Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Day: February 17, 2022

𝐁𝐀𝐒𝐈𝐂 𝐃𝐈𝐆𝐈𝐓𝐀𝐋 𝐋𝐈𝐓𝐄𝐑𝐀𝐂𝐘 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 || 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟏𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑐𝑒: 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛, 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛 𝑇𝑒𝑐ℎ4𝐸𝑑 𝐶𝑒𝑛𝑡𝑒𝑟

Sa inisiyatiba ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio ay inumpisahan ang pagbibigay ng libreng Basic Digital Literacy Training para sa ating mga kawani ng lokal na pamahalaan. Bahagi ng pagsasanay na ito ay ang paggamit ng MS Word, MS Excel at MS Powerpoint.

Para sa schedule ng mga susunod na training, umantabay sa anunsyo ng Quezon, Quezon Tech4Ed Center.

#Tech4Ed
#Tech4EdQuezonQuezon
#Tech4ALL
#DICTLC2
#DigitalLiteracyTraining

𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 𝐌𝐈𝐀𝐓𝐅 𝐀𝐆𝐀𝐈𝐍𝐒𝐓 𝐂𝐎𝐕𝐈𝐃-𝟏𝟗 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐒𝐈𝐘𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐁𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝟐 𝐒𝐄𝐑𝐘𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟐 || 𝐏𝐄𝐁𝐑𝐄𝐑𝐎 𝟏6, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑇𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑝𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑃𝑢𝑛𝑜𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑦𝑎𝑛

Kapasiyahang nagtatakda ng mga panuntunan sa umiiral na alert level 2 para sa covid-19 response sa bayan ng Quezon, Quezon Simula Pebrero 16 hanggang 28, 2022

𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍, 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 𝐌𝐈𝐀𝐓𝐅 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 || 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟐

Tinalakay ang mga panuntunan sa pagbaba ng alert level classification ng ating bayan sa alert level 2 simula Pebrero 16 hanggang 28, 2022, alinsunod sa IATF-EID Resolution No. 161-A, Series of 2022. Ito ay pinangunahan ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio, Dr. Jeremiah Carlo Alejo, mga miyembro at kinatawan ng MIATF na nagmula sa iba’t ibang tanggapan at ahensya.

𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐓𝐒𝐄𝐊𝐄 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐄𝐍𝐄𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐑𝐘𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐂𝐀 || 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟐

𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑇𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑝𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑚𝑏𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝐴𝑔𝑟𝑖𝑘𝑢𝑙𝑡𝑜𝑟

Ipinamahagi sa mga magsasaka na benepisyaryo ng Philippine Coconut Authority o PCA ang tseke para sa kanilang mga patubong niyog. Ito ay sa inisyatiba ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio at ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor.