๐๐๐๐ข๐๐ฌ ๐๐ซ๐๐ฏ๐๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐จ๐ฅ ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐
Alinsunod sa kautusang Pambayan Blg. 2009-01, nasasaad ang paglikha ng Pambayang Lupon sa pagpigil at pagkontrol ng Rabies. Nagkaroon ng pagpupulong para sa muling pagbuo ng pambayang lupon sa pagpigil at pagkontrol sa Rabies sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio at ng miyembro nito na nagmula sa ibaโt ibang tanggapan at ahensya.
Sa pagpupulong na ito ay tinalakay ang pagsasagawa ng malawakang information campaign kaugnay ng wastong pag-aalaga, pagpapabakuna ng anti-rabies at pagpaparehistro ng mga aso. Magtatalaga ng mga awtorisadong tao na aatasang manghuli ng mga laboy o galang aso sa kalsada, dahil ayon sa pinakabagong balita ay nagkaroon ng kaso ng rabies sa bayan ng Perez at isa pa dito ay ang pagkakaroon ng aksidenteng naitala ng dahil sa aso.
Nagpa-usapan at napagkasunduan din dito na magkaroon ng dog tag ang bawat aso, magkaroon ito ng color coding bawat barangay at pagkakaroon ng multa sa bawat mahuhuling aso.
0 Comments