Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

𝐁𝐇𝐖 π‚π€ππ€π‚πˆπ“π˜ πƒπ„π•π„π‹πŽππŒπ„ππ“ || 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐑 πŸ’, 𝟐𝟎𝟐𝟐

π‘†π‘œπ‘’π‘Ÿπ‘π‘’: π‘…π»π‘ˆ π‘„π‘’π‘’π‘§π‘œπ‘›, π‘„π‘’π‘’π‘§π‘œπ‘›

Bilang paghahanda sa buong pagpapatupad ng Universal Health Care at bilang pagtalima sa pabatid ng Provincial Health Office, tinipon ng ating RHU ang lahat ng mga Barangay Health Worker ng bayan upang mapag-usapan ang proseso ng pagpaparehistro sa BHW Registration at Accreditation Committee ng ating bayan.

Ginawa na ring pagkakataon ito ng ating RHU na magbigay ng ulat sa ating mga BHW tungkol sa mga datos pangkalusugan ng ating bayan para sa taong 2022 at magbahagi ng batayang kaalaman tungkol sa mental health o kalusugang pangkaisipan para mabigay ang mga serbisyong may kinalaman dito sa ating mga kababayan.

Ang mga barangay health worker ay mahahalagang kasamang manggagawang pangkalusugan sapagkat sila madalas ang unang tumutugon sa mga pangangailangang pangkalusugan sa ating mga pamayanan.

0 Comments

There are no comments yet

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *