๐๐ฎ๐๐ณ๐จ๐ง ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐ ๐จ๐จ๐ญ๐๐๐ฅ๐ฅ ๐๐๐๐ฆ, ๐๐๐ฆ๐ฉ๐๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐จ๐จ๐ญ๐๐๐ฅ๐ฅ ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐ง๐ ๐ ๐ข๐ง๐๐ง๐๐ฉ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ ๐๐ญ ๐๐ง๐ญ๐ข๐ฉ๐จ๐ฅ๐จ, ๐ข๐ค๐-๐ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ฌ๐จ, ๐๐๐๐.

Quezon, Philippines โ Isang makasaysayang tagumpay ang nakamit ng Quezon Elementary Football Team matapos nilang masungkit ang kampeonato sa RAAM 2025 Football Elementary laban sa Batangas sa iskor na 2-1 na naitala nina Hairon Vein Paraiso at Gemrod Salvante. Sa isang matinding laban, pinatunayan ng mga batang atleta ang kanilang husay, disiplina, at determinasyon sa larangan ng football.
Sa pangunguna ng kanilang masipag na Coach, G. Mark Villareal at tagapagsanay, G. Yracelbert Reyes at sa patuloy na suporta ng Quezon Islander Football Club (QIFC), nagpakita ng pambihirang laro ang koponan upang masungkit ang tagumpay. Ipinamalas nila hindi lamang ang galing sa football kundi pati na rin ang sportsmanship at teamwork na naging susi sa kanilang panalo.
Lubos ang pagbati ng ating Pamahalaang Lokal sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano katuwang ang bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ng ating ikalawang Punong Bayan, Kgg. Pedrito L. Alibarbar at ang buong bayan ng Quezon. Ang kanilang panalo ay hindi lamang para sa kanila kundi para sa buong lalawigan at lalo’t higit sa buong bayan ng Quezon na patuloy na sumusuporta sa pagpapalakas ng sports sa kabataan. Ipinakita nila na sa puso ng bawat batang Quezonian, may dugong mandirigma na handang ipaglaban ang karangalan ng ating bayan!
Dahil sa tagumpay na ito, sila ngayon ang magiging kinatawan ng Region 4A CALABARZON sa nalalapit na Palarong Pambansa 2025 sa Ilocos Norte. Mas lalo pa nilang paghahandaan ang kompetisyong ito upang patuloy na ipagmalaki ang kanilang bayan sa pambansang antas.
Patuloy nating suportahan at ipagmalaki ang ating mga atletang kabataan na siyang nagbibigay dangal sa ating bayan. Mabuhay ang Quezon! Mabuhay ang ating mga batang kampeon!
0 Comments