Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Author: LGU Quezon Quezon

𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐢𝐧 𝐨𝐟 𝐏𝐫𝐨𝐜𝐮𝐫𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭𝐮𝐧𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝐵𝐴𝐶 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛, 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛

Request for Quotation (RFQ) of the Municipality of Quezon Bids and Awards Committee (BAC) for the following project/s:

Foods for the Community Volunteers Training, KALAHI-CIDSS Office.

Please send your quotation at [email protected] on or before February 10, 2023.

For more bidding opportunities, please visit the PhilGEPS website at https://notices.philgeps.gov.ph/

𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐢𝐧 𝐨𝐟 𝐏𝐫𝐨𝐜𝐮𝐫𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭𝐮𝐧𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝐵𝐴𝐶 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛, 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛

Invitation To Bid (ITB) of the Municipality of Quezon Bids and Awards Committee (BAC) for the following project/s: 

  1. Invitation to BID for the Foods for the Community Volunteers Training, KALAHI-CIDSS Office.
  2. Bid Notice Abstract.

Please send your invitation at [email protected] on or before February 06, 2023 @2:00PM. 

For more bidding opportunities, please visit the PhilGEPS website at https://notices.philgeps.gov.ph/

𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐃𝐑𝐔𝐆 𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟐 || 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: DILG Quezon Province

The DILG Quezon would like to congratulate all National and Regional Awardees of the 2022 Anti-Drug Abuse Council Performance Audit. These LGUs have excelled in their efforts to fight against Drug Abuse in their respective areas of jurisdiction. Way to go!

#ADACAwards2022

#WeAreYourDILG

𝐎𝐏𝐋𝐀𝐍 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 || 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟐

Isinagawa ang pagpupulong sa pangunguna ni LDRRMO II Jhon Errol Sisperez na dinaluhan ng mga MDRRMO personnel, Kabalikat Civicom 922 Chapter, Quezon Fire Station, Quezon Municipal Police Station representatives at iba pang Ahensya upang talakayin ang Current and Planned Actions, Schedule ng bawat Barangay at Area of Assignment para sa darating na Undas sa ating bayan.

Layunin nito ang mapanatiling ligtas ang bawat isa sa ano mang sakuna at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 dito sa ating bayan.

𝐃𝐈𝐂𝐓 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 𝐂𝐄𝐍𝐒𝐔𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐈𝐓𝐎𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐓 𝐓𝐄𝐂𝐇𝟒𝐄𝐃 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍, 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 || 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟐

Bumisita si Mr. Ralph Dela Torre ng Department of Information and Communications Technology (DICT) upang magsagawa ng Census, Inventory at Monitoring sa ating Tech4Ed Center sa Bayan ng Quezon, Quezon sa pamunuan ng ating Punong Bayan Kgg. Juan F. Escolano.

Pabatid sa ating mga kababayan na ang ating Tech4ed Center ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes 8AM – 5PM. ang paggamit ng ating mga computers at internet access ay LIBRE.

#TECH4ED
#TeCH4EDQuezonQuezon
#TeCH4All
#DICTRegionVIA

𝐒𝐂𝐇𝐎𝐋𝐀𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 || 𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟐

Malugod po naming ipinapaalam mula sa Tanggapan ng Punong Bayan ng Quezon,Quezon sa pamunuan ng ating Punong Bayan Kgg. Juan F. Escolano na bukas na ang aplikasyon para sa Scholarship ng Bayan. 

Ang panahon ng aplikasyon ay magsisimula sa Setyembre 22, 2022 hanggang Setyembre 30, 2022.

SINO-SINO ANG MGA KWALIPIKADONG APLIKANTE:

• Lehitimong naninirahan sa Bayan ng Quezon na hindi bababa ng dalawang taon.

• Nakapagtapos ng Senior High o K-12 Program.

• Ang aplikante ay dapat nakapasa sa pagsusulit (Entrance Examination) na ibibigay ng paaralang kanyang papasukan.

• Hindi maaaring mag-aplay para sa iskolar ng bayan ang mga mag-aaral na kasalukuyang kasali sa scholarship program ng ibang ahensiya.

• Ang iskolar ng bayan ay dapat mapanatili ang 85% o ang katumbas nito na pangkalahatang grado.

• Ang iskolar ng ng bayan ay dapat na kumuha ng full load o kumpletong yunit sa bawat semester na hinihingi ng kanyang kursong pinili.

MGA DOKUMENTONG DAPAT IHANDA:

1. BAGONG APLIKANTE

Pangunahing Dokumento:

• Accomplished application form na magmumula sa tanggapan ng Punong Bayan o Municipal Youth Development Officer (MYDO) kasama ang isang litrato (2×2). 

• Liham kahilingan (Letter of Intent) 

• Entrance Examination Result

• Certificate of Good Moral Character mula sa huling paaralang pinasukan.

• Recent Individual Tax Return (ITR) / Certificate of Tax Exemption

• Barangay Certification

• Certification of Indigency mula sa Municipal Social Welfare and Development

Karagdagang Dokumento:

• Form 138/Report Card (Xerox copy) na pirmado ng Prinsipal

• Sipi ng Birth Certificate (Xerox Copy)

Hinihikayat ang mga aplikante na isumite and kompletong mga dokumento sa Tanggapan ng Punong Bayan.

Lahat po ng magpapasa ng kanilang dokumento ay dadaan po sa Screening Committee.

Maraming Salamat po!!!

#SerbisyongJUANForAll

#ScholarshipNgBayan

𝐄𝐗𝐄𝐂𝐔𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐎𝐑𝐃𝐄𝐑 𝐍𝐎. 𝟎𝟑 || 𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: https://www.officialgazette.gov.ph/2022/09/12/executive-order-no-3-s-2022/

Allowing Voluntary Wearing of Facemasks in Outdoor Settings and Reiterating the Continued Implementation of Minimum Public Health Standards During the State of Public Health Emergency Relative to the COVID-19 Pandemic

𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 || 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟐

Ang Sangguniang Bayan ng Quezon ay nagsagawa ng pampublikong pagdinig sa pamumuno ng ating Punong Bayan Kgg. Juan F. Escolano, Pangalawang Punong Bayan Kgg. Pedrito L. Alibarbar, at sa pangunguna ng Tagapangulo ng Komitiba ng mga Alituntunin, mga Ordinansa, mga Batas, at iba pang Legal na Usapin Kgg. Alberto L. Binocaz, Jr., na dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Puno ng iba’t ibang ahensya PNP, BFP, MDRRMC, Agriculture, mga Punong Barangay at sa lahat ng mga kababayan natin na nakiisa sa pampublikong pandinig tungkol sa panukalang kautusang pambayan tungkol sa ordinansang nagtatakda ng pinakamababang pamantayan para sa pagpaparehistro ng sasakyang pangisda na tatlong kabuuang tonelada pababa sa Bayan ng Quezon na nagbibigay ng mga parusa sa paglabag nito, kautusang nagtatakda nga mga alituntunin sa pangingisda at pangisdaan sa Bayan ng Quezon at kautusang pambayan na nagtatakda ng mga karagdagang alituntunin at patakaran sa Kautusang BLG. 2011-01 na makikilala bilang Patakaran at Tuntunin sa Batas Trapiko ng Bayan ng Quezon.

Tinalakay at inilahad dito ang mga detalye ng mga ordinansa upang mapangalagaan ang yamang dagat sa ating bayan at pagbabago lalo na sa usaping Batas Trapiko sa Bayan ng Quezon at sa mga multa sa sinumang lalabag dito.