Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Author: admin

𝐀𝐟𝐫𝐢𝐜𝐚𝐧 𝐒𝐰𝐢𝐧𝐞 𝐅𝐞𝐯𝐞𝐫 (𝐀𝐒𝐅)

Sa pakikipag-ugnayan ng Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo sa mga bayan ng Quezon, Alabat at Perez, pinag-usapan ang mga hakbang upang mapanatiling ASF-Free ang tatlong bayan na isa sa dalawang lugar na natitirang ASF-Free sa buong Luzon. 

Isinagawa ang pagpupulong sa Alabat sa pangunguna ng kanilang Punong Bayan MGEN Fernando L. Mesa (Ret.) na dinaluhan ng Panlalawigang Beterinaryo at ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, MDRRMO at PNP na nagmula sa tatlong bayan. 


Naging malaya ang talakayan ng bawat isa at nagkaroon din ng workshop kung saan mas napag-usapan dito ng iba’t ibang grupo ang mga problema na kanilang nakikita at nararanasan, at ng sa ganun ay magawan agad ng plano at hakbang upang mapanatiling walang kaso ng ASF ang buong isla.