SERBISYO PARA SA MGA NAGDADALANTAO AT BAGONG PANGANAK NA SANGGOL (MATERNAL AND NEONATAL CARE SERVICES)
TUNGKOL SA SERBISYO:
- Para kanino at ano ang serbisyo?
- o Nagbibigay ang Tanggapan ng Pambayang Manggagamot ng komprehensibo, napapanahon at mahusay na serbisyong medikal sa mga sumusunod:
- Mga nagdadalantaong kababaihan, anuman ang edad at estado sa buhay
- Mga bagong panganak at nagpapasusong kababaihan
- Mga bagong panganak na sanggol
- Mga ama at iba pang katuwang sa pag-aaruga sa buntis, bagong panganak at sa mga sanggol
- o Nagbibigay ang Tanggapan ng Pambayang Manggagamot ng komprehensibo, napapanahon at mahusay na serbisyong medikal sa mga sumusunod:
- Walang bayad ang serbisyong ito
- Schedule ng Serbisyo
- Prenatal Care
- RHU Main: Tuwing Martes, 1:00pm – 5:00pm
- BHS: ayon sa buwanang paggdalaw ng Rural Health Midwife sa kanilang nasasakupang lugar
- Postnatal Care
- Sa loob ng 24 oras pagkapanganak (unang bisita) at 1 linggo matapos manganak (ikalawang pagbisita)
- Intrapartum Care
- On call status ng RHU Quezon, Quezon Birthing Home
- Prenatal Care
KABUUANG ORAS NA GUGUGULIN PARA SA SERBISYO:
• Prenatal Care (bago manganak): 15 hanggang 20 minuto depende sa kaso
• Intrapartum Care (Mismong Panganganak): 1 oras o higit pa depende sa kaso
• Postnatal Care (pagkatapos manganak): 10 hanggang 15 minuto depende sa kaso
PRENATAL CARE
MGA HAKBANG NA SUSUNDIN | ORAS SA BAWAT HAKBANG | TAONG NAMAMAHALA |
Registration: Aalamin at tutukuyin ng Midwife on Duty, Nurse o mga HRH(DOH-Human Resource for Health) ang kabuuang datos ng buntis at isusulat ito sa talaan chart ng pasyente. Mahalagang malaman ang tantiyadong edad ng pagbubuntis at petsa ng panganganak. Kasama na rito ang pagkuha ng vital signs | 3 minuto | Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
Interview at Eksaminasyon: Health Personnel on Duty (kadalasan Midwife): • Tingnan ang vital signs ng buntis at tugunan kung may problema • Magsasagawa ng kabuuang eksaminasyon upang tukuyin kung may iba pang karamdaman ang buntis • Magsasagawa ng eksaminasyon ng tiyan, suso at kung kinakailangan maging ari at pwerta ng buntis at tutugunan kung may problema | 7 minuto | Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
Panggagamot at Pagpapayo: Pagkatapos ng eksaminasyon, magbibigay ng payo ang Health Personnel on Duty sa pasyente. Kailangang kasama sa pagpapayo ang mga dapat gawin ng pasyente para sa kanyang pagbubuntis, anumang gamot na iinumin/susundin at ang susunod na schedule/follow up ng prenatal kung mayroon man. Igagawa rin ng referral slip ang buntis kung kinakailangan. | 5 minuto | Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
INTRAPARTUM CARE (QUEZON, QUEZON BIRTHING HOME)
MGA HAKBANG NA SUSUNDIN | ORAS SA BAWAT HAKBANG | TAONG NAMAMAHALA |
Registration: Aalamin at tutukuyin ng Midwife on Duty, Nurse o RN HEALS ang kabuuang datos ng buntis at isusulat ito sa talaan chart ng pasyente. Babasahin ang record ng buntis na nasa RHU. Kung ang pasyente ay walang record at maaari pang ilipat sa ospital, siya ay ililipat para na rin sa kanyang kaligtasan. Mahalagang malaman ang tantiyadong edad ng pagbubuntis at petsa ng panganganak. Kasama na rito ang mabilis na pagkuha ng vital signs at pagtukoy ng mga panganib sa panganganak | 5 minuto | Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
Interview at Eksaminasyon: Health Personnel on Duty (kadalasan Midwife): • Tingnan ang vital signs ng buntis at tugunan kung may problema • Magsasagawa ng kabuuang eksaminasyon upang tukuyin kung may iba pang karamdaman ang buntis • Magsasagawa ng eksaminasyon ng tiyan, suso at kung kinakailangan maging ari at pwerta ng buntis at tutugunan kung may problema • Magsasagawa ng Internal Examination (IE) upang tukuyin kung manganganak na nga ba o hindi ang pasyente • I-refer ang pasyente sa duktor o ospital ayon sa pangangailangan at sitwasyon | 10 minuto | Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
Pagpapaanak: Kapag natapos na ang interview at eksaminasyon at natukoy na normal na pagdadalangtao ang kaso, papaanakin ang buntis sa Birthing Home ayon sa alituntunin at pamantayan ng DOH sa mga pasilidad na BEmONC. Kung risk pregnancy ang kaso, ito ay hindi papaanakin at ililipat sa ospital hangga’t maaari pang ilipat. Kung sa anumang kadahilanan ay mapaanak na ang pasyenteng risk pregnancy,matapos manganak ay dadalhin pa rin ang nanganak at kanyang sanggol sa ospital. | 20 hanggang 30 minuto o higit pa ayon sa kaso | Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
Pagpapayo: • Tamang pangangalaga ng katawan ng bagong panganak • Tuturuan ng tamang paraan ng pagpapasuso ng mga sanggol • Tamang paraan ng pag-aalaga sa bagong panganak na sanggol. • Pagpapaalala ng kahalagahan ng kumpletong pagpapabakuna at schedule nito. | 10 minuto | Aida P. Maningas, RM Midwife 2 Diosa O. Fuertes, RM Midwife 2 Rhona P. Canimo, RM Midwife |
Loading…
Loading…
Loading…
Loading…