Pabatid
TAYO PO AY NAKAKARANAS NG IKA-APAT NA BUGSO NG COVID SA ATING BAYAN
Gaya ng nangyayari sa maraming bahagi ng Pilipinas, ang ating bayan po ay nakararanas ng ating ika-apat na bugso ng dami ng kaso ng COVID-19.
Simula nang unang matala ang unang kaso ngayong taon sa ating bayan noong ika-6 ng Enero, tayo po ay umakyat na po sa 7 na kaso kahapon, ika-9 ng Enero, kasama ang dalawang pagkamatay. Sa kasalukuyan, ang sumusunid ang tala ng dami ng naitalang kaso at mga namatay kada barangay:
Brgy 1- 1 case
Brgy 3 – 2 cases
Brgy 4 – 1 case, 1 death
Brgy 6 – 1 caseCometa – 2 cases, 1 death
Ang 4 sa mga kasong nabanggit ay natukoy sa ospital. 5 ay banayad lamang ang mga sintomas gaya ng lagnat at ubo, samantalang dalawa ay namatay.
Sa dalawang namatay, isa ang nakaranas ng malalang sintomas habang ang isa ay may banayad na sintomas subalit namatay mula sa pagkabahok ng ulo. Ang dalawang namatay ay parehong may ibang mga sakit na maaaring napalala ng kanilang pagkakaroon ng COVID infection.
Ang kasalukuyang bugso ay nakikitang dulot ng pagluluwag at mga pagtitipon nitong nakaraang Kapaskuhan at Bagong Taon. Sa anim na kaso ito, dalawa lamang ang may naitalang pakikihalubilo sa isa’t isa. Ang natitirang apat ay walang maitalang nakahalubilong alam na kaso ng kumpirmadong COVID.
Bagaman mataas na porsyento ng ating bayan ang nabakunahan, maaari pa rin tayong mahawa. Ang bakuna ay proteksyon sa malalang uri ng COVID-19.
Mag-ingat po tauong lahat:
>Iwasan ang hindi kinakailangang pagtitipon.
>Siguraduhing nakasuot nang maayos ang mask.
>Kung may kikitaing hindi kasama sa bahay, magtipon sa mga lugar na may magandang daloy ng hangin.
>Magpabakuna sa pinakamaagang panahon.
>Kung may kakaibang nararandaman, agad magpatingin sa pagamutan at magisolate sa bahay. Mag-iingat po tayong lahat.
0 Comments