𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝟏𝟎𝟖𝐭𝐡 𝐅𝐨𝐮𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲 – 𝐎𝐩𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 & 𝐌𝐨𝐭𝐨𝐫𝐜𝐚𝐝𝐞
𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛, 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛 𝑃𝑢𝑏𝑙𝑖𝑐 𝐼𝑛𝑓𝑜𝑟𝑚𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒
𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛, 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛 𝑃𝑢𝑏𝑙𝑖𝑐 𝐼𝑛𝑓𝑜𝑟𝑚𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒
𝑆𝑜𝑢𝑟𝑐𝑒: 𝑇𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑝𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑚𝑏𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑔𝑎𝑚𝑜𝑡
Tinalakay dito ang mental health awareness at tamang pagtugon ng mga kawani ng lokal na pamahalaan tungkol sa mental health lalo na sa panahon ng pandenya at kalamidad, ito ay pinangunahan ng tanggapan ng Pambayang Manggagamot at pakikipagtulungan sa University of the Philippines sa inisiyatiba ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio.
Isinagawa ang pagpupulong sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio, Sir Harold Mercado – DOH Representative, Dr. Jeremiah Carlo Alejo, mga miyembro at kinatawan ng Local Health Board na nagmula sa iba’t ibang tanggapan at ahensya upang talakayin ang mga plano at hakbang ng RHU at DOH upang mas mapalawak at mas mapaayos ang serbisyong medikal para sa ating mga kababayan. Tinalakay ang mga datos noong nakaraang buwan at taon, at ganun din ang kinakailangang pondo para sa pagpapatayo at pagdagdag ng iba pang kawani na makakatuwang nila sa RHU.
Inilahad din dito ang pagbabakuna sa mga bata na may edad 5 hanggang 11 taong gulang. Ayon sa pinakabagong ulat, ibababa na ang Alert Level Classifications ng MIATF mula level 3 sa Alert Level 2 simula Pebrero 16 hanggang 28, 2022.