Tinalakay dito ang mental health awareness at tamang pagtugon ng mga kawani ng lokal na pamahalaan tungkol sa mental health lalo na sa panahon ng pandenya at kalamidad, ito ay pinangunahan ng tanggapan ng Pambayang Manggagamot at pakikipagtulungan sa University of the Philippines sa inisiyatiba ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio.
Isinagawa ang pagpupulong sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio, Sir Harold Mercado – DOH Representative, Dr. Jeremiah Carlo Alejo, mga miyembro at kinatawan ng Local Health Board na nagmula sa ibaโt ibang tanggapan at ahensya upang talakayin ang mga plano at hakbang ng RHU at DOH upang mas mapalawak at mas mapaayos ang serbisyong medikal para sa ating mga kababayan. Tinalakay ang mga datos noong nakaraang buwan at taon, at ganun din ang kinakailangang pondo para sa pagpapatayo at pagdagdag ng iba pang kawani na makakatuwang nila sa RHU.
Inilahad din dito ang pagbabakuna sa mga bata na may edad 5 hanggang 11 taong gulang. Ayon sa pinakabagong ulat, ibababa na ang Alert Level Classifications ng MIATF mula level 3 sa Alert Level 2 simula Pebrero 16 hanggang 28, 2022.
Isinagawa ang pagpupulong sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio at ng department heads ukol sa supplemental budget, procurement process, ulat ng bawat tanggapan at iba pang mahahalagang bagay.
Isa-isang nagtalakay ang mga department head ayon sa mga nagawa, isinasagawa at gagawin palang na mga gawain, programa at proyekto ng kani-kanilang mga tanggapan. Ganun din ang mga paglalanaan pa ng badyet ayon sa kanilang pangangailangan sa kanilang tanggapan upang patuloy na matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga mamamayan at patuloy na mapaunlad ang ating bayan.
Alinsunod sa kautusang Pambayan Blg. 2009-01, nasasaad ang paglikha ng Pambayang Lupon sa pagpigil at pagkontrol ng Rabies. Nagkaroon ng pagpupulong para sa muling pagbuo ng pambayang lupon sa pagpigil at pagkontrol sa Rabies sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio at ng miyembro nito na nagmula sa ibaโt ibang tanggapan at ahensya.
Sa pagpupulong na ito ay tinalakay ang pagsasagawa ng malawakang information campaign kaugnay ng wastong pag-aalaga, pagpapabakuna ng anti-rabies at pagpaparehistro ng mga aso. Magtatalaga ng mga awtorisadong tao na aatasang manghuli ng mga laboy o galang aso sa kalsada, dahil ayon sa pinakabagong balita ay nagkaroon ng kaso ng rabies sa bayan ng Perez at isa pa dito ay ang pagkakaroon ng aksidenteng naitala ng dahil sa aso.
Nagpa-usapan at napagkasunduan din dito na magkaroon ng dog tag ang bawat aso, magkaroon ito ng color coding bawat barangay at pagkakaroon ng multa sa bawat mahuhuling aso.
Manage Cookie Consent
We use cookies to optimize our website and our service.
Functional
Always active
The technical storage or access is strictly necessary for the legitimate purpose of enabling the use of a specific service explicitly requested by the subscriber or user, or for the sole purpose of carrying out the transmission of a communication over an electronic communications network.
Preferences
The technical storage or access is necessary for the legitimate purpose of storing preferences that are not requested by the subscriber or user.
Statistics
The technical storage or access that is used exclusively for statistical purposes.The technical storage or access that is used exclusively for anonymous statistical purposes. Without a subpoena, voluntary compliance on the part of your Internet Service Provider, or additional records from a third party, information stored or retrieved for this purpose alone cannot usually be used to identify you.
Marketing
The technical storage or access is required to create user profiles to send advertising, or to track the user on a website or across several websites for similar marketing purposes.