Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Day: November 27, 2024

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ: ๐๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง, ๐‡๐ฎ๐ฆ๐š๐ค๐จ๐ญ ๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐‚๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐ž๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ž๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐ˆ๐ง๐๐ž๐ฑ (๐‚๐Œ๐‚๐ˆ) ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐๐ข๐ง๐  ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ, ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ” ๐ง๐  ๐๐จ๐›๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’.

Quezon, Quezonโ€” Muling pinatunayan ng Bayan ng Quezon ang kahusayan nito sa pamamahala matapos makuha ang iba’t ibang pagkilala sa Provincial Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) Awarding Ceremony na ginanap sa Queen Margarette Hotel sa lungsod ng Lucena ngayong araw (Nobyembre 26, 2024).

Sa kategorya ng 5th at 6th Class Municipalities, nangibabaw ang Bayan ng Quezon bilang:

-Top 2 Most Improved LGU sa Quezon Province

-Top 2 Most Competitive LGU para sa Government Efficiency Pillar

-Top 1 Most Competitive LGU para sa Resiliency Pillar

-Top 1 Most Competitive LGU para sa Innovation Pillar

-Top 1 Most Competitive LGU para sa Infrastructure Pillar at;

-Top 1 Overall Most Competitive LGU sa Quezon Province

Ang mga parangal na ito ay hindi lamang patunay ng mahusay na pamamahala, kundi inspirasyon din para sa ibang bayan na magpursige para sa pag-unlad. Sa pamumuno ng ating minamahal na Punong Bayan, Kgg. Juan F. Escolano, katuwang ang mga pinuno at kawani ng bawat tanggapan, walang tigil ang pamahalaang lokal sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong gawing mas matatag, mas mahusay, at mas maayos ang buhay ng bawat mamamayan.

Ang CMCI o Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) ay isang inisyatibo ng Department of Trade and Industry (DTI) na layong sukatin ang kakayahan ng mga LGU sa aspeto ng kahusayan sa pamamahala, resiliency, inobasyon economic dynamism at kaunlaran ng imprastraktura.

Sa mga karangalang ito, patuloy na pinatunayan ng bayan ng Quezon ang kakayahan nitong makipagsabayan sa iba pang malalaking bayan sa Probinsya ng Quezon at maghatid ng dekalidad na serbisyo para sa bawat mamamayan.

Buong-pusong pinasasalamatan ng Pamahalaang Lokal ng Quezon ang lahat ng mga mamamayan sa patuloy na suporta at kooperasyon, na nagbigay-daan upang makamit ang mga ganitong parangal at pagkilala.

Patuloy na itataguyod ng pamahalaang lokal ang mga layunin nito tungo sa mas maunlad, matatag, mas maayos at paangat na bayan ng QUEZON, QUEZON.

#SerbisyongJuanForAll

#BakaQuezonYan

#QQAangat

#QQUpdates

#MQQPIO