Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Month: January 2022

𝐁𝐀𝐒𝐈𝐂 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐆𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛, 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛 𝑇𝑒𝑐ℎ4𝐸𝐷 𝐶𝑒𝑛𝑡𝑒𝑟

Isinagawa ngayong araw ang Virtual Basic Center Management Training na dinaluhan ng ating mga Tehc4ED Center Manager and Assistants upang masimulan ang pagbibigay serbisyo tulad ng eLearning on Demand, Special Content, Market Place, Job Portal, Farming Technologies, Gov’t Services, Quality Health Information at Disaster Management sa ating mga mamamayan.

Manatiling nakaantabay para sa schedule ng mga programang ibibigay ng Quezon, Quezon Tech4ED Center.

𝐁𝐀𝐒𝐈𝐂 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐆𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛, 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛 𝑇𝑒𝑐ℎ4𝐸𝐷 𝐶𝑒𝑛𝑡𝑒𝑟


Isinagawa ngayong araw ang Virtual Basic Center Management Training na dinaluhan ng ating mga Tehc4ED Center Manager and Assistants upang masimulan ang pagbibigay serbisyo tulad ng eLearning on Demand, Special Content, Market Place, Job Portal, Farming Technologies, Gov’t Services, Quality Health Information at Disaster Management sa ating mga mamamayan.

Manatiling nakaantabay para sa schedule ng mga programang ibibigay ng Quezon, Quezon Tech4ED Center.

EXTENDED!!

Kumusta mga kababayan!

EXTENDED po ang pasahan ng Promotional Video entries hanggang ika-28 ng Enero 2022 (Biyernes), 5:00 pm.

Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Tanggapan ng Pambayang Turismo, Kultura at Sining o hanapin si G. Jerrico Badinas para sa pagpapasa.Maraming

salamat po!

Pfizer and Moderna

🖋️ Magdala ng sariling ballpen at id.
🖋️ Para sa 12-17 years old dapat may kasamang magulang/guardian magdala ng birth certificate /baptismal certificate o anu man pagkakakilanlan ng bata at id para sa magulang/guardian.
🖋️ Huwag kalimutan ang vaccination card. .

“Palaging MAGHUGAS ng KAMAY at MAGSUOT ng FACEMASK at UMIWAS sa MATATAO at KULOB na LUGAR.”

108th Founding Anniversary- Awarding & Closing Ceremony

Kumusta po ang lahat??

BUKAS NA PO ANG ATING TREE PLANTING AND COASTAL CLEAN UP DRIVE!!!

Ang gawain pong ito ay bahagi ng ating paggunita at selebrasyon ng Ika-108 Taon ng Pagkakatatag ng ating bayan. Kaya naman kung mayroon pong INTERESADO na mga INDIBIDWAL o GRUPO na makiisa at lumahok sa gawaing ito ay mangyari lamang pong ipagbigay alam sa Municipal Tourism, Culture and the Arts Office na matatagpuan aa ating Public Market. Maaari ding magpaabot ng mensahe sa facebook page na ito o kay G. Rei Jerrico H. “
Badinas.Nasa larawan din po ang daloy ng gawain.Kita-kita po tayo bukas.🙂🙂🙂

Maganda po itong maging bonding activities ng inyong magbabarkada, samahan at pamilya🙂🙂🙂

#108thFoundingAnniversary
#QuezonQuezon
#QuezonTourism
#qqAangat

All fully vaccinated adults (18 years old and above) are now eligible to receive single-dose booster shots at least three months after the second dose of the following vaccines: AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac, and Sputnik V.

Meanwhile, those who were inoculated with Janssen vaccine can get their booster shots at least 2 months after their first dose.

The Department of Health also reiterates that booster shots are not recommended for ages 12-17 years old.
DOH assures that all vaccines with Philippine FDA Emergency Use Authorization are proven safe and effective.


#RESBAKUNA
#BIDASolusyon Plus sa COVID-19
#BIDAangMayDisiplina 

TREE PLANTING AND COASTAL CLEAN UP DRIVE

JANUARY 22, 2022 @ 7:00am Municipal Covered Court

TREE PLANTING – Brgy. Villa Mercedes
COASTAL CLEAN UP – Brgy. 6 Pob to Brgy. Silangan

MAKIISA at maging KATUWANG ng pamahalaang bayan para sa PANGANGALAGA at PAGPAPANATILI ng LIKAS na YAMAN at GANDA ng ating KAPALIGIRAN! ! ! !


Ang gawaing ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-108 Taon na Pagkakatatag ng Bayan ng Quezon.

Ang karagatan, kabukiran, kabundukan at kakahuyan ang siyang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng ating bayan. Mayaman tayo sa mga produktong mula sa magaganda nating baybayin at karagatan ganundin sa mga produktong mula sa bukid at kagubatan. Sa panahon ngayon ay nakikilala na ang ating bayan bilang isa sa mga bayan na may pinakamagagandang resorts, dalampasigan at malinaw at malinis na dagat sa ating buong lalawigan.

Isang malaking hamon sa ating lokal na pamahalaan na ito ay mapagyaman at mapangalagaan. Kung kaya naman ang Pamahalaang Lokal sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Ma. Caridad P. Clacio, Pambayang Tanggapan ng Turismo, Kultura at ng Sining at ng Pambayang Konseho ng Kultura at ng Sining ay ilulunsad ang isang makabuluhang gawaing ito. Ninanais natin na MAGKAROON ng malalim na KAMALAYAN at YAKAPIN ang RESPONSIBILIDAD na TAYO ang siyang MANGANGALAGA sa YAMAN ng ATING BAYAN.

Ang gawain pong ito ay lalahukan ng mga sumusunod:
-Kawani ng pamahalaang lokal
-Kawani ng mga pang nasyunal at pangrehiyong tanggapan,
-Municipal Culture and the Arts Council
-Kinatawan ng mga Civil Society Organization

LIMITADO lamang po ang BILANG na pwedeng LUMAHOK kung kaya ang mga indibidwal at samahan na nagnanais makiisa sa gawain ito ay hinihikayat na MAGPATALA. Magpaabot lamang po mensahe kay G. Rei Jerrico H. Badinas o kay Gng. Rhobelin H. Sasot para sa pagpapatala at detalye ng gawain.

PINAPAALAALA din po na pawang mga FULLY VACCINATED lamang po ang maaari naming isali sa gawaing ito.

#108thFoundingAnniversary
#TreePlantingCoastalCleanUp
#QuezonQuezon
#QuezonTourism
#qqAangat