Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Month: August 2022

๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐๐”๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐… ๐„๐ƒ๐”๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐€๐’๐’๐ˆ๐’๐“๐€๐๐‚๐„ || ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ‘๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ

Isinagawa ang pamamahagi ng tulong pang-edukasyon para sa anak ng mga solong magulang sa Bayan ng Quezon, sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. Juan F. Escolano, kasama ang Sangguniang Bayan at katuwang ang MSWD Office.

๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐‡๐„๐€๐‘๐ˆ๐๐† || ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ

Ang Sangguniang Bayan ng Quezon ay nagsagawa ng pampublikong pagdinig sa pamumuno ng ating Punong Bayan Kgg. Juan F. Escolano, Pangalawang Punong Bayan Kgg. Pedrito L. Alibarbar, at sa pangunguna ng Tagapangulo ng Komitiba ng mga Alituntunin, mga Ordinansa, mga Batas, at iba pang Legal na Usapin Kgg. Alberto L. Binocaz, Jr., na dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Puno ng iba’t ibang ahensya PNP, BFP, MDRRMC, Agriculture, mga Punong Barangay at sa lahat ng mga kababayan natin na nakiisa sa pampublikong pandinig tungkol sa panukalang kautusang pambayan tungkol sa ordinansang nagtatakda ng pinakamababang pamantayan para sa pagpaparehistro ng sasakyang pangisda na tatlong kabuuang tonelada pababa sa Bayan ng Quezon na nagbibigay ng mga parusa sa paglabag nito, kautusang nagtatakda nga mga alituntunin sa pangingisda at pangisdaan sa Bayan ng Quezon at kautusang pambayan na nagtatakda ng mga karagdagang alituntunin at patakaran sa Kautusang BLG. 2011-01 na makikilala bilang Patakaran at Tuntunin sa Batas Trapiko ng Bayan ng Quezon.

Tinalakay at inilahad dito ang mga detalye ng mga ordinansa upang mapangalagaan ang yamang dagat sa ating bayan at pagbabago lalo na sa usaping Batas Trapiko sa Bayan ng Quezon at sa mga multa sa sinumang lalabag dito.

๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐”๐๐ˆ๐“๐˜-๐๐€๐’๐„๐ƒ ๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐๐† ๐’๐˜๐’๐“๐„๐Œ (๐‚๐๐Œ๐’) ๐‘๐Ž๐€๐ƒ๐’๐‡๐Ž๐– || ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ

















Bilang paghahanda sa Community-Based Monitoring System (CBMS) na magsisimula sa Agosto 15, 2022, ang Lokal na Pamahalaan ng Quezon, Quezon sa pamumuno ng ating Punong Bayan Kgg. JUAN F. ESCOLANO at sa pakikipagtulungan ng Philippine Statistics Authority ay nagsagawa ng roadshow kahapon, Agosto 11, 2022 bilang bahagi ng kampanya para sa CBMS Rollout.

Nagsimula ang roadshow sa pagsayaw sa bawat barangay na pinupuntahan at pamamahagi ng mga IEC materials sa mga tao. 

Hinihikayat na suportahan ang pagpapatupad ng CBMS sa bayan ng Quezon, Quezon at magbigay ng tamang impormasyon sa mga survey na isasagawa.

๐๐€๐†๐“๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐’๐„๐‘๐“๐ˆ๐๐ˆ๐Š๐Ž ๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‡๐€๐‹๐€๐†๐€ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐Š๐€๐–๐€๐๐ˆ๐‡๐€๐ ๐๐† ๐‘๐„๐๐“๐€๐’ ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐€๐’ (๐‘๐ƒ๐Ž ๐ŸŽ๐Ÿ”๐Ÿ ๐†๐”๐Œ๐€๐‚๐€) || ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ

Ngayong tanghali ay bumisita sa Tanggapan ng Punong Bayan si G. Carlos S. Salazar, ang Revenue District Officer ng BIR RDO 061 Gumaca, kasama ang mga kawani mula sa Collection Department ng RDO upang talakayin ang ilan sa mga usapin na may kinalaman sa koleksyon ng buwis sa ating bayan. Kasama sina Kgg. Alberto L. Binocaz Jr. (SB Member), Jeffrey M. Paclibon (Acting Municipal Treasurer) at Jocelyn A. Sisperez (Municipal Accountant) ay malugod na tinanggap ng ating punong bayan ang Certificate of Appreciation bilang pagpapahalaga sa naging performance ng pamahalaang bayan sa tax revenue collection and remittance at pagpapasalamat sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa kawanihan.