𝐒𝐂𝐇𝐎𝐋𝐀𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 || 𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟐
Malugod po naming ipinapaalam mula sa Tanggapan ng Punong Bayan ng Quezon,Quezon sa pamunuan ng ating Punong Bayan Kgg. Juan F. Escolano na bukas na ang aplikasyon para sa Scholarship ng Bayan.
Ang panahon ng aplikasyon ay magsisimula sa Setyembre 22, 2022 hanggang Setyembre 30, 2022.
SINO-SINO ANG MGA KWALIPIKADONG APLIKANTE:
• Lehitimong naninirahan sa Bayan ng Quezon na hindi bababa ng dalawang taon.
• Nakapagtapos ng Senior High o K-12 Program.
• Ang aplikante ay dapat nakapasa sa pagsusulit (Entrance Examination) na ibibigay ng paaralang kanyang papasukan.
• Hindi maaaring mag-aplay para sa iskolar ng bayan ang mga mag-aaral na kasalukuyang kasali sa scholarship program ng ibang ahensiya.
• Ang iskolar ng bayan ay dapat mapanatili ang 85% o ang katumbas nito na pangkalahatang grado.
• Ang iskolar ng ng bayan ay dapat na kumuha ng full load o kumpletong yunit sa bawat semester na hinihingi ng kanyang kursong pinili.
MGA DOKUMENTONG DAPAT IHANDA:
1. BAGONG APLIKANTE
Pangunahing Dokumento:
• Accomplished application form na magmumula sa tanggapan ng Punong Bayan o Municipal Youth Development Officer (MYDO) kasama ang isang litrato (2×2).
• Liham kahilingan (Letter of Intent)
• Entrance Examination Result
• Certificate of Good Moral Character mula sa huling paaralang pinasukan.
• Recent Individual Tax Return (ITR) / Certificate of Tax Exemption
• Barangay Certification
• Certification of Indigency mula sa Municipal Social Welfare and Development
Karagdagang Dokumento:
• Form 138/Report Card (Xerox copy) na pirmado ng Prinsipal
• Sipi ng Birth Certificate (Xerox Copy)
Hinihikayat ang mga aplikante na isumite and kompletong mga dokumento sa Tanggapan ng Punong Bayan.
Lahat po ng magpapasa ng kanilang dokumento ay dadaan po sa Screening Committee.
Maraming Salamat po!!!
#SerbisyongJUANForAll
#ScholarshipNgBayan