Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Day: August 19, 2022

𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 || 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟐

Ang Sangguniang Bayan ng Quezon ay nagsagawa ng pampublikong pagdinig sa pamumuno ng ating Punong Bayan Kgg. Juan F. Escolano, Pangalawang Punong Bayan Kgg. Pedrito L. Alibarbar, at sa pangunguna ng Tagapangulo ng Komitiba ng mga Alituntunin, mga Ordinansa, mga Batas, at iba pang Legal na Usapin Kgg. Alberto L. Binocaz, Jr., na dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Puno ng iba’t ibang ahensya PNP, BFP, MDRRMC, Agriculture, mga Punong Barangay at sa lahat ng mga kababayan natin na nakiisa sa pampublikong pandinig tungkol sa panukalang kautusang pambayan tungkol sa ordinansang nagtatakda ng pinakamababang pamantayan para sa pagpaparehistro ng sasakyang pangisda na tatlong kabuuang tonelada pababa sa Bayan ng Quezon na nagbibigay ng mga parusa sa paglabag nito, kautusang nagtatakda nga mga alituntunin sa pangingisda at pangisdaan sa Bayan ng Quezon at kautusang pambayan na nagtatakda ng mga karagdagang alituntunin at patakaran sa Kautusang BLG. 2011-01 na makikilala bilang Patakaran at Tuntunin sa Batas Trapiko ng Bayan ng Quezon.

Tinalakay at inilahad dito ang mga detalye ng mga ordinansa upang mapangalagaan ang yamang dagat sa ating bayan at pagbabago lalo na sa usaping Batas Trapiko sa Bayan ng Quezon at sa mga multa sa sinumang lalabag dito.