ISANG GABI NG NGITI AT SAYA: FREE RIDE FOR EVERY-JUAN, HATID NI MAYOR JUAN F. ESCOLANO.

Quezon, Quezon – Isang gabi na puno ng ligaya at di-malilimutang karanasan ang inihatid ng “Free Ride for Every-Juan” kagabi Marso 26, 2027 na kaloob ng ating Punong Bayan Kgg. Juan F. Escolano, maraming Quezonians ang nakaranas ng libreng sakay sa mga rides tulad ng Vikings, Flying Bee, at Ferris Wheel—isang simpleng paraan upang maibahagi ang saya sa bawat isa.
Sa pagbukas pa lamang ay agad nang bumuhos ang sigaw ng tuwa at kasabikan ng mga bata, pamilya, at magkakaibigan, ngunit higit pa sa mga rides, ang tunay na diwa ng gabi ay ang pagmamalasakit at pagmamahal sa bawat Quezonian.
Sa gitna ng kasayahan, si Mayor Juan F. Escolano ay nakiisa sa mga nakapila—walang sawang nakikipagkwentuhan, at sinisiguradong lahat ay may pagkakataong mag-enjoy. Dahil naniniwala siya na ang bawat ngiti, bawat sigaw ng tuwa, at bawat sandali ng kasiyahan ay isang karapat-dapat na regalo for every-JUAN, patuloy niyang ipinararamdam na sa Quezon, Quezon, ang saya at malasakit ay para sa lahat.
Sa pagtatapos ng gabi, kitang-kita ang ngiting bitbit ng bawat isa pauwi, dala ang alaala ng isang espesyal na karanasang hindi nila malilimutan. Tunay na isang gabing nagpapatunay na sa Quezon, Quezon, hindi lang pag-unlad ang pinahahalagahan, kundi pati ang kasiyahan at kapakanan ng bawat mamamayan!


















LGU Quezon, Quezon
#SerbisyongJuanForAll #BakaQuezonYan #QQAangat #QQUpdates #MQQPIO
0 Comments