Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Month: December 2021

𝐍𝐃𝐑𝐑𝐌𝐂 𝐧𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐰𝐚𝐠𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐲𝐨𝐧𝐠 “𝐎𝐝𝐞𝐭𝐭𝐞”

Muling pinaaalalahan ang publiko na maghanda sa epekto ng binabantayang tropical depression sa labas ng bansa na inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility bukas nang gabi at papangalanang “Odette.”Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang magla-landfall ang bagyong Odette sa bahagi ng Eastern Visayas o Caraga sa Huwebes nang hapon o gabi.Posibleng maging severe tropical storm ang bagyong Odette na maaaring umabot sa typhoon category.Magdadala ito nang malalakas na hangin sa Visayas, malaking bahagi ng Mindanao, at ilang probinsya sa Southern Luzon na makararanas din ng mga pag-ulan.Maaaring umabot hanggang signal no. 3 ang Tropical Cyclone Wind Signal na itataas sa mga lugar na apektado ng bagyo.Dagdag ng PAGASA, posibleng itaas ang signal no. 1 sa bahagi ng Eastern Visayas at Mindanao sa Martes nang hapon o gabi.Pinag-iingat ang mga apektadong lugar sa banta ng pagbaha, pagguho ng lupa, at mga panganib nang malakas na hangin dulot ng bagyo.Inaabisuhan din ang mga mangingisda at sasakyang pandagat na huwag nang pumalaot dahil sa mapanganib na kondisyon ng dagat.Tuloy-tuloy naman ang pag-antabay ng NDRRMC at Regional DRRMCs sa sitwasyon kaugnay ng bagyong Odette.Sa isinagawang pagpupulong ngayong araw, tinalakay ang iba’t ibang paghahanda sa mga apektadong lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at agarang mga aksyon sa epekto ng bagyo.Patuloy na pag-iingat, pag-antabay sa ulat panahon at pagsunod sa mga abiso ng awtoridad ang paalala sa publiko.

𝟐𝟎𝟐𝟎 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐃𝐑𝐔𝐆 𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋 (𝐀𝐃𝐀𝐂) 𝐏𝐄𝐑𝐅𝐎𝐑𝐌𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐀𝐔𝐃𝐈𝐓 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐄𝐄

Pagpupugay at pagbati sa Quezon Municipal Anti-Drug Abuse Council sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. MA. CARIDAD P. CLACIO at sa Lokal na Pamahalaan ng Quezon, Quezon sa pagiging Awardee ng ating bayan sa ginanap na 2020 ADAC Performance Audit.Maraming salamat sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Dangerous Drugs Board (DDB) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagkilala at karangalang ito.

#KayangKayaBastatSamaSamaPaRin