Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Uncategorized

PUBLIC CONSULTATION PARA SA IRR NG RA 10943, ISINAGAWA SA BAYAN NG QUEZON.

Quezon, Quezonโ€” Isinagawa kahapon, ika-26 ng Marso, 2025 ang isang pampublikong konsultasyon para sa draft Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10943, na nagtatakda ng pagtatayo ng isang Legislated Multi-Species Marine Hatchery na eksklusibong magpo-produce ng Pompano na ginanap sa Municipal Training Center.

Pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang konsultasyon, kung saan dumalo ang ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano, Ikalawang Punong Bayan, Kgg. Pedrito L. Alibarbar, mga pinuno ng bawat tanggapan ng lokal na pamahalaan, at mga kinatawan ng sektor ng mangingisda sa Quezon.

Sa talakayan, ipinaliwanag ng BFAR ang mahahalagang probisyon ng IRR, kabilang ang mga proseso sa pagtatanim at pagpaparami ng Pompano, pati na rin ang mga regulasyon upang mapanatili ang kalidad at sustainability ng produksyon. Layunin ng proyektong ito na palakasin ang industriya ng Pompano sa bayan, magbigay ng mas maraming oportunidad sa mga mangingisda, at itaas ang kita ng sektor ng pangisdaan.

Nagkaroon din ng bukas na diskusyon kung saan nagbigay ng mga suhestiyon at mga katanungan ang mga pinuno ng bawat tanggapan at mga lokal na mangingisda upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng hatchery.

Sa kabila ng mga positibong layunin ng proyekto, tinalakay rin sa konsultasyon ang ilang hamon at suliraning kinakaharapat maaaring pang kaharaoin ng pamahalaan at lokal na industriya ng pangingisda sa bayan ng Quezon.

Inaasahang matapos ang pinal na bersyon ng IRR matapos ang masusing pagsusuri at pagsasaalang-alang ng mga natanggap na mungkahi mula sa konsultasyong ito.

#SerbisyongJuanForAll #BakaQuezonYan #QQAangat #QQUpdates #MQQPIO

ISANG GABI NG NGITI AT SAYA: FREE RIDE FOR EVERY-JUAN, HATID NI MAYOR JUAN F. ESCOLANO.

Quezon, Quezon โ€“ Isang gabi na puno ng ligaya at di-malilimutang karanasan ang inihatid ng โ€œFree Ride for Every-Juanโ€ kagabi Marso 26, 2027 na kaloob ng ating Punong Bayan Kgg. Juan F. Escolano, maraming Quezonians ang nakaranas ng libreng sakay sa mga rides tulad ng Vikings, Flying Bee, at Ferris Wheelโ€”isang simpleng paraan upang maibahagi ang saya sa bawat isa.

Sa pagbukas pa lamang ay agad nang bumuhos ang sigaw ng tuwa at kasabikan ng mga bata, pamilya, at magkakaibigan, ngunit higit pa sa mga rides, ang tunay na diwa ng gabi ay ang pagmamalasakit at pagmamahal sa bawat Quezonian.

Sa gitna ng kasayahan, si Mayor Juan F. Escolano ay nakiisa sa mga nakapilaโ€”walang sawang nakikipagkwentuhan, at sinisiguradong lahat ay may pagkakataong mag-enjoy. Dahil naniniwala siya na ang bawat ngiti, bawat sigaw ng tuwa, at bawat sandali ng kasiyahan ay isang karapat-dapat na regalo for every-JUAN, patuloy niyang ipinararamdam na sa Quezon, Quezon, ang saya at malasakit ay para sa lahat.

Sa pagtatapos ng gabi, kitang-kita ang ngiting bitbit ng bawat isa pauwi, dala ang alaala ng isang espesyal na karanasang hindi nila malilimutan. Tunay na isang gabing nagpapatunay na sa Quezon, Quezon, hindi lang pag-unlad ang pinahahalagahan, kundi pati ang kasiyahan at kapakanan ng bawat mamamayan!

LGU Quezon, Quezon

#SerbisyongJuanForAll #BakaQuezonYan #QQAangat #QQUpdates #MQQPIO

Be Part of the Alabat Wind Power Project.

๐€๐๐๐‹๐˜ ๐๐Ž๐–!

Be Part of the Alabat Wind Power Project.

GHCB Philippines Corporation, in partnership with Alternergy Holdings Corporation, is looking for qualified individuals to be part of the Alabat Wind Power Project!

If you’re skilled and ready to work, submit your application with the following requirements:

โœ… Biodata with picture

โœ… Barangay Clearance

โœ… NCII Certificate (for Skilled Workers & Heavy Equipment Operators)

๐Ÿ“ Recruitment Dates: March 4-5, 2025

๐Ÿ•˜ Time: 9:00 AM – 4:00 PM

๐Ÿ“ Venue: Quezon Municipal Training Center

For more details, message us or visit PESO-Quezon at the Quezon Municipal Main Building. Donโ€™t miss this opportunity!

#SerbisyongJuanForAll#BakaQuezonYan#QQAangat#QQUpdates#MQQPIO

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ: ๐๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง, ๐‡๐ฎ๐ฆ๐š๐ค๐จ๐ญ ๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐‚๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐ž๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ž๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐ˆ๐ง๐๐ž๐ฑ (๐‚๐Œ๐‚๐ˆ) ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐๐ข๐ง๐  ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ, ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ” ๐ง๐  ๐๐จ๐›๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’.

Quezon, Quezonโ€” Muling pinatunayan ng Bayan ng Quezon ang kahusayan nito sa pamamahala matapos makuha ang iba’t ibang pagkilala sa Provincial Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) Awarding Ceremony na ginanap sa Queen Margarette Hotel sa lungsod ng Lucena ngayong araw (Nobyembre 26, 2024).

Sa kategorya ng 5th at 6th Class Municipalities, nangibabaw ang Bayan ng Quezon bilang:

-Top 2 Most Improved LGU sa Quezon Province

-Top 2 Most Competitive LGU para sa Government Efficiency Pillar

-Top 1 Most Competitive LGU para sa Resiliency Pillar

-Top 1 Most Competitive LGU para sa Innovation Pillar

-Top 1 Most Competitive LGU para sa Infrastructure Pillar at;

-Top 1 Overall Most Competitive LGU sa Quezon Province

Ang mga parangal na ito ay hindi lamang patunay ng mahusay na pamamahala, kundi inspirasyon din para sa ibang bayan na magpursige para sa pag-unlad. Sa pamumuno ng ating minamahal na Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano, katuwang ang mga pinuno at kawani ng bawat tanggapan, walang tigil ang pamahalaang lokal sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong gawing mas matatag, mas mahusay, at mas maayos ang buhay ng bawat mamamayan.

Ang CMCI o Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) ay isang inisyatibo ng Department of Trade and Industry (DTI) na layong sukatin ang kakayahan ng mga LGU sa aspeto ng kahusayan sa pamamahala, resiliency, inobasyon economic dynamism at kaunlaran ng imprastraktura.

Sa mga karangalang ito, patuloy na pinatunayan ng bayan ng Quezon ang kakayahan nitong makipagsabayan sa iba pang malalaking bayan sa Probinsya ng Quezon at maghatid ng dekalidad na serbisyo para sa bawat mamamayan.

Buong-pusong pinasasalamatan ng Pamahalaang Lokal ng Quezon ang lahat ng mga mamamayan sa patuloy na suporta at kooperasyon, na nagbigay-daan upang makamit ang mga ganitong parangal at pagkilala.

Patuloy na itataguyod ng pamahalaang lokal ang mga layunin nito tungo sa mas maunlad, matatag, mas maayos at paangat na bayan ng QUEZON, QUEZON.

#SerbisyongJuanForAll

#BakaQuezonYan

#QQAangat

#QQUpdates

#MQQPIO

๐‚๐š๐ฉ๐š๐œ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐  ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐ข๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐–๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐  ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ ๐จ๐ง ๐๐ž๐ฐ ๐Ž๐…๐– ๐…๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ ๐‚๐ข๐ซ๐œ๐ฅ๐ž

๐‘†๐‘œ๐‘ข๐‘Ÿ๐‘๐‘’: PESO QUEZON, QUEZON

Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) CALABARZON, sa pakikipag-ugnayan sa ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano, ay nagsagawa ng Capacity Building Training with Business Plan Writing Workshop simula noong Marso 8 hanggang ngayong araw, Marso 10, 2023.

Ito ay para sa Samahan ng mga OFWs sa Quezon, Quezon (SOQQ) na binubuo ng 22 miyembro. Sa loob ng tatlong araw ay masigasig nilang binuo ang kanilang business plan para sa kanilang minimithing livelihood grant mula sa ahensya.

๐ˆ๐๐’๐๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ย ๐€๐๐ƒย ๐๐‹๐„๐’๐’๐ˆ๐๐†ย ๐Ž๐…ย ๐Ž๐๐„ย (๐Ÿ)ย ๐”๐๐ˆ๐“ย ๐ƒ๐”๐Œ๐ย ๐“๐‘๐”๐‚๐Šย ๐€๐๐ƒย ๐Ž๐๐„ย (๐Ÿ)ย ๐”๐๐ˆ๐“ย ๐Ž๐…ย ๐“๐‘๐ˆ๐‚๐˜๐‚๐‹๐„

Nitong nakaraang Pebrero 22, 2023 ay dumating ang Brand New Dump Truck ng ating Lokal na Pamahalaan. Ito ay isa sa mga priority projects ng ating Punong Bayan Kgg. JUAN F. ESCOLANO kasama ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ng ating Pangalawang Punong Bayan Kgg. PEDRITO L. ALIBARBAR. Ang proyektong ito ay nagmula sa 20% Municipal Development Fund at naglalayung pagbutihin ang Solid Waste Management sa ating bayan. Ngayong araw, Pebrero 27, 2023 ay isinagawa ang blessing ng Dump Truck kasama na ang Tricycle na parehong naiturnover sa ating Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).

#SerbisyongJUANForAll

๐๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ญ๐ข๐งย ๐จ๐Ÿย ๐๐ซ๐จ๐œ๐ฎ๐ซ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญย ๐Ž๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌย 

๐‘†๐‘œ๐‘ข๐‘Ÿ๐‘๐‘’: ๐ต๐ด๐ถ ๐‘„๐‘ข๐‘’๐‘ง๐‘œ๐‘›, ๐‘„๐‘ข๐‘’๐‘ง๐‘œ๐‘›

Invitation To Bid (ITB) of the Municipality of Quezon Bids and Awards Committee (BAC) for the following project/s: 

  1. Invitation to BID for the Foods for the Community Volunteers Training, KALAHI-CIDSS Office.
  2. Bid Notice Abstract.

Please send your invitation at [email protected] on or before February 06, 2023 @2:00PM. 

For more bidding opportunities, please visit the PhilGEPS website at https://notices.philgeps.gov.ph/

๐Œ๐”๐๐ˆ๐‚๐ˆ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐˜ ๐Ž๐… ๐๐”๐„๐™๐Ž๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ—๐ญ๐ก ๐…๐Ž๐”๐๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐€๐๐๐ˆ๐•๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜ | ๐‰๐š๐ง๐ฎ๐š๐ซ๐ฒ ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘

SerbisyongJUANForAll

๐€๐๐“๐ˆ-๐ƒ๐‘๐”๐† ๐€๐๐”๐’๐„ ๐‚๐Ž๐”๐๐‚๐ˆ๐‹ ๐€๐–๐€๐‘๐ƒ๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ || ๐๐จ๐ฏ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ

๐‘†๐‘œ๐‘ข๐‘Ÿ๐‘๐‘’: DILG Quezon Province

The DILG Quezon would like to congratulate all National and Regional Awardees of the 2022 Anti-Drug Abuse Council Performance Audit. These LGUs have excelled in their efforts to fight against Drug Abuse in their respective areas of jurisdiction. Way to go!

#ADACAwards2022

#WeAreYourDILG