Frontline Services (Mga Pangunahing Serbisyong Ibinibigay ng Tanggapan) SERBISYO NG PAGBABAKUNA (IMMUNIZATION SERVICES)
TUNGKOL SA SERBISYO:
- Para kanino at ano ang serbisyo?
- Sanggol na edad 0 (pagkapanganak) hanggang 11 buwang gulang
- Nagbibigay ng bakuna laban sa mga vaccine preventable diseases na Tuberculosis, Measles/Tigdas, Polio, Diptheria, Pertussis, Tetanus, Mumbs/Beke, Hepatitis B, Rotavirus
- Mga babaeng nagdadalangtao
- Nagtuturok ng anti tetano sa buntis sa kanilang prenatal check-up upang maprotektahan ang ipapanganak na sanggol laban sa Tetanus Neonatorum
- Mga nasugatang edad 10 taong gulang pataas
- Kasama sa regular na konsultasyon; ang sinumang nasugatan ay susuriin kung kailangang mabigyan ng karagdagang bakuna laban sa tetano.
- Sanggol na edad 0 (pagkapanganak) hanggang 11 buwang gulang
- Walang bayad ang serbisyong ito.
- Schedule ng Serbisyo:
- RHU Main
- Sanggol (0-11 buwan): Miyerkules 8:00am -12:00nn; 1:00pm-5:00pm
- Buntis: Tuwing Martes ng hapon; 1:00pm-5:00pm
- Mga nasugatan: Lunes-Biyernes; 8:00am-12:00nn; 1:00pm-5:00pm
- Barangay Health Station
- Sa buwanang paggdalaw ng Rural Health Midwife
- RHU Main
KABUUANG ORAS NA GUGUGULIN PARA SA SERBISYO: 15 Minuto
MGA HAKBANG NA SUSUNDIN | ORAS SA BAWAT HAKBANG | TAONG NAMAMAHALA |
Registration: Aalamin at tutukuyin ng Midwife on Duty, Nurse o mga HRH (DOH-Human Resource for Health) ang kabuuang datos ng pasyente at isusulat ito sa talaan/immunization card/chart. | 7 minuto | Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
Pagbabakuna: Matapos ang masinop at mahusay na interview at eksaminasyon sa pasyente, ito ay babakunahan na ng Health Personnel on Duty gamit ang Standard Immunization Practices. | 3 minuto | Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
Pagpapayo: Pagkatapos maibigay ang bakuna, magbibigay ng payo ang Health Personnel on Duty sa pasyente. Kailangang kasama sa pagpapayo ang mga dapat gawin ng pasyente pagkatapos niyang mabakunahan at ang susunod na schedule/follow up ng bakuna kung mayroon man. | 5 minuto | Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
Loading…
Loading…