Day: March 1, 2022
๐๐๐ ๐๐จ๐ซ๐๐๐ซ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐จ๐ฅ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ || ๐ ๐๐๐ซ๐ฎ๐๐ซ๐ฒ ๐๐, ๐๐๐๐
Ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa panguguna ni Bb. Mary Rose O. Panol, MDRRM Office sa pangunguna ni G. Jhon Errol D. Sisperez at BLGU Mascarina sa pamumuno ni Kap. Mardin F. Alpay kasama ang Sangguniang Barangay at mga Tanod ay nagpulong upang talakayin ang ibat-ibang mga pamamaraan upang maiwasan ang pagpasok ng ASF sa ating bayan. Isa sa mga ito ay ang pagkakaroon ng checkpoint sa boundary ng ating bayan at Alabat, Quezon.
Ayon sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, ang buong isla ay nananatiling ligtas sa panganib na dulot ng ASF. Ayon sa pagsusuri, ang napabalitang sakit ng baboy sa Perez, Quezon ay Pneumonia at hindi ASF. Sa kabilang banda, magkakaroon padin ng checkpoint sa Brgy. Mascarina para sa kaligtasan ng ating mga alaga at upang patuloy na maprotektahan ang industriya ng pagbababoy sa ating bayan.