Suporta sa 4Ps at F1KD Program, Mas Pinalawak sa Pakikipagtulungan ng MSWDO at DSWD katuwang ang Pamahalaang lokal ng Quezon.

Quezon, Quezon—Sa pakikipag-ugnayan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Gng. Erma R. Barretto, RSW at ng lokal na tanggapan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pangunguna ni Mr. Dexter Glodoviza, bumisita sa Tanggapan ng Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escalano, ang ilang kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central at Regional Office upang talakayin ang mahahalagang programa para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang sektor sa komunidad.








Isa sa pangunahing layunin ng pagbisitang ito ay ang Compliance Verification System Discussion at Orientation Meeting para sa Listahanan: E-Registration Program, na naglalayong tiyakin ang maayos na implementasyon ng 4Ps at matukoy ang mga kwalipikadong pamilya na maaaring maisama sa programa.
Bukod dito, tinalakay rin ang F1KD Program (First 1000 Days) na nakatuon sa pagbibigay ng karagdagang suporta sa mga buntis at mga ina na may anak na may edad 0-2 taong gulang. Layunin nitong mapalakas ang kalusugan ng mga bata sa kanilang unang 1000 araw ng buhay upang maiwasan ang malnutrisyon at iba pang suliraning pangkalusugan.







Kaugnay rin ng pagdiriwang ng 2025 National Women’s Month na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas,” binigyang-diin ang papel ng kababaihan sa pagpapaunlad ng bayan. Sa kanyang Closing at Inspirational Remarks, pinasalamatan ni Gng. Erma Rodriguez Barretto ang lahat ng lumahok sa pagpupulong at binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagsuporta sa mga programang pangkawanggawa.

Isinagawa rin ang Home Visitation for Grievance Case, kung saan personal na binisita at inalam ang kalagayan ng ilang pamilya upang matugunan ang kanilang hinaing at pangangailangan.

Ang pagpupulong na ito ay isang patunay ng patuloy na pagsisikap ng DSWD at lokal na pamahalaan na tiyakin ang mas epektibong serbisyo para sa mga nangangailangang mamamayan, lalo na ang mga kabilang sa 4Ps at kababaihang Pilipino.
#SerbisyongJuanForAll #BakaQuezonYan #QQAangat #QQUpdates #MQQPIO
0 Comments