Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Day: March 27, 2025

PUBLIC CONSULTATION PARA SA IRR NG RA 10943, ISINAGAWA SA BAYAN NG QUEZON.

Quezon, Quezonβ€” Isinagawa kahapon, ika-26 ng Marso, 2025 ang isang pampublikong konsultasyon para sa draft Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10943, na nagtatakda ng pagtatayo ng isang Legislated Multi-Species Marine Hatchery na eksklusibong magpo-produce ng Pompano na ginanap sa Municipal Training Center.

Pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang konsultasyon, kung saan dumalo ang ating Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano, Ikalawang Punong Bayan, Kgg. Pedrito L. Alibarbar, mga pinuno ng bawat tanggapan ng lokal na pamahalaan, at mga kinatawan ng sektor ng mangingisda sa Quezon.

Sa talakayan, ipinaliwanag ng BFAR ang mahahalagang probisyon ng IRR, kabilang ang mga proseso sa pagtatanim at pagpaparami ng Pompano, pati na rin ang mga regulasyon upang mapanatili ang kalidad at sustainability ng produksyon. Layunin ng proyektong ito na palakasin ang industriya ng Pompano sa bayan, magbigay ng mas maraming oportunidad sa mga mangingisda, at itaas ang kita ng sektor ng pangisdaan.

Nagkaroon din ng bukas na diskusyon kung saan nagbigay ng mga suhestiyon at mga katanungan ang mga pinuno ng bawat tanggapan at mga lokal na mangingisda upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng hatchery.

Sa kabila ng mga positibong layunin ng proyekto, tinalakay rin sa konsultasyon ang ilang hamon at suliraning kinakaharapat maaaring pang kaharaoin ng pamahalaan at lokal na industriya ng pangingisda sa bayan ng Quezon.

Inaasahang matapos ang pinal na bersyon ng IRR matapos ang masusing pagsusuri at pagsasaalang-alang ng mga natanggap na mungkahi mula sa konsultasyong ito.

#SerbisyongJuanForAll #BakaQuezonYan #QQAangat #QQUpdates #MQQPIO

ISANG GABI NG NGITI AT SAYA: FREE RIDE FOR EVERY-JUAN, HATID NI MAYOR JUAN F. ESCOLANO.

Quezon, Quezon – Isang gabi na puno ng ligaya at di-malilimutang karanasan ang inihatid ng β€œFree Ride for Every-Juan” kagabi Marso 26, 2027 na kaloob ng ating Punong Bayan Kgg. Juan F. Escolano, maraming Quezonians ang nakaranas ng libreng sakay sa mga rides tulad ng Vikings, Flying Bee, at Ferris Wheelβ€”isang simpleng paraan upang maibahagi ang saya sa bawat isa.

Sa pagbukas pa lamang ay agad nang bumuhos ang sigaw ng tuwa at kasabikan ng mga bata, pamilya, at magkakaibigan, ngunit higit pa sa mga rides, ang tunay na diwa ng gabi ay ang pagmamalasakit at pagmamahal sa bawat Quezonian.

Sa gitna ng kasayahan, si Mayor Juan F. Escolano ay nakiisa sa mga nakapilaβ€”walang sawang nakikipagkwentuhan, at sinisiguradong lahat ay may pagkakataong mag-enjoy. Dahil naniniwala siya na ang bawat ngiti, bawat sigaw ng tuwa, at bawat sandali ng kasiyahan ay isang karapat-dapat na regalo for every-JUAN, patuloy niyang ipinararamdam na sa Quezon, Quezon, ang saya at malasakit ay para sa lahat.

Sa pagtatapos ng gabi, kitang-kita ang ngiting bitbit ng bawat isa pauwi, dala ang alaala ng isang espesyal na karanasang hindi nila malilimutan. Tunay na isang gabing nagpapatunay na sa Quezon, Quezon, hindi lang pag-unlad ang pinahahalagahan, kundi pati ang kasiyahan at kapakanan ng bawat mamamayan!

LGU Quezon, Quezon

#SerbisyongJuanForAll #BakaQuezonYan #QQAangat #QQUpdates #MQQPIO