Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Month: February 2022

๐‘๐ž-๐จ๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐ ๐‘๐ž๐ฏ๐ข๐ž๐ฐ ๐จ๐Ÿ ๐Œ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง, ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐‹๐†๐” ๐’๐ญ๐š๐Ÿ๐Ÿ ๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐๐š๐ญ๐œ๐ก || ๐…๐ž๐›๐ฎ๐š๐ซ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ

๐‘†๐‘œ๐‘ข๐‘Ÿ๐‘๐‘’: ๐‘‡๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘”๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘› ๐‘›๐‘” ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘š๐‘๐‘Ž๐‘ฆ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘€๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘”๐‘Ž๐‘”๐‘Ž๐‘š๐‘œ๐‘ก

Tinalakay dito ang mental health awareness at tamang pagtugon ng mga kawani ng lokal na pamahalaan tungkol sa mental health lalo na sa panahon ng pandenya at kalamidad, ito ay pinangunahan ng tanggapan ng Pambayang Manggagamot at pakikipagtulungan sa University of the Philippines sa inisiyatiba ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio.

๐‹๐จ๐œ๐š๐ฅ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐จ๐š๐ซ๐ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ 

Isinagawa ang pagpupulong sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio, Sir Harold Mercado – DOH Representative, Dr. Jeremiah Carlo Alejo, mga miyembro at kinatawan ng Local Health Board na nagmula sa ibaโ€™t ibang tanggapan at ahensya upang talakayin ang mga plano at hakbang ng RHU at DOH upang mas mapalawak at mas mapaayos ang serbisyong medikal para sa ating mga kababayan. Tinalakay ang mga datos noong nakaraang buwan at taon, at ganun din ang kinakailangang pondo para sa pagpapatayo at pagdagdag ng iba pang kawani na makakatuwang nila sa RHU.

Inilahad din dito ang pagbabakuna sa mga bata na may edad 5 hanggang 11 taong gulang. Ayon sa pinakabagong ulat, ibababa na ang Alert Level Classifications ng MIATF mula level 3 sa Alert Level 2 simula Pebrero 16 hanggang 28, 2022.

๐๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ญ๐ข๐ง ๐จ๐Ÿ ๐๐ซ๐จ๐œ๐ฎ๐ซ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐Ž๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ

Request for Quotation (RFQ) of the Municipality of Quezon Bids and Awards Committee (BAC) for the following project/s:

Procurement of Office Equipment
Please send your quotation at [email protected] on or before February 18, 2022.

For more bidding opportunities, please visit the PhilGEPS website at https://notices.philgeps.gov.ph/

๐๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ฎ๐ฌ๐จ ๐ฌ๐š ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ! โค๏ธ

๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ ๐ƒ๐ž๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐‡๐ž๐š๐๐ฌ

Isinagawa ang pagpupulong sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio at ng department heads ukol sa supplemental budget, procurement process, ulat ng bawat tanggapan at iba pang mahahalagang bagay.

Isa-isang nagtalakay ang mga department head ayon sa mga nagawa, isinasagawa at gagawin palang na mga gawain, programa at proyekto ng kani-kanilang mga tanggapan. Ganun din ang mga paglalanaan pa ng badyet ayon sa kanilang pangangailangan sa kanilang tanggapan upang patuloy na matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga mamamayan at patuloy na mapaunlad ang ating bayan.

๐ƒ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐Ÿ,๐Ÿ“๐ŸŽ๐ŸŽ ๐‚๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง๐ฌ๐ข ๐’๐ž๐ž๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฌ, ๐…๐š๐ซ๐ฆ ๐ญ๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ, ๐ž๐ญ๐œ.

Distribution of 1,500 Calamansi Seedlings Farm tools, Organic Fertilizers and Pesticides, Sprayer, etc.

๐๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ญ๐ข๐ง ๐จ๐Ÿ ๐๐ซ๐จ๐œ๐ฎ๐ซ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐Ž๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ

Request for Quotation (RFQ) of the Municipality of Quezon Bids and Awards Committee (BAC) for the following project/s:

  1. Procurement of Newborn Screening Kits

Please send your quotation at [email protected] on or before February 15, 2022.

For more bidding opportunities, please visit the PhilGEPS website at https://notices.philgeps.gov.ph/

๐‘๐š๐›๐ข๐ž๐ฌ ๐๐ซ๐ž๐ฏ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐ ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐จ๐ฅ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ 


Alinsunod sa kautusang Pambayan Blg. 2009-01, nasasaad ang paglikha ng Pambayang Lupon sa pagpigil at pagkontrol ng Rabies. Nagkaroon ng pagpupulong para sa muling pagbuo ng pambayang lupon sa pagpigil at pagkontrol sa Rabies sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio at ng miyembro nito na nagmula sa ibaโ€™t ibang tanggapan at ahensya.

Sa pagpupulong na ito ay tinalakay ang pagsasagawa ng malawakang information campaign kaugnay ng wastong pag-aalaga, pagpapabakuna ng anti-rabies at pagpaparehistro ng mga aso. Magtatalaga ng mga awtorisadong tao na aatasang manghuli ng mga laboy o galang aso sa kalsada, dahil ayon sa pinakabagong balita ay nagkaroon ng kaso ng rabies sa bayan ng Perez at isa pa dito ay ang pagkakaroon ng aksidenteng naitala ng dahil sa aso. 

Nagpa-usapan at napagkasunduan din dito na magkaroon ng dog tag ang bawat aso, magkaroon ito ng color coding bawat barangay at pagkakaroon ng multa sa bawat mahuhuling aso.

๐Œ๐ ๐š ๐ก๐š๐ค๐›๐š๐ง๐  ๐ฎ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฉ๐ข๐ ๐ข๐ฅ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฌ๐จ๐ค ๐ง๐  ๐€๐’๐… ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง

Ang ating Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Pambayang Agrikultor ay muling nagpapaalala sa lahat na ang virus na kumakalat sa baboy o African Swine Fever (ASF) ay patuloy pa rin ang paglaganap sa ating lalawigan.

Amin din pong ipinababatid sa inyo na ang ating bayan at dalawang bayan dito ay nananatili pa rin na ASF-free o walang kaso ng ASF. Upang mapanatili ito, ang ating bayan pamahalaang bayan katuwang ang dalawa pang bayan dito sa isla at ang Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo ay patuloy na magsasagawa ng mga hakbang upang hindi makapasok ang ASF virus sa ating isla.