. Mayaman tayo sa mga produktong mula sa magaganda nating baybayin at karagatan ganundin sa mga produktong mula sa bukid at kagubatan. Sa panahon ngayon ay nakikilala na ang ating bayan bilang isa sa mga bayan na may pinakamagagandang resorts, dalampasigan at malinaw at malinis na dagat sa ating buong lalawigan.

Isang malaking hamon sa ating lokal na pamahalaan na ito ay mapagyaman at mapangalagaan. Kung kaya naman ang Pamahalaang Lokal sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Ma. Caridad P. Clacio, Pambayang Tanggapan ng Turismo, Kultura at ng Sining at ng Pambayang Konseho ng Kultura at ng Sining ay ilulunsad ang isang makabuluhang gawaing ito. Ninanais natin na MAGKAROON ng malalim na KAMALAYAN at YAKAPIN ang RESPONSIBILIDAD na TAYO ang siyang MANGANGALAGA sa YAMAN ng ATING BAYAN.

Ang gawain pong ito ay lalahukan ng mga sumusunod:
-Kawani ng pamahalaang lokal
-Kawani ng mga pang nasyunal at pangrehiyong tanggapan,
-Municipal Culture and the Arts Council
-Kinatawan ng mga Civil Society Organization

LIMITADO lamang po ang BILANG na pwedeng LUMAHOK kung kaya ang mga indibidwal at samahan na nagnanais makiisa sa gawain ito ay hinihikayat na MAGPATALA. Magpaabot lamang po mensahe kay G. Rei Jerrico H. Badinas o kay Gng. Rhobelin H. Sasot para sa pagpapatala at detalye ng gawain.

PINAPAALAALA din po na pawang mga FULLY VACCINATED lamang po ang maaari naming isali sa gawaing ito.

#108thFoundingAnniversary
#TreePlantingCoastalCleanUp
#QuezonQuezon
#QuezonTourism
#qqAangat 

Pabatid

TAYO PO AY NAKAKARANAS NG IKA-APAT NA BUGSO NG COVID SA ATING BAYAN

Gaya ng nangyayari sa maraming bahagi ng Pilipinas, ang ating bayan po ay nakararanas ng ating ika-apat na bugso ng dami ng kaso ng COVID-19.

Simula nang unang matala ang unang kaso ngayong taon sa ating bayan noong ika-6 ng Enero, tayo po ay umakyat na po sa 7 na kaso kahapon, ika-9 ng Enero, kasama ang dalawang pagkamatay. Sa kasalukuyan, ang sumusunid ang tala ng dami ng naitalang kaso at mga namatay kada barangay:
Brgy 1- 1 case
Brgy 3 – 2 cases
Brgy 4 – 1 case, 1 death
Brgy 6 – 1 caseCometa – 2 cases, 1 death

Ang 4 sa mga kasong nabanggit ay natukoy sa ospital. 5 ay banayad lamang ang mga sintomas gaya ng lagnat at ubo, samantalang dalawa ay namatay.

Sa dalawang namatay, isa ang nakaranas ng malalang sintomas habang ang isa ay may banayad na sintomas subalit namatay mula sa pagkabahok ng ulo. Ang dalawang namatay ay parehong may ibang mga sakit na maaaring napalala ng kanilang pagkakaroon ng COVID infection.

Ang kasalukuyang bugso ay nakikitang dulot ng pagluluwag at mga pagtitipon nitong nakaraang Kapaskuhan at Bagong Taon. Sa anim na kaso ito, dalawa lamang ang may naitalang pakikihalubilo sa isa’t isa. Ang natitirang apat ay walang maitalang nakahalubilong alam na kaso ng kumpirmadong COVID.

Bagaman mataas na porsyento ng ating bayan ang nabakunahan, maaari pa rin tayong mahawa. Ang bakuna ay proteksyon sa malalang uri ng COVID-19.
Mag-ingat po tauong lahat:
>Iwasan ang hindi kinakailangang pagtitipon.
>Siguraduhing nakasuot nang maayos ang mask.
>Kung may kikitaing hindi kasama sa bahay, magtipon sa mga lugar na may magandang daloy ng hangin.
>Magpabakuna sa pinakamaagang panahon.
>Kung may kakaibang nararandaman, agad magpatingin sa pagamutan at magisolate sa bahay. Mag-iingat po tayong lahat.