Author: LGU Quezon Quezon
CoViD-19 Updates in Quezon, Quezon as of September 22, 2021
PABATID!!!
Mayroon po tayong kabuuan na 15 Recovered na kaso ng COVID-19 sa ating bayan . Labing-apat sa mga ito ay noong ika-19 at 20 ng Setyembre at isa ngayong araw.
Gayunpaman, Nadagdagan po ng 16 aktibong kaso ng COVID-19 sa ating Bayan. Labing-apat dito ay naitala noong ika- 18 hanggang ika-20 ng Setyembre at dalawa kahapon.
Ang nasabing 16 na bagong kaso ay may mga sintomas na naramdaman. Nakakalungkot din pong ibalita na sa 16 kasong napatala, 2 po ang namatay na ating kababayan.
Ngayon araw ay mayroon po tayong 33 kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 dito sa Bayan ng Quezon, Quezon.
Ang ating IATF po ay nasa proseso ng karagdagang pagcocontact-tracing upang magabayan ang susunod na magiging hakbang.
Mahigpit pong pinapayuhan po ang lahat na mag-ingat at sumunod sa ating mga public health protocol.
Maraming salamat po.
Mayor’s Profile – Awards and Recognition
MAYOR’S PROFILE
NAME: MA. CARIDAD PAGKATIPUNAN CLACIO
SPOUSE: Former Mayor Crispin Sasot Clacio
FATHER: Engr. Crisogono Pagkatipunan (D)
MOTHER: Josefina Oreta Pagkatipunan
AGE: 55 years old
ORGANIZATION AFFILIATION
- League of the Municipalities of the Philippines –
Member (2016 – present)
- League of the Municipalities of the Philippines –
Member Quezon Chapter (2016 – present)
- KALIPI Municipal Federation – Honorary Chairperson
- 4K Municipal Federation – Honorary Chairperson
AWARDS AND ACHIEVEMENTS
- PLAQUE OF APPRECIATION, ADOPT-A SCHOOL PROGRAM given by the DepEd Quezon, December 2020
- PLAQUE OF APPRECIATIO, #DABESTKA! Given by DEpEd
CALABARZON, October 2020
- 2019 National Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance
Award-Ideal given by Department of Interior and Local Government December 2019
- SEAL OF CHILD-FRIENDLY LOCAL GOVERNANCE, given by DSWD & DILG, April 2019
- PLAQUE OF RECOGNITION, Integrate and adopt KC-NCDDP, given by DSWD Field Office IV-A, November 2019
- PLAQUE OF APPRECIATION, Gawad Kaagapay, given by DepEd Division of Quezon, Adopt-a-School Program, December 2018
- PLAQUE OF RECOGNITION, as BFP’s Local Partner, for their advocacy of exemplary fire safety services given by the BFP Regional Office IV-A CALABARZON, August 2018
- PLAQUE OF APPRECIATION, given by Quezon, Quezon Public
Elementary Alumni Association, Inc., April 2018
- PLAQUE OF RECOGNITION, given by DOH RO IV- CALABARZON, June 2018
- GAWAD PARANGAL SA NUTRISYON, given by PNAO, July 2018
- SEAL OF CHILD-FRIENDLY LOCAL GOVERNANCE, given by DSWD & DILG, December 2017
Awards and Recognition
Description | Date Given |
---|---|
Sertipiko ng Pagkilala, given by DSWD Region Field Office | December 2020 |
2019 National Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Award-Ideal, given by Department of Interior and Local Government | December 2019 |
Plaque of Recognition, given by DSWD Region Field Office | November 2019 |
Seal of Child-Friendly Local Governance, given by DSWD and DILG | April 2019 |
Quezon Gawad Parangal sa Nutrisyon, given by PNAO and Provincial Nutrition Multi-Sectoral Council | July 2018 |
Gintong Daloy Award- 1st Place, given by Department of Health | 2019 |
Plaque of Recognition, given by Department of Health | June 2018 |
Seal of Child-Friendly Local Governance, given by DSWD and DILG | December 2017 |
Certificate of Recognition, given by DOLE-PESO-QueFPESO, Inc. | December 2017 |
Seal of Child-Friendly Local Governance, given by DSWD and | December 2016 |
Seal of Good Local Governance, given by Department of Interior and Local Government | November 2016 |
Special Recognition, given by RDRRMC | November 2016 |
Preventive and Primary Care Services
Oras ng Opisina: | |
LUNES HANGGANG BIYERNES | 8:00am hanggang 5:00pm |
Pangkalahatang Serbisyong Ibinibigay | |
LUNES HANGGANG BIYERNES | |
o Mga kasong hindi emergency | 8:00am hanggang 12:00nn |
Konsulta ng may sakit Wellness consults Family planning services Regular na pagkuha ng Presyon Body Measurements Regular na Pagsusuri ng Suso Breastfeeding Counseling/Program Implementation Counseling for Lifestyle Modification Smoking Cessation Digital Rectal Examination | |
o Mga kasong emergency | 8:00am hanggang 5:00pm |
On call sa mga panahong walang pasok; outside office hours | |
o Pagpapaanak | 8:00am hanggang 5:00pm |
On call sa mga panahong walang pasok; outside office hours | |
MARTES | |
o Araw ng Buntis | 1:00pm hanggang 5:00pm |
MIYERKULES | |
o Pagbabakuna | 8:00am hanggang 5:00pm |
o Premarital Counseling | 1:00pm hanggang 5:00pm |
HUWEBES | |
o Family Development Sessions | 1:00pm hanggang 5:00pm |
o Patient Education Sessions | 1:00pm hanggang 5:00pm |
BIYERNES | |
o Family Development Sessions | 1:00pm hanggang 5:00pm |
o Patient Education Sessions | 1:00pm hanggang 5:00pm |
SERBISYONG PAGBIBIGAY NG SANITARY PERMIT PARA SA MGA ESTABLISHIMENTONG KOMERSYAL (SECURING SANITARY PERMIT FOR BUSINESS ESTABLISHMENTS)
TUNGKOL SA SERBISYO:
- Para kanino at ano ang serbisyo?
- Ang lahat ng establishimentong komersiyal sa Quezon, Quezon ay kinakailangang magkaroon ng Sanitary Permit para makumpleto ang mga requirement bago mabigyan ng Business Permit. Ginagawa ito upang matiyak na ang establishimento/negosyo ay tumatakbo ng naayon sa Sanitation Code(PD 856) ng Pilipinas at iba pang mga local na ordinansang pangkalusugan.
- May bayad ang serbisyong ito ayon sa Municipal Tax Code. Babayaran ito sa Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman
- Requirements:
- Application Form for Business License/Mayor’s Permit
- Locational Clearance
- Laboratory Results para sa:
- Food Handlers/Establishimentong nagbebenta ng pagkain at inumin (lahat ng tauhan na direktang humahawak/naghahanda ng pagkain)
- Chest X-ray
- Stool Exam
- Videoke Girls (mga kababaihang nagtratrabaho sa mga bahay aliwan/videoke bar)
- Chest X-ray
- Vaginal Smear (tuwing 2 linggo)
- VDRL/RPR
- HbSAg (Hepatitis B Surface Antigen)
- Food Handlers/Establishimentong nagbebenta ng pagkain at inumin (lahat ng tauhan na direktang humahawak/naghahanda ng pagkain)
- Schedule ng Serbisyo:
- RHU Main
- Tuwing Enero hanggang Marso (1st quarter) ng bawat taon; Lunes hanggang Biyernes; 8:00am-5:00pm
- RHU Main
KABUUANG ORAS NA GUGUGULIN PARA SA SERBISYO: 25 minuto (para sa
MGA HAKBANG NA SUSUNDIN | ORAS SA BAWAT HAKBANG | TAONG NAMAMAHALA |
Site Inspection (Para sa mga Dati nang Establishimento): Kasama ang Municipal Joint Inspection Team, iikutan na ng mga sanidad ang mga dati nang establishimento tuwing Disyembre upang ma-inspeksyon ang mga ito bago ang renewal period para sa business permit sa susunod na taon. Site Inspection (Para sa Bagong Establishimento): Kasama ang Municipal Joint Inspection Team, mag-iinspeksyon sa plano pa lamang na itatayong establishimento, lugar na pagtatayuan at habang ito’y itinatayo. | Di bababa sa 20 minuto | Mercedita Alibarbar, RN Rural Sanitary Inspector |
Application: Ang may-ari ng etsablishimentong komersiyal ay kukuha ng mga dokumentong kailangan para sa business permit mula sa tanggapan ng Pambayang Ingat-yaman Matapos mapunuan ng kailangang datos ang mga dokumento, ipapasa ito sa Sanidad para masuri kung wasto at kumpleto. | 7 minuto | Mercedita Alibarbar, RN Rural Sanitary Inspector |
Review and Assessment of Documents: Irereview ng Sanidad ang mga dokumento. Aalamin ang dami ng mga tauhan na nangangailangan ng mga laboratory request, atbp para malaman kung ilang health certificate ang kakailanganin at magkano ang babayaran. | 3 minuto | Mercedita Alibarbar, RN Rural Sanitary Inspector |
Processing: Matapos masuri ang mga dokumento, sisimulan na ng Sanidad ang pagproseso sa mga ito; mag-issue ng mga pormas ng Sanitary Permit at Health Certificate. | 5 minuto | Mercedita Alibarbar, RN Rural Sanitary Inspector |
Pagbabayad para sa Sanitary Permit at Health Certificate: Pumunta sa Tanggapan ng Pambayang Ingat-yaman upang magbayad. | 3 minuto | Julia Ursua Municipal Treasurer |
Approval: Matapos makumpleto ang pagproseso at pagbabayad, ibabalik sa Sanidad ang mga dokumento upang maipasa ito sa MHO para sa pirma. | 2 minuto | Jeremiah Carlo V. Alejo,MD,MCD Municipal Health Officer |
SERBISYONG TUNGKOL SA MGA USAPIN AT REKLAMONG PANG-SANIDAD (FILING AND PROCESSING OF SANITATION/ENVRONMENTAL HEALTH RELATED CONCERNS)
TUNGKOL SA SERBISYO:
- Para kanino at ano ang serbisyo?
- Ang Tanggapan ng Pambayang Manggagamot ang tumatanggap sa mga pormal na reklamo tungkol sa mga usaping sanidad/pangkapaligirang kalusugan. Ito ang namamahala sa paglutas at pagsasagawa ng aksyon tungkol sa mga ito.
- Schedule ng Serbisyo:
- RHU Main
- Lunes hanggang Biyernes; 8:00am hanggang 5:00pm
- RHU Main
KABUUANG ORAS NA GUGUGULIN PARA SA SERBISYO: Magsasagawa na ng imbestigasyon sa loob ng 2 oras.
MGA HAKBANG NA SUSUNDIN | ORAS SA BAWAT HAKBANG | TAONG NAMAMAHALA |
Pagtanggap sa Reklamo: Tatanggapin ng Sanidad ang reklamo at magsasagawa ng interview ng tao/institusyong nagrereklamo | 7 minuto | Mercedita Alibarbar, RN Rural Sanitary Inspector |
Pagiimbestiga: Magsasagawa ng imbestigasyon ang Sanidad sa pamamagitan ng pagpunta sa lugar/instusyong/gusaling inirereklamo, pag-alam ng lahat ng impormasyon ukol sa kaso. | 30 minuto | Mercedita Alibarbar, RN Rural Sanitary Inspector |
Paglutas sa Problema: Amicable Settlement – sisikapin muna ng sanidad na maresolba ang issue sa lebel ng mga partidong sangkot sa reklamo. Issuance of Sanitary Order – kung hindi magagawan ng solusyon ang issue sa lebel ng mga nagrereklamo at inirereklamo, iaakyat ng sanidad ang usapin sa tanggapan ng MHO. Base sa magiging rekomendasyon ng Sanidad, maglalabas ng Sanitary Order ang MHO | 60 minuto | Mercedita Alibarbar, RN Rural Sanitary Inspector Jeremiah Carlo V. Alejo,MD,MCD Municipal Health Officer |
Pag-refer ng Usapin sa Naaayong Ahensiya: kung hindi pa rin susunod ang mga partidong sangkot sa inilabas na Sanitary Order, gagawa irerefer ng RHU ang kaso sa naangkop na local na ahensiya kasama ng rekomendasyon nito. | 5 minuto | Mercedita Alibarbar, RN Rural Sanitary Inspector Jeremiah Carlo V. Alejo,MD,MCD Municipal Health Officer |
SERBISYONG PAGKUHA NG MEDICAL/HEALTH CERTIFICATE (SECURING A MEDICAL/HEALTH CERTIFICATE)
TUNGKOL SA SERBISYO:
- Para kanino at ano ang serbisyo?
- May mga institusyon, ahensiya, atbp na nanghihingi ng medical/health certificate mula sa mga mamamayan ng Quezon sa anumang legal na kadahilanan. Maaari itong makuha mula sa Tanggapan ng Pambayang Manggagamot
- Nagbibigay din ng Medicolegal Certificate/Examination ang RHU. Ito ay ibibigay lamang kung may karampatang pormal na kahilingan/request mula sa tamang kinauukulan.
- Ang Duktor lamang ang maaaring pumirma sa health/medical/medicolegal certificate
- May bayad ang serbisyong ito
- Simpleng Medical/Health Certificate: 50 pesos
- Medicolegal – Walang bayad (kasama na sa pondo ng RHU)
- Schedule ng Serbisyo:
- RHU Main
- Araw-araw sa oras ng regular na konsultasyon para sa unang konsulta
- Tuwing ikalawang Martes ng buwan – check-up ng naggagamutan na ng DOTS
- Pagbibigay at direktang pagpapainom ng gamot: 8:00am; Lunes hanggang Biyernes
- BHS
- Simpleng Medical/Health Certificate: sa panahon ng regular na konsulta
- Medicolegal: Ayon sa tawag ng pangangailangan/kaso
- RHU Main
KABUUANG ORAS NA GUGUGULIN PARA SA SERBISYO: 10 minuto (simpleng health/medical certificate); depende sa kaso kapag medicolegal
MGA HAKBANG NA SUSUNDIN | ORAS SA BAWAT HAKBANG | TAONG NAMAMAHALA |
Registration: Aalamin at tutukuyin ng Midwife on Duty, Nurse o mga HRH (DOH-Human Resource for Health) ang kabuuang datos ng pasyente at isusulat ito sa talaan/record/chart | 3 minuto | Ayra Diana D. Cantos, RN Public Health Nurse Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
Pag-refer sa MHO: Matapos ang masinop at mahusay na interview at eksaminasyon sa pasyente, ito ay irerefer na sa MHO/Duktor para sa mas masusing eksaminasyon | 2 minuto | Ayra Diana D. Cantos, RN Public Health Nurse Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
Pag-issue ng Health/Medicolegal Certificate: Magsasagawa ng mas masusing eksaminasyon at interview ang MHO. Magre-release ng pirmadong health certificate kung walang ibang problemang medikal ang pasyente. Kung may matutukoy na karamdaman, gagamutin muna ang pasyente bago ito mabigyan ng health certificate. | 5 minuto | Jeremiah Carlo V. Alejo,MD,MCD Municipal Health Officer |
SERBISYONG PARA SA PAGGAMOT NG TUBERCULOSIS (DOTS PROGRAM FOR TB, TB IN CHILDREN AND MULTI-DRUG RESISTANT TB)
TUNGKOL SA SERBISYO:
- Para kanino at ano ang serbisyo?
- Ang Tanggapan ng Pambayang Manggagamot ang namamahala sa programa ng DOH kontra TB sa antas na local.
- Layunin ng programa ang tukuyin at gamutin ang mga pasyenteng may sakit na Tuberculosis
- Libre ang mga gamot at gamutan para sa Tuberculosis
- Ang maaaring makatanggap ng serbisyong ito ay ang mga mamamayan ng Quezon, Quezon; bata man o matanda; permanente man o pansamantalang residente; na magkakaroon ng mga sumusunod na sintomas at mapapatunayang mayroon ngang sakit na Tuberculosis
- Ubo nang 2 linggo o higit pa
- Lagnat
- Di maipaliwanag na pagbaba ng timbang
- Hindi maipaliwanag na hindi pagbigat ng sanggol/bata
- Pananakit ng likod o dibdib
- Plemang may bahid na dugo o pag-ubo ng dugo
- Kawalan ng ganang kumain
- Madaling pagkapagod
- Schedule ng Serbisyo:
- RHU Main
- Araw-araw sa oras ng regular na konsultasyon para sa unang konsulta
- Tuwing ikalawang Martes ng buwan – check-up ng naggagamutan na ng DOTS
- Pagbibigay at direktang pagpapainom ng gamot: 8:00am; Lunes hanggang Biyernes
- BHS
- Sa panahon ng buwanang paggdalaw ng mga midwife sa kanilang nasasakupang area
- Pagbibigay at direktang pagpapainom ng gamot: araw-araw ayon sa usapan ng pasyente at kanyang treatment partner (sa linang)
- RHU Main
KABUUANG ORAS NA GUGUGULIN PARA SA SERBISYO: 45 minuto hanggang 1 oras
MGA HAKBANG NA SUSUNDIN | ORAS SA BAWAT HAKBANG | TAONG NAMAMAHALA |
Registration: Aalamin at tutukuyin ng Midwife on Duty, Nurse o RN HEALS ang kabuuang datos ng pasyente at isusulat ito sa talaan/record/chart. Dito na rin tutukuyin ang vital signs ng pasyente | 5 minuto | Ayra Diana D.Cantos , RN Public Health Nurse NTP-TB DOTS Coordinator |
Pagpapayo para sa Pagkulekta ng Plema: Matapos ang masusing eksaminasyon sa pasyente at matutukoy na nangangailangan itong masuri para sa sakit na TB, ito ay tuturuan kung papaano ang pagkolekta ng kanyang plema. | 5 minuto | Ayra Diana D.Cantos , RN Public Health Nurse NTP-TB DOTS Coordinator |
Pagkolekta at Pagsuri ng Plema: Ang Health Personnel on Duty ay kokolekta ng plema mula sa pasyente at siya niyang ipapasa sa Microscopist para suriin. Sasabihin sa pasyente kung kailan lalabas ang resulta ng eksaminasyon. Susuriin ng Microscopist ang plema ng pasyente ayon sa Standard Operating Procedure | 5 minuto | Ayra Diana D. Cantos , RN Public Health Nurse NTP-TB DOTS Coordinator Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Microscopist |
Enrollment ng Pasyente sa NTP: NTP Coordinator/Health Personnel on Duty: • Ang pasyenteng matutukoy na positibo sa TB base sa resulta ng pagsusuri ng plema, X-ray, pagsusuri ng MHO/MD at rekomendasyon ng TBDC ay ipapasok sa programa • Gagawan ng NTP record/card ang pasyente at bibigyan ito ng sarili niyang kopya • Bago umpisahan ang mismong gamutan, magsasagawa ng TB health education session/TB DOTS orientation para sa pasyente at mga kaanak/kasama nito • Bibigyan ang pasyente ng unang dosage ng kanyang mga gamot para sa TB. Sa harap mismo ng health worker iinumin ng pasyente ang gamot. • Papayuhan ang pasyente tungkol sa kanyang pang araw araw na gamutan, supply ng gamot, schedule ng check-up at schedule ng pagpasa ng follow-up na eksaminasyon ng plema. | 30-45 minuto | Ayra Diana D. Cantos , RN Public Health Nurse NTP-TB DOTS Coordinator Jeremiah Carlo V. Alejo,MD,MCD Municipal Health Officer |