Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Day: December 21, 2021

COVID-19 Vaccination Update

Kasabay ng ikalawang magkakasunod na National COVID-19 Vaccination Day, nagsimula na ang ating vaccination team sa pagtuturok ng booster para sa mga naunahan nang naturukansa ating bayan.

Una nang tinurukan ng booster shots ang health and disaster response frontliners ng ating munisipyo. Sunod na tuturukan ang health and emergency frontliners ng kawat barangay. Ang mga booster shot ay maaari nang ibigay sa mga naturukan ng Astra-Zeneca, Sinovac, Pfizer, at Moderna 6 na buwan matapos ang second dose.

Ang mga tumanggap naman ng Jannsen ay maaaring tumanggap na ng booster matapos ang tatlong buwan mula nang maturukan. Antabayanan po ang mga magiging sunod na pabatid dito at sa inyong mga barangay tungkol sa magiging schedule ng booster sa mga taga-barangay. Maraming salamat po.

𝐃𝐄𝐂𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟏| 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐀𝐘𝐔𝐃𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒𝐃𝐄𝐂𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟏| 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐀𝐘𝐔𝐃𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑀𝑢𝑛𝑖𝑐𝑖𝑝𝑎𝑙 𝑆𝑜𝑐𝑖𝑎𝑙 𝑊𝑒𝑙𝑓𝑎𝑟𝑒 𝑎𝑛𝑑 𝐷𝑒𝑣𝑒𝑙𝑜𝑝𝑚𝑒𝑛𝑡 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒

Ipinamahagi kahapon sa ating mga Lolo at Lola ang mga bagong sumbrero. Ito ay sa pamamagitan ng ating Punong Bayan MA. CARIDAD P. CLACIO at Sangguniang Bayan.

Tropical Cyclone Wind Signal

Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 na po sa ating bayan. Bagama’t malayo ang bagyo sa ating bayan, ito ay malawak at ang hanging dala nito ay maaaring maramdaman 480km mula sa gitna. Asahan din ang pag-ulan na dulot ng bagyong Odette. Mag-ingat po tayong lahat.

TROPICAL CYCLONE BULLETIN NO. 8Typhoon “#OdettePH”Issued at 5:00 AM, 16 December 2021Valid for broadcast until the next bulletin at 8:00 AM today

TYPHOON “#OdettePH” FURTHER INTENSIFIES AS IT CONTINUES TO APPROACH THE VICINITY DINAGAT ISLANDS-SURIGAO PROVINCES

Location of Center (4:00 AM): The center of the eye of Typhoon “ODETTE” was estimated based on all available data including those from Hinatuan Doppler Weather Radar at 330 km East of Surigao City, Surigao del Norte (9.5°N, 128.5°E) Intensity: Maximum sustained winds of 150 km/h near the center, gustiness of up to 185 km/h, and central pressure of 955 hPa Present Movement: West Northwestward at 25 km/h Extent of Tropical Cyclone Winds: Strong winds or higher extend outwards up to 480 km from the center.

PABATID DECEMBER 16 2021!!

Bukas po, Disyembre 16 ay ikalawang araw ng Pambansang Bakunahan Part 2. Magsadya sa mga sumusunod na vaccination sites para matanggap ang inyong first o second dose ng COVID vaccines. Municipal Covered Court (whole day kabilang ang mga 12-17 gulamg na batang nag-pre-register) Brgy. Guinhawa (umaga)Brgy. Cagbalogo (hapon)Mangyaring magdala ng ID (o pagkakakilanlan ng mga bata) at sariling ballpen. Maraming salamat po.

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 || 𝐊𝐀𝐍𝐒𝐄𝐋𝐀𝐃𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐘𝐀𝐇𝐄 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐏𝐀𝐒𝐀𝐇𝐄𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒, 𝐃𝐈𝐒𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐄 𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟏

𝑆𝑜𝑢𝑐𝑒: 𝐶𝑜𝑎𝑠𝑡 𝐺𝑢𝑎𝑟𝑑 𝑆𝑢𝑏-𝑠𝑡𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝐺𝑢𝑚𝑎𝑐𝑎; 𝑀𝐷𝑅𝑅𝑀𝑂

Bilang paghahanda at pag-iwas sa panganib na maaaring idulot ng bagyong Odette, ang byahe ng mga pampasaherong bangka ay kanselado na bukas, Disyembre 16, 2021. Ipinagbabawal din ang paglaot ng maliliit na bangka dahil sa nakataas na Gale Warning sa Eastern Seaboard ng Southern Luzon kasama na ang Lalawigan ng Quezon.

Mag-ingat po tayong lahat.

𝐃𝐞𝐜𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟏 𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃!!!

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛 𝑀𝐼𝐴𝑇𝐹 𝑎𝑛𝑑 𝑅𝑢𝑟𝑎𝑙 𝐻𝑒𝑎𝑙𝑡ℎ 𝑈𝑛𝑖𝑡

Ngayon po ay unang araw ng Pambansang Bakunahan. Magsadya sa mga sumusunod na vaccination sites para matanggap ang inyong first o second dose ng COVID vaccines. Municipal Covered Court (whole day)Brgy Villa Belen (umaga)Brgy. Silangan (hapon)Mangyaring magdala ng ID at sariling ballpen. Maraming salamat po.

𝐃𝐞𝐜𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟏| 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞 𝐨𝐟 𝐑𝐞𝐜𝐨𝐠𝐧𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧

𝐃𝐞𝐜𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟏| 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞 𝐨𝐟 𝐑𝐞𝐜𝐨𝐠𝐧𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐭𝐢𝐦𝐞𝐥𝐲 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐬𝐮𝐛𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐢𝐭𝐬 𝐃𝐞𝐯𝐨𝐥𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐥𝐚𝐧 (𝐃𝐓𝐏)

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒 𝑜𝑓 𝑡ℎ𝑒 𝑀𝑢𝑛𝑖𝑐𝑖𝑝𝑎𝑙 𝑀𝑎𝑦𝑜𝑟

Iginawad ng Department of the Interior Local Government (DILG) sa Municipal Government of Quezon sa pangunguna ng ating masipag na Punong Bayan MA. CARIDAD P. CLACIO ang Certificate of Recognition for the timely completion and submission of its Devolution Transition Plan pursuant to DILG-DBM JMC 2021-1.Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng Devolution Transition Plan Team na naging daan upang makamtan ang pagkilalang ito

.

𝐃𝐄𝐂𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟏| 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐆𝐀𝐑𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐇𝐄 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐆𝐑𝐀𝐓𝐄𝐃 𝐙𝐎𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐎𝐅 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑆𝑎𝑛𝑔𝑔𝑢𝑛𝑖𝑎𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑦𝑎𝑛

Kasalukuyang isinasagawa ang Public Hearing sa Municipal Training Center tungkol sa draft ordinance entitled AN ORDINANCE ADOPTING THE INTEGRATED ZONING REGULATIONS OF THE MUNICIPALITY OF QUEZON AND PROVIDING FOR THE ADMINISTRATION, ENFORCEMENT AND AMENDMENT THEROF AND FOR THE REPEAL OF ALL ORDINANCES IN CONFLICT THEREWITH.

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 || 𝐑𝐈𝐂𝐄 𝐅𝐀𝐑𝐌𝐄𝐑𝐒 𝐅𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄 (𝐑𝐅𝐅𝐀) || 𝐃𝐄𝐂𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟏 || 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝟓 𝐏𝐎𝐁𝐋𝐀𝐂𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐎𝐕𝐄𝐑𝐄𝐃 𝐂𝐎𝐔𝐑𝐓

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑀𝑢𝑛𝑖𝑐𝑖𝑝𝑎𝑙 𝐴𝑔𝑟𝑖𝑐𝑢𝑙𝑡𝑢𝑟𝑒 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒

Isang mapagpalang araw!Magandang balita. Ang pay out para sa mga benepisyaryo ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) ay matutuloy na sa darating na December 14, 2021 sa Brgy. 5 Poblacion Covered Court. Mahalagang Paalala:Muli po naming pinapaalalahanan ang mga benepisyaryo na magdala ng kahit anong Government Issued ID, kung saan dapat makikita ang kumpleto, buo at tunay na pangalan ng benepisyaryo (pangalan, panggitnang pangalan at apelyido) at petsa ng kapanganakan.Magdala rin po ng sariling ballpen at hindi po pinahihintulutan ang halig/representative. Para po sa may mga correction o pagtatama sa spelling ng pangalan, mangyari po na magdala ng Brgy. Certification na nagpapatunay sa tamang spelling ng pangalan na pirmado po ng Punong Barangay at may dry seal.Dapat pong nakasuot ng facemask sa panahon na isinasagawa ang pay out. At panatilihin ang health protocols para sa kaligatasan ng lahat.Maraming salamat po at mag-ingat po ang lahat.