SERBISYONG PAGKUHA NG MEDICAL/HEALTH CERTIFICATE (SECURING A MEDICAL/HEALTH CERTIFICATE)
TUNGKOL SA SERBISYO:
- Para kanino at ano ang serbisyo?
- May mga institusyon, ahensiya, atbp na nanghihingi ng medical/health certificate mula sa mga mamamayan ng Quezon sa anumang legal na kadahilanan. Maaari itong makuha mula sa Tanggapan ng Pambayang Manggagamot
- Nagbibigay din ng Medicolegal Certificate/Examination ang RHU. Ito ay ibibigay lamang kung may karampatang pormal na kahilingan/request mula sa tamang kinauukulan.
- Ang Duktor lamang ang maaaring pumirma sa health/medical/medicolegal certificate
- May bayad ang serbisyong ito
- Simpleng Medical/Health Certificate: 50 pesos
- Medicolegal – Walang bayad (kasama na sa pondo ng RHU)
- Schedule ng Serbisyo:
- RHU Main
- Araw-araw sa oras ng regular na konsultasyon para sa unang konsulta
- Tuwing ikalawang Martes ng buwan – check-up ng naggagamutan na ng DOTS
- Pagbibigay at direktang pagpapainom ng gamot: 8:00am; Lunes hanggang Biyernes
- BHS
- Simpleng Medical/Health Certificate: sa panahon ng regular na konsulta
- Medicolegal: Ayon sa tawag ng pangangailangan/kaso
- RHU Main
KABUUANG ORAS NA GUGUGULIN PARA SA SERBISYO: 10 minuto (simpleng health/medical certificate); depende sa kaso kapag medicolegal
MGA HAKBANG NA SUSUNDIN | ORAS SA BAWAT HAKBANG | TAONG NAMAMAHALA |
Registration: Aalamin at tutukuyin ng Midwife on Duty, Nurse o mga HRH (DOH-Human Resource for Health) ang kabuuang datos ng pasyente at isusulat ito sa talaan/record/chart | 3 minuto | Ayra Diana D. Cantos, RN Public Health Nurse Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
Pag-refer sa MHO: Matapos ang masinop at mahusay na interview at eksaminasyon sa pasyente, ito ay irerefer na sa MHO/Duktor para sa mas masusing eksaminasyon | 2 minuto | Ayra Diana D. Cantos, RN Public Health Nurse Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
Pag-issue ng Health/Medicolegal Certificate: Magsasagawa ng mas masusing eksaminasyon at interview ang MHO. Magre-release ng pirmadong health certificate kung walang ibang problemang medikal ang pasyente. Kung may matutukoy na karamdaman, gagamutin muna ang pasyente bago ito mabigyan ng health certificate. | 5 minuto | Jeremiah Carlo V. Alejo,MD,MCD Municipal Health Officer |
Loading…
Loading…
Loading…
Loading…
Loading…