SERBISYONG PARA SA PAGGAMOT NG TUBERCULOSIS (DOTS PROGRAM FOR TB, TB IN CHILDREN AND MULTI-DRUG RESISTANT TB)
TUNGKOL SA SERBISYO:
- Para kanino at ano ang serbisyo?
- Ang Tanggapan ng Pambayang Manggagamot ang namamahala sa programa ng DOH kontra TB sa antas na local.
- Layunin ng programa ang tukuyin at gamutin ang mga pasyenteng may sakit na Tuberculosis
- Libre ang mga gamot at gamutan para sa Tuberculosis
- Ang maaaring makatanggap ng serbisyong ito ay ang mga mamamayan ng Quezon, Quezon; bata man o matanda; permanente man o pansamantalang residente; na magkakaroon ng mga sumusunod na sintomas at mapapatunayang mayroon ngang sakit na Tuberculosis
- Ubo nang 2 linggo o higit pa
- Lagnat
- Di maipaliwanag na pagbaba ng timbang
- Hindi maipaliwanag na hindi pagbigat ng sanggol/bata
- Pananakit ng likod o dibdib
- Plemang may bahid na dugo o pag-ubo ng dugo
- Kawalan ng ganang kumain
- Madaling pagkapagod
- Schedule ng Serbisyo:
- RHU Main
- Araw-araw sa oras ng regular na konsultasyon para sa unang konsulta
- Tuwing ikalawang Martes ng buwan – check-up ng naggagamutan na ng DOTS
- Pagbibigay at direktang pagpapainom ng gamot: 8:00am; Lunes hanggang Biyernes
- BHS
- Sa panahon ng buwanang paggdalaw ng mga midwife sa kanilang nasasakupang area
- Pagbibigay at direktang pagpapainom ng gamot: araw-araw ayon sa usapan ng pasyente at kanyang treatment partner (sa linang)
- RHU Main
KABUUANG ORAS NA GUGUGULIN PARA SA SERBISYO: 45 minuto hanggang 1 oras
MGA HAKBANG NA SUSUNDIN | ORAS SA BAWAT HAKBANG | TAONG NAMAMAHALA |
Registration: Aalamin at tutukuyin ng Midwife on Duty, Nurse o RN HEALS ang kabuuang datos ng pasyente at isusulat ito sa talaan/record/chart. Dito na rin tutukuyin ang vital signs ng pasyente | 5 minuto | Ayra Diana D.Cantos , RN Public Health Nurse NTP-TB DOTS Coordinator |
Pagpapayo para sa Pagkulekta ng Plema: Matapos ang masusing eksaminasyon sa pasyente at matutukoy na nangangailangan itong masuri para sa sakit na TB, ito ay tuturuan kung papaano ang pagkolekta ng kanyang plema. | 5 minuto | Ayra Diana D.Cantos , RN Public Health Nurse NTP-TB DOTS Coordinator |
Pagkolekta at Pagsuri ng Plema: Ang Health Personnel on Duty ay kokolekta ng plema mula sa pasyente at siya niyang ipapasa sa Microscopist para suriin. Sasabihin sa pasyente kung kailan lalabas ang resulta ng eksaminasyon. Susuriin ng Microscopist ang plema ng pasyente ayon sa Standard Operating Procedure | 5 minuto | Ayra Diana D. Cantos , RN Public Health Nurse NTP-TB DOTS Coordinator Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Microscopist |
Enrollment ng Pasyente sa NTP: NTP Coordinator/Health Personnel on Duty: • Ang pasyenteng matutukoy na positibo sa TB base sa resulta ng pagsusuri ng plema, X-ray, pagsusuri ng MHO/MD at rekomendasyon ng TBDC ay ipapasok sa programa • Gagawan ng NTP record/card ang pasyente at bibigyan ito ng sarili niyang kopya • Bago umpisahan ang mismong gamutan, magsasagawa ng TB health education session/TB DOTS orientation para sa pasyente at mga kaanak/kasama nito • Bibigyan ang pasyente ng unang dosage ng kanyang mga gamot para sa TB. Sa harap mismo ng health worker iinumin ng pasyente ang gamot. • Papayuhan ang pasyente tungkol sa kanyang pang araw araw na gamutan, supply ng gamot, schedule ng check-up at schedule ng pagpasa ng follow-up na eksaminasyon ng plema. | 30-45 minuto | Ayra Diana D. Cantos , RN Public Health Nurse NTP-TB DOTS Coordinator Jeremiah Carlo V. Alejo,MD,MCD Municipal Health Officer |
Loading…
Loading…
Loading…
Loading…