Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Author: LGU Quezon Quezon

𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘-𝐁𝐀𝐒𝐄𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐈𝐓𝐎𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐘𝐒𝐓𝐄𝐌 (𝐂𝐁𝐌𝐒) 𝐑𝐎𝐀𝐃𝐒𝐇𝐎𝐖 || 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟐

















Bilang paghahanda sa Community-Based Monitoring System (CBMS) na magsisimula sa Agosto 15, 2022, ang Lokal na Pamahalaan ng Quezon, Quezon sa pamumuno ng ating Punong Bayan Kgg. JUAN F. ESCOLANO at sa pakikipagtulungan ng Philippine Statistics Authority ay nagsagawa ng roadshow kahapon, Agosto 11, 2022 bilang bahagi ng kampanya para sa CBMS Rollout.

Nagsimula ang roadshow sa pagsayaw sa bawat barangay na pinupuntahan at pamamahagi ng mga IEC materials sa mga tao. 

Hinihikayat na suportahan ang pagpapatupad ng CBMS sa bayan ng Quezon, Quezon at magbigay ng tamang impormasyon sa mga survey na isasagawa.

𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐑𝐓𝐈𝐏𝐈𝐊𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐖𝐀𝐍𝐈𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐍𝐓𝐀𝐒 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐍𝐀𝐒 (𝐑𝐃𝐎 𝟎𝟔𝟏 𝐆𝐔𝐌𝐀𝐂𝐀) || 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟐

Ngayong tanghali ay bumisita sa Tanggapan ng Punong Bayan si G. Carlos S. Salazar, ang Revenue District Officer ng BIR RDO 061 Gumaca, kasama ang mga kawani mula sa Collection Department ng RDO upang talakayin ang ilan sa mga usapin na may kinalaman sa koleksyon ng buwis sa ating bayan. Kasama sina Kgg. Alberto L. Binocaz Jr. (SB Member), Jeffrey M. Paclibon (Acting Municipal Treasurer) at Jocelyn A. Sisperez (Municipal Accountant) ay malugod na tinanggap ng ating punong bayan ang Certificate of Appreciation bilang pagpapahalaga sa naging performance ng pamahalaang bayan sa tax revenue collection and remittance at pagpapasalamat sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa kawanihan.

𝟒𝟒𝐭𝐡 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐁𝐈𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐏𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐍𝐃 𝐑𝐄𝐇𝐀𝐁𝐈𝐋𝐈𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐖𝐄𝐄𝐊 || 𝐉𝐮𝐥𝐲 𝟐𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑀𝑆𝑊𝐷𝑂 – 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛, 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛

LGU of Quezon,Quezon joins the 44th National Disabilty Prevention and Rehabilitation Week Celebration with the theme: “Pamahalaan Kabalikat sa Pagtupad ng Pantay na Edukasyon, Trabaho at Kabuhayan, Tungo sa Pagpapalakas ng Taong may Kapansanan”

July 17 – Mass Offering
July 18 – Launching during LGU Flag Ceremony
July 19-20 Continuation of ID renewal
July 21 – Culminating/ PWD day, Kumustahan or Updates on Policies and ID Processing

Gift giving and Induction of new set of officers for 24K Organization

Thank you to our LCE, Mayor Juan F. Escolano and Coun. Butch Rodriguez for you support.

#serbisyongOneforall

𝟒𝐭𝐡 𝐃𝐔𝐆𝐎 𝐌𝐎, 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 𝐊𝐎 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐋𝐄𝐓𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘 || 𝐉𝐮𝐥𝐲 𝟏𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛 𝐹𝑖𝑟𝑒 𝑆𝑡𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛, 𝑅𝐻𝑈 & 𝑀𝐷𝑅𝑅𝑀𝑂

The BFP personnel of this station, QUEZON RHU & MDRRMO in partnership with the PHILIPPINE RED CROSS QUEZON – Lucena City Chapter conducted the “4TH DUGO MO, BUHAY KO”. A Blood Letting Activity was participated by different Government & NGO / Business Establishments of this Municipality – PNP, LGU, RHU, MDDRMO Employees, DEPED, ALPHA PHI OMEGA, ALPHA KAPPA RHO, TRISKELLION, Salvamed, Card Bank Employees & others wherein 51 packs of blood out of 60 were collected and held at Municipal Covered Court Poblacion 4, in observance of NATIONAL DISASTER RESILIENCE MONTH 2022 “Sambayanang Pilipino, Nagkakaisa tungo sa Katatagan at Maunlad na Kinabukasan”.

𝐏𝐀𝐋𝐀𝐘 𝐒𝐄𝐄𝐃𝐒 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 || 𝐉𝐮𝐥𝐲 𝟏𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑂𝑀𝐴 – 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛, 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛

Isinagawa ang pamamahagi ng libreng binhi ng palay mula sa DA-Philrice RCEF para sa mga kwalipikadong magsasaka. Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Kgg. Juan F. Escolano, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, at kinatawan ng DA-PhilRice G. Edrian Nocito na nagbigay ng impormasyon tungkol sa RCEF kasabay ng briefing tungkol sa wastong paghahanda at pangangalaga ng palay.

𝐈𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐭𝐧𝐞𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐬𝐭𝐢𝐜𝐬 𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 (𝐏𝐒𝐀) 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐃𝐈𝐋𝐆), 𝐭𝐡𝐞 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐣𝐨𝐢𝐧𝐬 𝐭𝐡𝐢𝐬 𝐲𝐞𝐚𝐫’𝐬 𝐂𝐁𝐌𝐒 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐰𝐢𝐝𝐞 𝐑𝐨𝐥𝐥𝐨𝐮𝐭.

The advent of Republic Act No. 11315 also known as the “Community-Based Monitoring System Act” of 2019 recognizes the need to adopt focused and specific measures that will ensure poverty reduction wherein citizens have access to social protection and welfare programs that address their minimum basic needs. The community-based monitoring system can generate updated and disaggregated data necessary in targeting beneficiaries, conducting more comprehensive poverty analysis and needs prioritization, designing appropriate policies and interventions, and monitoring impact over time. This system will be used for the formulation of major plans of the MLGU to include but not limited to Comprehensive Development Plan (CDP), Local Climate Change Action Plan (LCCAP), Gender and Development (GAD) Plan, Ecological Solid Waste Management Plan, and Local Shelter Plan among other mandatory plans.

𝟒𝐭𝐡 𝐃𝐔𝐆𝐎 𝐌𝐎, 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 𝐊𝐎 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐋𝐄𝐓𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟐 || 𝐉𝐮𝐥𝐲 𝟏𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑀𝐷𝑅𝑅𝑀𝑂 𝑄𝑈𝐸𝑍𝑂𝑁, 𝑄𝑈𝐸𝑍𝑂𝑁

𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐋𝐈𝐄𝐍𝐂𝐄 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 𝟐𝟎𝟐𝟐
“𝑆𝑎𝑚𝑏𝑎𝑦𝑎𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑖𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛𝑜, 𝑁𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑖𝑠𝑎 𝑡𝑢𝑛𝑔𝑜 𝑠𝑎 𝐾𝑎𝑡𝑎𝑡𝑎𝑔𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑀𝑎𝑢𝑛𝑙𝑎𝑑 𝑛𝑎 𝐾𝑖𝑛𝑎𝑏𝑢𝑘𝑎𝑠𝑎𝑛”

Bilang suporta sa NDRM 2022 ng Quezon Fire Station, Quezon RHU at Quezon MDRRMO sa pakikipagtulungan sa Philippine National Red Cross, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa 4th DUGO MO, BUHAY KO Blood Letting Activity na gaganapin sa Hulyo 13, 2022 mula ika-8 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali sa Quezon Municipal Covered Court.

Para po sa mga nais mag-donate ng kanilang dugo, pwede na po kayong magpalista sa Quezon Fire Station at hanapin lang si FO3 Manuelito J. Cantos o kaya ay magmensahe sa Facebook Page na ito o sa numerong 09219552549.

Tara na, maging isang bayani at tugunan ang pangangailangan ng ating mga kapwa Pilipino.

#NDRM2022
#ResiliencePH
#QQMDRRMO

𝐑𝐀𝐁𝐈𝐄𝐒 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐑𝐎𝐋 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐍𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐕𝐄𝐓𝐄𝐑𝐈𝐍𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐃 𝐋𝐆𝐔 𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐓, 𝐏𝐄𝐑𝐄𝐙, 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 | 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟐

Isinagawa ang pagpupulong sa Alabat, Quezon sa pangunguna ng kanilang Punong Bayan MGEN Fernando L. Mesa (Ret.) na dinaluhan ng Panlalawigang Beterinaryo, DOH representative, RHU, miyembro ng Sangguniang Bayan, Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, MDRRMO at PNP na nagmula sa tatlong bayan.

Tinalakay dito kung ano ang status ng tatlong bayan ukol sa kaso ng rabies at ang pagsulong ng mga programa upang ang rabies ay maiwasan at maagapan.