Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

News

Patuloy ang pagbibigay ng transportation assistance ng aming tanggapan, sa direktiba ng ating Punong Bayan at tagapangulo ng MDRRMC Kgg. MA. CARIDAD P. CLACIO.

Sa direktiba ng ating Punong Bayan at tagapangulo ng MDRRMC Kgg. MA. CARIDAD P. CLACIO ay patuloy ang pagbibigay ng transportation assistance ng aming tanggapan sa ilang mga pasyenteng nangangailangang ilipat sa mas malaking ospital. Gayundin ang pag-uwi ng mga pasyenteng nagmula naman sa ospital patungo sa ating bayan.

Taos puso po naming ipinararating ang ating pasasalamat sa Quezon PDRRMO na aming katuwang sa pagtulong sa ating mga kababayan.

Hindi po biro ang magkasakit, kaya’t ugaliin po natin ang pagsunod sa Minimum Public Health Standards at makiisa po tayo sa ating ginagawang Vaccination laban sa COVID-19.

Maraming salamat po.

CoViD-19 Updates in Quezon, Quezon as of September 22, 2021

PABATID!!!

Mayroon po tayong kabuuan na 15 Recovered na kaso ng COVID-19 sa ating bayan . Labing-apat sa mga ito ay noong ika-19 at 20 ng Setyembre at isa ngayong araw.

Gayunpaman, Nadagdagan po ng 16 aktibong kaso ng COVID-19 sa ating Bayan. Labing-apat dito ay naitala noong ika- 18 hanggang ika-20 ng Setyembre at dalawa kahapon.

Ang nasabing 16 na bagong kaso ay may mga sintomas na naramdaman. Nakakalungkot din pong ibalita na sa 16 kasong napatala, 2 po ang namatay na ating kababayan.

Ngayon araw ay mayroon po tayong 33 kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 dito sa Bayan ng Quezon, Quezon.

Ang ating IATF po ay nasa proseso ng karagdagang pagcocontact-tracing upang magabayan ang susunod na magiging hakbang.

Mahigpit pong pinapayuhan po ang lahat na mag-ingat at sumunod sa ating mga public health protocol.

Maraming salamat po.