Committees
Komitiba ng mga Alituntunin, mga Ordinansa, mga Batas at iba pang legal na usapin.
Hurisdiksyon: May pangkalahatang saklaw sa lahat ng mga bagay na may kaugnayan sa mga alituntunin sa Batas Panloob sa Sangguniang Bayan, kasama na ang mga paglabag dito; ang ayos, daloy at halayhay ng mga gawain sa pagpupulong; ang tungkol sa asal at pagkilos ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan kasama ang imbestigasyon ukol dito; ang mga pribilihiyo ng mga miyembro; ang lahat ng nauukol sa pagsasaayos ng ordinansa, ang pagrerepaso at pagpapatibay nito, maliban sa ordinansa ng aproprasyon (Appropriation Ordinance) kasama sa gawain ng Komitibang ito ang kapangyarihan ng pagsasabatas tulad ng โTaxing Powersโ. โPolice Powersโ, โCorporate Powersโ at โProprietary Powersโ; ang pagtukoy sa legalidad ng mga bagay na aaksyunan ng Sangguniang Bayan, at ang pagrerepaso ng mga ordinansa at kapasiyahang isinumeti ng mga barangay.
Komitiba ng Pananalapi, Badyet at Aproprasyon.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman sa Lokal na Pamuwisan, mga bayarin, mga sagutin, mga pag-utang at iba pang bagay na may kinalaman sa Taunang Badyet at Supplemental Budget,ang paglalaan ng pondo para sa mga bayarin, ang pagtukoy sa pasahod sa mga empleyado, ang pagre-reorganisa ng mga Lokal na Tanggapan, mga ordinansang ukol sa pagbubuwis, at lahat ng may kinalaman sa pananalapi ng bayan.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. Maribel A. Lamadrid | Hon. Pedrito L. Alibarbar Hon. Eleuterio A. Lim, Jr. Hon. Alberto L. Binocaz, Jr. Hon. Briene L. Flores |
Komitiba ng Inprastraktura at mga Pagawaing Pambayan.
Hurisdiksyon: Lahat ng mga bagay ukol sa at kaugnay sa pagpaplano, pagsasagawa, pagmementina, pagsasaayos at pagpapabuti ng mga gusaling pampubliko, mga daan at kalsada, mga tulay, parke, mga bantayog, at iba pang mga edipisyo o gusali, mga kanal at daluyan ng tubig, mga irigasyon at kagamitang patubig; at lahat ng mga pampublikong pagawain at inprastraktura.
Komitiba ng mga Gawaing Pambarangay at mga Usapin sa Hangganan.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman o may kaugnayan sa pagpapangalan o muling pagpapangalan ng barangay, ng mga daan o kalsada sa barangay; ang pagrerepaso ng mga kautusang pambarangay at mga ipinag-uutos ng Punong Barangay; ang pagbubuo, paghahati, pagsasanib ng barangay, at ang pag-aalis at pagbabago ng hangganan ng barangay at lahat ng nauukol sa mga gawaing pambarangay.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. | Hon. Briene L. Flores Hon. Butch A. Rodriguez |
Komitiba ng Transportasyon at Komunikasyon.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman o kaugnayan sa operasyon/pagtatayo ng pampublikong kagamitan, kasama at di lamang limitado sa sistema ng transportasyon at komunikasyon; ang paglilisensya at prangkisa, ang pahatirang sulat, telepono at iba pang serbisyong pang-telekomunikasyon at lahat ng nauukol sa transportasyon at komunikasyon.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. Mar E. Febrer | Hon. Butch A. Rodriguez Hon. Zaldy B. Bayan |
Komitiba ng Kalakalan, Komersyo at Industriya.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman o may kaugnay sa pagtatayo at operasyon ng lahat ng uri ng kalakal at industriya, pagbuo ng mga hakbang para sa masiglang kalakalan at industriya at pagbibigay ng mga insentibo para itaguyod at lumago ang kalakalan at industriya.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. Mar E. Febrer | Hon. Pedrito L. Alibarbar Hon. |
Komitiba ng Katahimikan, Kaayusan at Seguridad.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman o may kaugnayan sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad; mga usapin tungkol sa Pulisya, pag-oorganisa ng mga Barangay Tanod, serbisyong magbibigay proteksyon sa seguridad ng tao, ang batas at regulasyon ng trapiko, ang pag-iwas sa sunog, implementasyon ng mga lokal na ordinansa, pag-iwas sa aksidente at paghadlang sa krimen at lahat ng nauukol sa katahimikan, kaayusan at seguridad ng bayan.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. Zaldy B. Bayan | Hon. Butch A. Rodriguez Hon. Mar E. Febrer |
Komitiba ng mga Pampublikong Pasilidad.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman o may kaugnayan sa pagpapanatili ng maayos na pasilidad tulad ng plaza, parke, kulungan at iba pang gusali at istruktura ng pamahalaan.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. Zaldy B. Bayan | Hon. Alberto L. Binocaz, Jr. Hon. Maribel A. Lamadrid |
Komitiba ng Pabahay at Paggamit ng Kalupaan.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman o may kaugnayan sa programa ng pabahay, pagsasagawa ng mga subdibisyon, pagbuo ng mga hakbang/ordinansa sa paggamit ng lupa kasama ang tamang sona, kasama ang paglutas sa problema ng iskwater at lahat-lahat ng nauukol sa pabahay at tamang paggamit ng kalupaan.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. | Hon. Eleuterio A. Lim, Jr. Hon. Glenn L. Escamillas |
Komitiba ng mga Laro at Libangan.
Hurisdiksyon: Lahat ng mgay kinalaman o may kaugnayan sa operasyon at pagtatayo ng mga lugar na aliwan, mga hakbangin ukol sa regulasyon ng mga laro at libangan kasama at di lamang limitado sa pagsasagawa ng sabong/pintakasi, ng boksing, ng mga torneo ng basketball at iba pang mga laro at libangan, ang pagbabawal ng mga illegal na sugal at mga illegal na gawain at lahat ng nauukol sa mga laro at libangan.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. Mar E. Febrer | Hon. Butch A. Rodriguez Hon. Zaldy B. Bayan |
Komitiba ng Mabuting Pamamahala, Pampublikong Asal at Pananagutan.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman at may kaugnayan sa pamamahala ng mga kawani, klasipikasyon ng mga posisyon, plano sa pasahod, paglikha ng mahusay at epektibong pamamahala, gumawa ng pamantayan ukol sa asal at ikikilos ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan, ang publikong pananagutan ng lahat ng mga opisyal at empleyado at lahat ng nauukol sa mabuting pamamahala.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. Maribel A. Lamadrid | Hon. Eleuterio A. Lim, Jr. Hon. Mar E. Febrer |
Komitiba ng Kagalingang Panlipunan.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman o may kaugnayan sa pagpapabuti ng serbisyo ukol sa kagalingang panlipunan, ang pabahay, angmga libangan, ang isyu sa paggawa (labor) at lahat ng ukol sa serbisyong panlipunan.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
ย Hon. Butch A. Rodriguez | Hon. Pedrito L. Alibarbar Hon. Zaldy B. Bayan |
Komitiba ng Turismo.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman o kaugnayan sa turismo, sa industriya ng turismo, sa mga makasaysayang lugar, sa mga magagandang tanawin, sa piyestahan at ukol sa Yubakan Festival at iba pang pambayang festival.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. Glenn L. Escamillas | Hon. Butch A. Rodriguez Hon. Briene L. Flores |
Komitiba ng Kababaihan at Pamilya.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman at nauukol sa kagalingan at karapatan ng kababaihan, ang kanilang pribilihiyo sa lipunan, gayundin ang may kinalaman sa kagalingan ng pamilya, ang pagpapatibay at pagpapaunlad ng buhay pamilya, ang pagpaplano ng pamilya, at ang pangkalahatang saklaw sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa pangangalaga sa likas na kapakanan ng mga babae at pamilya.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. Maribel A. Lamadrid | Hon. Butch A. Rodriguez Hon. Mar E. Febrer |
Komitiba ng Karapatang Pantao.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman sa pangangalaga ng karapatang pantao, ang pagbibigay proteksyon laban sa pang-aabuso ng mga miyembro ng Kapulisan at mga miyembro ng Militar at ang may kinalaman sa buong pagtatamasa ng kalayaan at demokrasya at karapatang legal ng bawat tao.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. Alberto L. Binocaz, Jr. | Hon. Glenn L. Escamillas Hon. Zaldy B. Bayan |
Komitiba ng Kabataan at Pagpapaunlad ng Isports.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman at may kaugnayan sa kabataan, ang pagtataguyod ng kanilang katauhan, pisikal, moral, intellectual at social na kagalingan kasama ang Konseho ng Kabataan, at ang pagpapaunlad ng palakasan sa komunidad.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. Briene L. Flores | Hon. Butch A. Rodriguez Hon. Glenn L. Escamillas |
Komitiba ng Pangangalaga sa Kapaligiran.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman at kaugnayan sa pangangalaga at konserbasyon ng kagubatan, ng lupa at tubig, pangangalaga laban sa polusyon ng hangin at tubig, pangangalaga laban sa pagkasira o destruksyon ng kapaligiran lalo na ang tamang paggamit ng likas na yaman ng lokalidad.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. Zaldy B. Bayan | Hon. Butch A. Rodriguez Hon. Mar E. Febrer |
Komitiba ng Kooperatiba.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman at may kaugnayan sa pagbubuo at pagpapalaganap ng Kooperatiba, sa pagbibigay ng insentibo sa mga ito at pagpapatupad ng lahat ng mga programa ng Pamahalaan sa pagpapaunlad ng kooperatiba at kooperatibismo sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang nagsisimulang mga grupo na namumuhunan para sa kagalingan ng mga kasapi nito.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. Glenn L. Escamillas | Hon. Maribel A. Lamadrid Hon. Briene L. Flores |
Komitiba ng Edukasyon at Kultura.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman at may kaugnayan sa edukasyon at kultura, mga paaralan, aklatan, di-pormal na edukasyon para sa mga may edad na, ang siyentipiko at teknikong pananaliksik, ang pagpapaunlad at pagsulong nito, gayundin ang tungkol sa moralidad at pananampalataya.
Komitiba ng Kalusugan at Kalinisan.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman o may kaugnayan sa serbisyo ng pambayang tanggapan ng kalusugan, ang wasto/tamang pangongolekta at pagtatapon ng basura, ang kalinisan at kagandahan ng komunidad, ang lahat ng mga hakbangin ukol sa ospital at mga programang kaugnay sa kalusugan at kalinisan.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. Pedrito L. Alibarbar | Hon. Eleuterio A. Lim, Jr. Hon. Briene L. Flores |
Komitiba ng Agrikultura.
Hurisdiksyon: Lahat ngmay kinalaman o may kaugnayan sa pagsasaka, pagpaparami ng pagkain, negosyong pangsakahan, edukasyong pansakahan at kaugnay na serbisyo, industriya ng paghahayupan, pangisdaan at yamang katubigan, pagpapaunlad ng negosyong pansakahan, pagtukoy sa mga hakbangin ukol sa mga insentibo sa pagsasaka at lahat ng ukol sa agrikultura, paghahalaman at paghahayupan.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. Pedrito L. Alibarbar | Hon. Alberto L. Binocaz, Jr. Hon. Mar E. Febrer |
Komitiba ng Serbisyo ng Pamilihan at Katayan ng Hayop.
Hurisdiksyon: Lahat ng may kinalaman o may kaugnayan sa pamamahala, operasyon ng pamilihan at katayan, mga hakbang ukol sa pag-upa sa pwesto ng pamilihang pambayan, regulasyon ng mga bayarin sa pasilidad nito, ang pagpapabuti ng mga pasilidad sa pamilihan at paligid nito, ang pagpapatibay ng batas ukol sa pamilihang pambayan, ang pagmomonitor ng presyo ng karne, isda, gulay, ang pangangalaga sa kapakanan ng mga mamimili at lahat ng nauukol sa pamamahala ng pamilihan at katayan.
Tagapangulo | Miyembro |
---|---|
Hon. Butch A. Rodriguez | Hon. Pedrito L. Alibarbar Hon. Zaldy B. Bayan |