๐๐๐ฅ๐ข๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง, ๐๐๐ฅ๐๐ค๐ข๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ: ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ณ๐จ๐ง, ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ค๐จ๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐ข๐ญ๐ข๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐๐ฌ ๐๐จ๐ฆ๐ฉ๐๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ง๐๐ฌ๐ฌ ๐๐ง๐๐๐ฑ (๐๐๐๐) ๐๐ฐ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ, ๐ข๐ค๐-๐๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐, ๐๐๐๐.
Quezon, Quezonโ Muling pinatunayan ng Bayan ng Quezon ang kahusayan nito sa pamamahala matapos makuha ang iba’t ibang pagkilala sa Provincial Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) Awarding Ceremony na ginanap sa Queen Margarette Hotel sa lungsod ng Lucena ngayong araw (Nobyembre 26, 2024).
Sa kategorya ng 5th at 6th Class Municipalities, nangibabaw ang Bayan ng Quezon bilang:
-Top 2 Most Improved LGU sa Quezon Province
-Top 2 Most Competitive LGU para sa Government Efficiency Pillar
-Top 1 Most Competitive LGU para sa Resiliency Pillar
-Top 1 Most Competitive LGU para sa Innovation Pillar
-Top 1 Most Competitive LGU para sa Infrastructure Pillar at;
-Top 1 Overall Most Competitive LGU sa Quezon Province
Ang mga parangal na ito ay hindi lamang patunay ng mahusay na pamamahala, kundi inspirasyon din para sa ibang bayan na magpursige para sa pag-unlad. Sa pamumuno ng ating minamahal na Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano, katuwang ang mga pinuno at kawani ng bawat tanggapan, walang tigil ang pamahalaang lokal sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong gawing mas matatag, mas mahusay, at mas maayos ang buhay ng bawat mamamayan.
Ang CMCI o Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) ay isang inisyatibo ng Department of Trade and Industry (DTI) na layong sukatin ang kakayahan ng mga LGU sa aspeto ng kahusayan sa pamamahala, resiliency, inobasyon economic dynamism at kaunlaran ng imprastraktura.
Sa mga karangalang ito, patuloy na pinatunayan ng bayan ng Quezon ang kakayahan nitong makipagsabayan sa iba pang malalaking bayan sa Probinsya ng Quezon at maghatid ng dekalidad na serbisyo para sa bawat mamamayan.
Buong-pusong pinasasalamatan ng Pamahalaang Lokal ng Quezon ang lahat ng mga mamamayan sa patuloy na suporta at kooperasyon, na nagbigay-daan upang makamit ang mga ganitong parangal at pagkilala.
Patuloy na itataguyod ng pamahalaang lokal ang mga layunin nito tungo sa mas maunlad, matatag, mas maayos at paangat na bayan ng QUEZON, QUEZON.