Bayan ng Quezon, Kinilala sa Mataas na Porsyento ng Paggamit ng Pondo sa PMNP Performance-Based Grant Tranche 1.

Quezon, Quezon – Muling pinatunayan ng Bayan ng Quezon ang husay at epektibong pamamahala ng pondo matapos kilalanin sa ginanap na PMNP Performance Budget Utilization sa Hotel Kimberly, Tagaytay City nitong ika-6 ng Marso, 2025.
Sa naturang pagtitipon, iginawad sa Bayan ng Quezon ang pagkilala sa 44.93% disbursement rate ng Performance-Based Grant (PBG) Tranche 1, na isa sa pinakamataas sa unang kalahati ng implementasyon ng programa. Dahil dito, kabilang ang bayan sa Top 10 Municipalities na may Highest Disbursement Rate sa hanay ng 24 na munisipalidad na sakop ng PMNP PBG Tranche 1 na tinanggap nina Bb. Mary Ann Caperiña, G. Ronnie Sobiono at G. Marjonnel Novilla.



Ang pagkilalang ito ay nagpapakita ng mahusay na paggamit ng pondo ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos na implementasyon ng mga proyekto para sa kaunlaran ng bayan at kapakinabangan ng mga mamamayan.
Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Quezon sa pamumuno ng ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano katuwang ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ng ating Ikalawang Punong Bayan, Kgg. Pedrito L. Alibarbar at ang bawat tanggapan, patuloy nitong isusulong ang transparency at accountability sa paggastos ng pondo upang matugunan ang mga pangangailangan ng bayan.
Ang pagkilala na ito ay isang patunay ng dedikasyon ng Bayan ng Quezon sa responsableng pamamahala ng pondo at pagpapatupad ng mga proyektong magpapabuti sa kalidad ng buhay ng bawat mamamayan.
#SerbisyongJuanForAll #BakaQuezonYan #QQAangat #QQUpdates #MQQPIO