PUBLIC CONSULTATION PARA SA IRR NG RA 10943, ISINAGAWA SA BAYAN NG QUEZON.

Quezon, Quezon— Isinagawa kahapon, ika-26 ng Marso, 2025 ang isang pampublikong konsultasyon para sa draft Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10943, na nagtatakda ng pagtatayo ng isang Legislated Multi-Species Marine Hatchery na eksklusibong magpo-produce ng Pompano na ginanap sa Municipal Training Center.
Pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang konsultasyon, kung saan dumalo ang ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano, Ikalawang Punong Bayan, Kgg. Pedrito L. Alibarbar, mga pinuno ng bawat tanggapan ng lokal na pamahalaan, at mga kinatawan ng sektor ng mangingisda sa Quezon.
Sa talakayan, ipinaliwanag ng BFAR ang mahahalagang probisyon ng IRR, kabilang ang mga proseso sa pagtatanim at pagpaparami ng Pompano, pati na rin ang mga regulasyon upang mapanatili ang kalidad at sustainability ng produksyon. Layunin ng proyektong ito na palakasin ang industriya ng Pompano sa bayan, magbigay ng mas maraming oportunidad sa mga mangingisda, at itaas ang kita ng sektor ng pangisdaan.
Nagkaroon din ng bukas na diskusyon kung saan nagbigay ng mga suhestiyon at mga katanungan ang mga pinuno ng bawat tanggapan at mga lokal na mangingisda upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng hatchery.
Sa kabila ng mga positibong layunin ng proyekto, tinalakay rin sa konsultasyon ang ilang hamon at suliraning kinakaharapat maaaring pang kaharaoin ng pamahalaan at lokal na industriya ng pangingisda sa bayan ng Quezon.
Inaasahang matapos ang pinal na bersyon ng IRR matapos ang masusing pagsusuri at pagsasaalang-alang ng mga natanggap na mungkahi mula sa konsultasyong ito.










#SerbisyongJuanForAll #BakaQuezonYan #QQAangat #QQUpdates #MQQPIO