Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Day: February 10, 2022

π‘πšπ›π’πžπ¬ 𝐏𝐫𝐞𝐯𝐞𝐧𝐭𝐒𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐫𝐨π₯ 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐒𝐧𝐠


Alinsunod sa kautusang Pambayan Blg. 2009-01, nasasaad ang paglikha ng Pambayang Lupon sa pagpigil at pagkontrol ng Rabies. Nagkaroon ng pagpupulong para sa muling pagbuo ng pambayang lupon sa pagpigil at pagkontrol sa Rabies sa pangunguna ng ating Punong Bayan Kgg. Ma. Caridad P. Clacio at ng miyembro nito na nagmula sa iba’t ibang tanggapan at ahensya.

Sa pagpupulong na ito ay tinalakay ang pagsasagawa ng malawakang information campaign kaugnay ng wastong pag-aalaga, pagpapabakuna ng anti-rabies at pagpaparehistro ng mga aso. Magtatalaga ng mga awtorisadong tao na aatasang manghuli ng mga laboy o galang aso sa kalsada, dahil ayon sa pinakabagong balita ay nagkaroon ng kaso ng rabies sa bayan ng Perez at isa pa dito ay ang pagkakaroon ng aksidenteng naitala ng dahil sa aso. 

Nagpa-usapan at napagkasunduan din dito na magkaroon ng dog tag ang bawat aso, magkaroon ito ng color coding bawat barangay at pagkakaroon ng multa sa bawat mahuhuling aso.